"Sandali, paki-kwento ulit mula sa simula. Hindi ko masiyadong naintindihan, kilig na kilig ka kasi." sabi ni Bianca.
Kinukwento ko kay Bianca ang nangyari kahapon. Nagkita kami sa isang mall para makapag-unwind at mag-kwentuhan na rin. Nasa isang garden area kami ng mall at umiinom ng milk tea.
"Seryoso? Kailangan kong ikuwento ulit? Pero sige."
She laughs. "Aba, gustong-gusto nga."
"Gusto ko kasing siguraduhin na hindi panaginip yun."
"Ang sweet naman nia, Cass."
"I know. Nakakatakot pero at the same time, hindi ko mapigilan sarili ko. Big gesture naman yung ginawa niyang hindi pagsakay sa eroplano diba? 100 pogi points yun."
"Oo naman. Eh may tanong lang ako."
"Ano?"
"Alam na ba ni Drew yan?"Natigilan ako. Somehow, parang ayokong sabihin kay Drew. Alam kong hindi niya magugustuhan 'to.
"Hindi ko pa sinasabi." I said as I play with the hem of my dress.
"Cass..."
"I know, I have to tell him sometime soon. Pero alam ko naman magiging reaction niya. Lahat ng nagustuhan kong lalaki, may dahilan siya para kainisan sila."
"Hmm."
"Pero, naging okay naman sila ni Cordova diba?"
"Okay in what terms, Cass? Tinalikuran niya yung running mate niya nung Miting De Avance. Hindi naman siya nakipag-partner kay Jay dahil sa tingin ni Drew magaling si Jay noh."
"He partnered up with him because of me. To get back at him. Revenge. " I said as I massaged my temples.Kanina, kilig story pa ang pinag-uusapan namin. Ngayong frustrating naman.
"So anong plano mo?"
"Alam mo Bianca, hindi ko alam bakit worried tayo? Hindi naman forever pwedeng ganun yung reaction ni Drew sa lalaking pwede kong magustuhan diba?"
"Hmm..."
"Kaya, so what, kung hindi niya gusto? Di ko kailangan ng approval niya...diba?"She just shrugged.
"Sasabihin ko this week."
"Okay, enough about Drew. Tumawag na ba sa'yo si PJ?"
"Yup. Kagabi. Pag-land ng plane nila."
"Agad agad?"I smiled at the memory. Naririnig ko pang nag-aannounce yung stewardess nang tumawag si PJ kagabi. Halos two hours lang naman kasi ang byahe from Manila to Makilala by plane.
"Hey, musta byahe?" tanong ko nung tumawag siya kagabi.
"I miss you."
"Halos 3 hours pa lang nakalipas ah? Paano yan 3 months tayong hindi magkikita?" I teased.
"Wag mo na ipaalala." I can picture him massaging his head as he leans on his seat.Wow, kilalang kilala ko na ba siya?
"Ay, sorry po." I said.
"Alam mo Cassie, naisip ko lang, parang nawalan ng bisa yung hindi ko pagsakay ng eroplano kaninang umaga kasi pinaalis mo rin ako."
"Hindi ah? At least nagkaayos tayo."
"Sabagay."
"O sige na, bumaba ka na ng plane. Baka sumama ka pa pabalik ng Manila."
"Yun na lang kaya gawin ko?"
"Baliw ka." I laughed. "Sige na. Good night ha? Ingat pa rin sa biyahe naman papunta sa inyo."
"Next time na uuwi ako, isasama na kita. Para wala akong iniisip."Kinilig naman ako dun.
"Sige na, good night PJ."
"Good night, Cassie."I was brought back to present day when I felt that Bianca was shaking me.
"Huy, nasaang planeta ka na?" tanong niya.
"Ay sorry."
"Nasa North Cotabato yata yung utak mo eh."
I rolled my eyes at her.
"Hay naku. Pag-usapan na lang natin yung joint project ng SC at ng org niyo."-----------------------------------------------------------------------------
Pag-uwi ko sa bahay ay gumawa muna ako ng mga homework namin at nag-post ng meetings sa FB page ng S.C. Maya-maya ay kinausap ko rin ang parents ko. Plano ko nang sabihin ang tungkol kay PJ.
"Hi, mama at papa!" bati ko sa videocall.
"O, anak, kamusta naman dyan?" tanong ni mama.
"Sandali ma, asan si Caloy?" si Caloy ang kapatid ko.
"Ay naku, andun sa labas kasama ang mga kaibigan niya."
"Ah, ganun ba."
"Biglaan naman kasi itong pag-videocall mo hija." sagot ni papa.
"Oo nga po hehe" sabi ko. Literal kong sinabi yung hehe. Medyo kinakabahan kasi ako.
"Kamusta pala yung SC niyo? Di ba mahirap pagsabayin ang lessons mo at SC?" tanong ni papa.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanficWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...