It has been three weeks since PJ and I confessed our feelings for each other. Ganun pa rin yung set up namin. Tatawag siya sa umaga, text-text throughout the day at tatawag ulit siya sa gabi.
We tried videocall pero mabagal ang internet minsan kaya napuputol ang tawag namin. Noong una kaming nag-videocall, na-homesick ako sa ngiti niya. Minsan nag-aasaran kami at feeling ko nasa tabi ko talaga siya. Ilang beses rin siya hinanap sa'kin ni ninong Larry. Kaya pag nag-uusap kami ni PJ sa Skype ay minsan dinadala ko ang laptop sa labas para magkausap rin sila ni ninong.
Pero meron din isang taong naghahanap kay PJ.
Or should I say, nakahanap kay PJ.Miyerkules nung nasa Chem. Lab. kami ni Bianca. Busy ang lahat sa isang experiment. Different groups on different tables. Si ma'am naman busy sa pagma-mark ng test papers ng ibang section.
Kumuha ako ng equipment sa lockers sa labas ng room nang biglang dumating si Drew.
"Cassandra!" Singhal niya.Muntik ko nang mahulog yung dala kong test tubes at test tube rack dahil sa gulat ko.
"Drew! Ano ka ba naman. Nagulat ako sa'yo. Muntik ko nang mabasag ang mga 'to."
"Ano 'to?" tanong niya habang pinapakita sa akin ang picture sa twitter account ng @dbuzzketball. Isang sports account.At may picture sila nung gabing nasa airport kami ni PJ. I'm looking up at him. He's holding my hand and his bag on his other hand. The caption says,
"Mystery girl ba ito ni PJ Simon @pjs08, our scoring apostle?"
Mystery dahil medyo blurred ang picture at sa perspective ng camera, hindi kita ang mukha ko, naka side view naman ako at naka-cap pa. Kung tutuusin, hirap makita na ako yun, unless you spent 10 years with me. Unfortunately, my best friend have.
"Cass, ano 'to?" tanong ulit ni Drew.
I sighed. "Hinatid ko si PJ sa airport nung umuwi siya sa kanila."
"Nang magka-holding hands?"This is not how I wanted him to find out. Nasa hallway kami at buti na lang ay on going pa ang classes kaya kami lang ang tao sa hallway.
"Drew..."
"Kailan nag-level up ang pagiging co-volunteers niyo to just friends to friends who hold hands at the airport?"
"Drew..."
"Kayo na?"
"Hindi pa." Hindi pa ba?
"Pa? May balak kang sagutin siya? Hindi pa kayo pero nagho-holding hands na kayo? Hinatid mo pa sa airport? Grabe, Cassandra. A for Effort! Tapos umuwi ka mag-isa niyan? Ano 'to, M.U. kayo? M.U. na naman Cass? Tapos sa huli, lalapit ka saking umiiyak na naman dahil nagpauto ka na naman sa isang lalaki. Mag-iiyak ka na naman, tapos ako na naman magpapatahan sa'yo. Tapos dadating na naman ang isang lalaki at magpapaloko ka ulit."I've had enough.
"Hayaan mo, Andrew! Sa susunod na umiyak ako, wala kang maririnig sa akin. At sa tingin mo hindi ko alam yung kinanahantungan ng bawat lovestory ko?! Sa tingin mo kailangan mo pang ulitin sa'kin?! At ang kapal ng mukha mong sabihin na nilalapitan kita tuwing brokenhearted ako! Never! Never kitang nilapitan, Andrew! Ikaw ang laging pumupunta sa bahay. Ni minsan hindi ko hiningi sa'yong i-comfort ako!"
"Cass--"
"At for your information, hindi ako umuwi mag-isa nung hinatid ko si PJ. He actually cares about me kaya tinawagan niya ang isa mga friends niya para ipag-drive ako."I walked away from him but he grabbed my arm and forced me to face him.
"Astrid..."
"Andrew! Stop calling me that." I hissed. Nagulat akong tinawag niya ako sa old nickname ko.
"Astrid, I'm sorry sa sinabi ko. Akala ko...akala ko maiisip mong--"
"Ano!?"Sobrang naiinis na ko na nanginginig na yung hawak kong test tube rack.
"Astrid, I've seen you fall in love with the wrong guys. Nakita na kitang umiyak sa mga lalaking hindi naman worthy! 10 years, Astrid. 10 years! 10 years at ako lang ang nasa tabi mo. Ako yung constant. Lagi kitang pinapasaya. I would go to the ends of the world for you. Nasa Eduk ako dahil sa'yo, nag-aaral ako nang maayos dahil rin sa'yo. I wanted to be good enough. "
"Andrew, stop..." I covered my ears.
"Ikaw, sobrang unattainable mo! Hindi ka nga celebrity pero sobrang hirap mong abutin kasi lagi and I mean lagi kang sa iba nakatingin! I would do anything for you to spare me just one look. Yung look na binibigay mo sa mga taong nagugustuhan mo."
"Drew, please." I turned away from him.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanficWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...