Naranasan mo na bang maging brokenhearted?
May iba't ibang uri niyan dahil iba-iba rin ang karanasan ng mga tao pagdating sa bagay na yan.
May mga sinasabing brokenhearted sila dahil hindi sila crush ng crush nila.
May mga brokehearted dahil hindi naman alam ng taong gusto nila na nage-exist sila.
May mga sawi dahil may ibang gusto ang gusto nila.
May mga brokenhearted hindi dahil sa romantic love, pero pwedeng sa pamilya, academics o trabaho.May mga brokenhearted na kagaya ko.
Yung paulit-ulit nang nasaktan pero sige pa rin. Hindi natuto.Yung brokenhearted kasi na sa'yo na, nawala pa. Yung within reach pero biglang lumayo.
Mas masakit kasi...kasi you've seen this coming. Alam mo naman na hindi maganda ang mangyayari pero hindi ka bumitaw. Yung naisip mo nang hindi maganda ang maidudulot ng lalaki (o babae) na 'to, pero hindi ka sumuko.
All because of a seemingly bright future. Of a great promise. Because he or she did the things nobody has done for you before.
Kahit iba-iba pa yung rason ng mga brokenhearted, pare-parehas ang pinagdadaanan niyan.
Mga hindi makatulog. Hindi makakain. Hindi makabangon dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam. Yung nararamdaman mo na ng pisikal yung sakit. Kada iyak mo, parang wala nang luhang tumutulo kasi naiyak mo na lahat ng frustration at disappointments mo.
Kapag brokenhearted ka, parang ang daya-daya ng mundo. Parang, ano bang nagawa mo para maramdaman mo ang sakit na 'to? Nagmahal ka lang naman? Nag-effort ka lang naman? Nagpasaya?
Tapos ito pa yung ibabalik sa'yo?
Walang hiyang pag-ibig, hindi ba?----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Paggising ko, I felt good. It felt like an ordinary day! The birds are chirping, the sun's shining.
Pero pagtingin ko sa paligid ko...nasa ibang bahay pala ako. I'm in Bianca's room.
Bigla kong naalala lahat ng nangyari kahapon. Para akong nasampal ng painful memory. Parang gusto ko na ulit matulog. Yung mahimbing na everlasting tulog. I covered myself with the blanket. Pero nakapasok pa rin yung memories.
I remembered his face. Yung mga salitang lumabas sa bibig niya.
Nadurog ulit yung puso ko.
Possible pala 'yun? Yung heartbreak na paulit-ulit?Naramdaman kong may pumasok sa kwarto. Lalo akong nagtago sa kumot. Can I stay here all day? All year? Hindi ako umuwi sa bahay namin kasi alam kong lalo lang akong malulungkot. My house, hell, our whole street is full of memories with him.
"Hey, Cass." rinig kong bati ni Bianca.
Hindi ako sumagot. Naramdaman kong umupo siya sa may bandang legs ko.
"Cass, alam kong gising ka. Can we talk?"
I sighed and pulled the covers off my head.
"Hi." Bati ko at umupo ako. I hugged my knees and rested my head on them.
"Cass, ano ba nangyari?"Umiling lang ako.
"May ginawa bang masama sa'yo si PJ?"
"Wala."
"Then what happened?"
"Nakipag-hiwalay lang naman siya sa akin. No big deal."Gusto kong magpa-cool pero hindi ko nagawa. Naiyak na naman ako. I feel so pathetic but Bianca just hugged me. She didn't ask why we broke up. Siguro kasi lagi ko rin sinasabi sa kaniya everytime mag-aaway kami ni PJ. I guess she put two and two together.
![](https://img.wattpad.com/cover/19048007-288-k761541.jpg)
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...