Bumalik na ako sa school. Hindi na ko nag-absent dahil alam kong kailangan rin ako ng students ko. I was so selfish but I was also hurt. Ang dami kong nadamay na tao dahil malungkot ako and I am not that kind of person. Usually, sinasarili ko yung sakit. I guess this time, sobrang nasaktan ako. Pero hindi pa rin yun validation na dapat dinamay ko ang students ko at lalo na yung mga kaibigan ko.
Sinabi ko na rin sa parents ko na hiwalay na kami ni PJ. It's time na malaman nila. Hindi ko rin pinaalam sa kanila agad-agad dahil...alam niyo naman yung state ko nung mga nakaraang linggo hindi ba? Hindi matutuwa ang parents ko, lalo na si mama, sa mga nangyayari sa akin. At least nung sinabi ko sa kanila, hindi ganun ka-fresh yung sakit. Hindi na sila mag-aalala.
Sa lahat ng pangyayaring 'to, si mama lang yata ang dapat ma-relieve. Relieved kasi hiwalay na kami ni PJ. That's what she wanted right? Pero nung sinabi ko sa kaniya ang nangyari, hindi naman siya nag-celebrate, as I expected her to. Wala siyang sinabing "I told you so". Yun naman ang hinihintay ko. Ang ipamukha niya pero hindi niya ginawa. Parang mas malungkot pa nga siya at tinanong lang niya kung kumusta ako.
Anyway, nasa faculty room ako at kausap ko ang adviser ko regarding my grades. Tinanong ko kasi kung pwedeng mahabol yun. Nagmamakaawa na hayaan akong bumawi sa grades ko.
"Teacher Yvette, I really, really need to graduate this semester. Ayoko pong ulitin pa ang isang sem. Sayang po sa pera."
"Cassandra, you should have thought about that before missing your classes! Ilang beses na kinailangan naming tawagan ang ibang practicumers dahil wala ka. Do you know how irresponsible was that?" Sagot ng adviser ko."Teach...I really, really am sorry."
"Not only that, kinalimutan mo rin ang duties mo as student council president."
"Alam ko po."
"Ano ba kasing nangyari, Cassandra? Were you going through something? You can tell me."
"Teach...nung mga time po kasi na may problema ako...nawalan ako ng motivation. Pakiramdam ko parang hanggang dun na lang yung kaya ko, yung buhay ko. Parang wala na kong nagawang tama. I completely forgot about my dream just because I was scared that I lost...some--something again.""Oh, Cassandra." Sabi ni ma'am at umupo sa harap ko. "If there's one thing that you could learn from St. Michael is that you could never ever let your fear control you."
"I know that now. Hindi ko po dapat hinayaang ma-control ako ng emotions ko. If possible, dapat laging utak at puso ang ginagamit."
"Hmm...puso? That means lovelife pala yan?" Naka-ngiting sabi ni ma'am.
"Um..."
"Cassandra, my dear, dear, Cassandra. You almost let your dreams get away because of a man?"
"He's not just any man." Mahinang sagot ko habang nakatingin sa sahig.
"Yan naman ang linya lagi ng mga brokenhearted."
"Teacher Yvette, please. Ano po ang mga pwede kong gawin para makahabol ako sa practicum?""Alright, pagbibigyan kita. Dahil lang alam ko namang magaling kang student. And, I guess, once in our life, we all have to become a fool to learn the harsh lessons of love. Sige, bukas sumama ka kay teacher Vienna at sasabihin niya sa'yo ang mga gagawin mo."
"Salamat po. Sobrang thankful ako na binigyan niyo pa ako ng isa pang chance."
"Don't ever become a fool again, Cassandra. Once is enough." Sabi ni ma'am at humawak sa kamay ko.
"Yes, teach. I'll try."Masaya akong lumabas ng faculty room. Babalik na sana ako papunta sa building ko nang makita ko sina Ian at Maricar na nakatambay malapit rito. Nilapitan ko silang dalawa. Nung makita ako ni Ian na papalapit ay tumayo siya bigla at lumayo sa direksiyon ko. Makukumpleto na sana ang walk-out niya nung tinawag ko siya.
"Ops. Bago ka umalis, gusto kong ibigay sa'yo tong vouchers."
Lumingon si Ian. "Anong vouchers?"
"Dinner vouchers. From Uptown Eats. Dinner for two. For you and Maricar."
"Magwawala ka pa ba?" Tanong niya habang papalapit sa akin.
I shook my head. "HIndi na. I'm sorry na ginulo ko yung engagement party niyo ni Maricar."
"Nangyari na eh." Sagot niya at nilingon si Maricar na nakaupo sa bench.
"I'm sorry Christian. I really, really am."
Napalingon ulit si Ian sa akin. "Wow, minsan mo lang gamitin yang full name ko ha."
"Well yeah, hindi kasi bagay sa'yo yung Christian....oops." Naka-ngiting sagot ko.
"Nagso-sorry ka pero nang-aaway ka, ano ba talaga, Cass?"

BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
Fiksi PenggemarWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...