From The Leading Scorer (bonus chapter)

415 9 1
                                    

A/N: Hi! Here's a bonus chapter. Chaptersss? Yung mga narrations ay set sa iba't ibang oras o panahon. Meaning, hindi in order yung mga pangyayari. Basta yun. You'll understand when you read it. Salamat ulit sa pagbabasa! :) Wala pong event dito na nangyari after the proposal. Hehe just saying. Ayun, ile-let go ko na talaga siya. :(

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Long black hair. Average height. Simple clothes.

Hindi naman kapansin-pansin ang babaeng yun. In a sea of people, madali siyang mawala. Pero pag nagsimula na siyang mag-salita, doon mo lang malalaman kung gaano siya kasaya kasama. Kung gaano siya kasarap kausap. Kung gaano siya katotoo. Pero sa mga pag-uusap ding yun, dun mo siya unti-unting makikilala. 

In a sea of people, siya na ang unang hinahanap ng mga mata ko. Minsan, parang may sign na sinasabing "She's here!" sa utak ko.

Kung maswerte ka, malalaman mo kung ano yung mga sikreto niya. Yung mga kahinaan niya. Yung mga kinakatakutan niya. Kung gaano kahalaga sa kaniya ang bawat aksiyon ng isang tao. Kung gaano kalaking bagay sa kaniya na maalala mo yung paboritong pagkain niya o mga wirdong obsession niya tulad ng pagmamahal niya sa history--sa mga lumang building, mga lumang storya.

Si Cassie na...natutong tumira lang sa nakaraan. Doon kasi siya komportable. Doon siya masaya. Doon, alam na niya kung ano yung sequence. Sequence kung paano nagsisimula at nagtatapos ang mga bagay. Doon, handa siya sa magiging reaksiyon niya--ano pa man ang ending.

Yun yung Cassie na nakita ko sa volunteering opportunity. Mahal na mahal ang mga bata at handang magpaka-selfless.

Habang tumatagal, lalo ko siyang nakilala. Mas lalo ko siyang minahal.

Sa isang banda, siya yung Cassie na nagbabasa ng fairytales kay Darlene. Inosente at matalino. Pero maya-maya rin, siya yung Cassie na nakakalimutan lahat ng problema at uncertainty sa mundo. Bigla-bigla na lang maglalagay ng twist sa isang basketball game. Bigla-bigla na lang sasabihan akong mag-hubad kapag hindi ako nananalo. Bigla-bigla na lang mag-aaya sa kung saan lugar sa Maynila, para lang makasama ako nang mas matagal. 

Si Cassie na pinaalala sa akin kung gaano kasaya at ka-unpredictable ang buhay. Yung Cassie na teacher talaga at tinuruan ulit akong magmahal, magpaka-selfless...magpaka-selfish. Yung Cassie na pinag-isip ako sa mga choices ko sa buhay. Yung nagpaalala na minsan, okay lang piliin mo yung mas magpapasaya sa'yo, hayaan na kung hindi maganda ang sasabihin ng mga tao.

Maikli lang naman ang buhay. Kung nahanap mo na yung taong sa tingin mo ay kukumpleto ng araw mo kahit kumain lang kayo ng barbeque o makinig sa jukebox, huwag mo nang pakawalan iyan. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan ako eh December na. Cold season na daw. Pero ngayon, kahit nakabukas naman ang aircon sa Carrie's, tumutulo ang pawis ko.

Oo, sige na. aminin ko. Kinakabahan ako.

Gustong makipagkita sa akin ng mama ni Cassie. Nung pinaalis niya si Cassie kahapon, kinausap ako ni Mrs. Aviles. Mag-lunch daw kaming dalawa para makapag-usap ng masinsinan. Siyempre, pumayag ako. Mama ni Cassie yun.

Pero hati yung isip ko dun. Iniisip ko, baka hihingi ng tawad dahil sa pakikitungo niya sa akin. Totoo naman, hindi naman maganda yung unang pagkikita namin. Pero ngayong naghihintay na ko dito sa Carrie's, naisip ko, baka iba pala ang pakay niya.

Kaya ayan, kinakabahan na naman ako. Nahahawa na yata ako sa girlfriend ko sa pagiging paranoid.

Maya-maya pa, pumasok na ang mama niya sa restaurant. Tinaas ko ang kamay ko at nakita naman niya ako. Tumayo ako para mag-mano pero umupo naman agad siya. Pasimpleng itinago ko na lang yung kamay ko. Pahiya.

"Uh, good afternoon po, Mrs. Aviles." Bati ko. Hindi naman kasi sinabi sa akin kung pwede ko na siyang tawaging Tita.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon