Chapter 29 - Through Fire And Storm

425 8 5
                                    

May meeting ang student council ngayon pero wala pa rin si Drew. Ang mga members naman sobrang tahimik. Gusto ko na sanang magsimula dahil susunduin pa ko ni PJ nang biglang pumasok si Ian, Josh, Bianca at Maricar sa headquarters namin.

"Oh, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanilang apat.
"Cass, sorry. Napag-utusan lang." sabi ni Bianca.
"Huh? Anong --" napatigil ako nang bigla akong lagyan ng blindfold.
"Hoy! Anong ginagawa niyo!" Sabi ko at kahit subukan kong tanggalin ay hindi ko magawa kasi sobrang higpit nung hawak nila.
"Cass, sumunod ka na lang." Sabi ni Josh.
"May meeting ako!" sigaw ko.
"Cass, it's okay. Kasabwat namin members ng SC." Sabi ni Maricar.
"Lagot kayo sakin pagkatapos nito ha!" sigaw ko. 

Pinalakad nila ako. May trust issues talaga siguro ako kaya naman nahirapan silang palakarin ako. Feeling ko bawat hakbang ko may maaapakan ako o mahuhulog ako.

"Cass, bilisan mo naman." Sabi ni Ian.
"Tanggalin niyo na kasi tong blindfold niyong sobrang corny."
"Malapit na tayo, oh." Sabi ni Josh.

Maya-maya pa tinanggal na nila ang blindfold. Nasa Central Quad na kami na malapit sa parking lot ng main gate. Maraming tao ang nakapalibot sa akin. At nasa gitna ang best friend ko at ang isang lalaking may hawak ng gitara. Lumapit si Drew sa akin at nagbigay ng flowers. Biglang naghiyawan yung mga babae.

"Ano 'to?" tanong ko.
"Ano pa? Favorite flowers mo. White and pink lilies."

Ibabalik ko na sana kay Drew nang bigla siyang umatras sa akin. Nilingon ang mga kabanda niya at nagsimulang kumanta. Nilingon ko si Bianca pero she just smiled at me. Sad smile pa.

I know this song. Taylor Swift 'to ah? Kakaibang hugot.

He can't see the way your eyes, light up when you smile.
He'll never notice how you stop and stare, whenever he walks by.
You can't see me wanting you the way you want him.
But you are everything to me.

I just wanna show you, he don't even know you.
He's never gonna love you like I want to.
You just see right through me. 

Kelan ba matatapos to? Para na akong napako sa kinakatayuan ko.

Like shadows in the faded light, oh, we're invisible
I just wanna open your eyes and make you realize
And I just want to show you, he don't even know you
Baby, let me love you, let me want you

You just see right through me but if you only knew me
We could be a beautiful, miracle, unbelievable
Instead of just invisible, oh, yeah

"Astrid." Sambit niya matapos ang kanta. I winced at the name.
"Astrid, alam kong kinikilabutan ka pag tinatawag kita sa pangalan mong yan. Pero, pag tinawag kita sa nickname na yan, para sa akin, naalala kong ako ang protector mo. Sana, naalala mo rin. Ako ang guardian angel mo diba?"

Naghiyawan ulit ang mga babae. Hindi pa rin ako nagsasalita. Gusto ko nang patigilin si Drew pero ayoko siyang ipahiya. Gusto kong isigaw na itigil na niya ito kasi walang papatunguhan pero hindi ako bastos...at, best friend ko siya. Hindi ko alam kung paano ko sasaktan ang best friend ko.

"Astrid, please. Please give me the honor of being your first, official, legit, boyfriend. Let me love you until the end of times. Will you be my girlfriend?" 

Biglang naglabas ng parang poster ang mga tao sa likod ni Drew. Bawat poster may nakalagay na letter...spelling out the words "SAY YES". Nagsimula rin ang fireworks. Pa-hapon na kaya medyo nakikita naman na ito. Naghiyawan ulit ang mga babae. Pinipilit akong sumagot.  Hindi ko na kinaya ang hiya at konsensiya. Lumapit ako kay Drew. Naghiyawan ang mga babae kaya naman ay bumulong na lang ako.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon