Special Chapter

225 6 1
                                    

[A/N]: Just to be clear, this happened after Cassie's drinking escapade in Bash. Yung pagkatapos ng Liquid Courage chapter at before ng Morning After. Yun. :) I was gonna post this after the Epilogue as a bonus chapter but... oh well :)


"Cassie!" Sigaw ko nung bigla ba namang tumumba yung katawan niya. Sakto naman na nasalo ko siya.

Maraming salamat sa speed ko. Maraming salamat sa basketball at nahasa ako sa pag-takbo. Maraming salamat kasi nasalo ko ang babaeng 'to. Kundi, sakto sa sahig yung ulo niya.

"Ikaw pala ex-boyfriend nito ni damsel?" Tanong ni Alden.

Lumingon ako sa pinsan ko na naka-tanga lang sa tabi ni Maxene. Si Maxene naman naka-taas ang kilay sa akin.

Si Maxene Tan ang sinet-up sa akin ng mga teammates ko. Isa siyang model na nakilala ng girlfriend ni Gaco. Ayun, pinag-date kami kasi nahahalata yata nilang ang lungkot ko dahil sa paghihiwalay namin ni Cassie. Hindi ko rin alam kung bakit ko rin sinama si Maxene sa family party dito sa Flare. Siguro, para mapaniwala ko ang sarili kong magiging okay naman talaga ako. Kahit wala 'tong si Cassandra Astrid Aviles.

Sino na naman niloloko ko?

"Brad. Earth to PJ. Nasa Milky Way ka pa ba?" Sabi ni Alden.
"Na sa'yo na yung susi ko diba?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo. Bakit?"
"Ihatid na natin si Cassie sa bahay niya."
"Natin? Sa tingin mo matutuwa yan pag nalaman na hawak mo siya ngayon tapos ihahatid mo pa?" Tanong ni Alden.

"Sandali nga, diba pinsan mo ko, ha Alden? Bakit mas kampi ka yata dito? Paano ba kayo nagkakilala?" 
"Hindi naman porque pinsan kita, ico-condone ko na yang mga ginawa mo. Alam mo ba--" Natigilan si Alden at tumingin kay Maxene.

"Yep. I'm still here." Sabi bigla ni Maxene. "Ano ba, PJ? Bumalik na tayo sa loob. Iwan mo na yang freak na yan kay Alden."
"Max-"
Napa-buntong hininga si Maxene. "Save it, PJ. Mukhang alam ko na ang sasabihin mo. Obviously, in love ka pa rin sa kaniya. Kaya pala lagi kang lutang pag magkasama tayo. Hindi ako makikipag-date sa taong interested sa iba. I'm not going to waste my time."

"Maxene-"
"PJ, please. Spare me." Sabi ni Maxene at bumalik na sa loob ng Flare.
"Great! One down!" Sabi naman ni Alden at may pasuntok-suntok pa sa hangin na nalalaman.
"Kung hindi ko lang hawak si Cassie ngayon, binatukan na kita." Sagot ko naman.
"Ikaw nga ang dapat kong batukan sa mga pinagagawa mo diyan kay damsel." Sabi ni Alden at naglakad na papunta sa sasakyan ko.

Karga-karga ko si Cassie nang bridal style at tinulungan ako ni Alden buksan ang pinto ng sasakyan.

"Oh, anong plano mo?" Tanong niya. "Ako magda-drive tapos ikaw aalalay kay Damsel dito sa likod or ikaw--"
"Ikaw na mag-drive." Sagot ko.
"Luls. Rhetorical question yun. Alangan hayaan kitang alalayan si Damsel--"
"Alden, ano ba talagang problema mo?"
Nagkibit-balikat siya. "Sorry, bro. Kampi nga kasi ako dito sa babaeng ito eh. Ikaw na mag-drive." 

Huminga ako ng malalim. Kung hindi ko lang pinsan 'to, baka kung ano na ang nagawa ko dito.

"Sige na! Ako na mag-drive." Sabi ko.

Pagkatapos kong tulungan siya ay sumakay na ko sa driver's seat. Tinignan ko sila sa rearview mirror. Naka-rest ang ulo ni Cassie sa balikat ni Alden at bilang support ay naka-akbay sa kaniya si Alden.

"Bro, dun tayo sa condo ko ha." Sabi ni Alden nung pinaandar ko na ang sasakyan.
"Huh? Bakit doon?"
"Magtataka 'tong si Damsel kapag dinala natin sa bahay niya. Ano ka ba? Diba nga AKO ang sasama dapat sa kaniya pauwi?"
"Oo nga pala. So, hindi mo dapat alam kung saan ang bahay niya."
"Exactly. Tsaka, ano ka ba? Sino magbubukas ng bahay nila?"
"May dala namang susi lagi yan."
"Oh, paano ko malalaman kung ano yung susi na yun diba? Maiisip niya sinama kita."
"Sandali nga, Alden..." Sabi ko pero yung daan papunta sa condo niya ang tinatahak namin.
"Ano?"
"Bakit mo ba kasi hinayaang uminom yan?"
"Bakit ko naman siya pakikialamanan, eh buhay niya yan? Besides, mukhang nasaktan talaga dun sa lokong nang-iwan sa kaniya." Sagot ni Alden. Na nang-aasar na naman. Ano ba 'to, parang si Ian Sanggalang yung kasama ko sa kulit.

"Sandali nga, Alden..."
"Ano na naman?" Sagot niya at parang naiirita na. Siya pa ang maiirita?

Itatanong ko ba? May karapatan ba ko magtanong? Oo, meron! Pinsan ko siya!

"May gusto ka ba kay Cassie?" Tanong ko sa kaniya sa rearview mirror.
"Bro, eyes on the road."

Walang hiya.

"Ano nga? May gusto ka ba sa kaniya?" Tanong ko ulit.
"Bakit ikaw? May gusto ka PA sa kaniya?" Tanong ni Alden.
"Ako ang nagtanong."
"Wow. Ganda ng argument. Ano tayo, elementary?"
"Alden. Mas matanda ako sa'yo."
"Uulitin ko, ano tayo elementary? Kung sino una nagtanong o kung sino ang mas matanda?"

Bigla kong hininto ang kotse. Naumpog siya sa upuan sa harap niya pero hawak pa rin naman niya si Cassie.

"May gusto ka ba kay Cassie?" Tanong ko.
"Wala!" Sigaw niya habang hinihimas yung noo niya. Sa pagsigaw niya, bigla gumalaw si Cassie pero tumagilid lang pala.
"Sasagot naman pala nang maayos." Sabi ko at pinaandar ang kotse.
"Bakit ka ba kasi interesado? Iniwan mo na nga."
"Hindi...hindi ko siya iniwan."
"Luls ulit. Magkakaganito ba 'to kung hindi?"
"Sandali nga, paano ba kayo nagkakilala?"
"Secret." Sagot niya habang nakangisi.

Sigurado ba ang mga kamag-anak ko na kapamilya namin 'to? Parang wala naman ganitong baliw sa pamilyang Simon. O sa pamilya Liboon. Salcedo ang apelyido ni Alden pero...may kamag-anak nga ba akong Salcedo?

"Mag-oovernight lang sa inyo si Cassie ha. Bukas sasamahan mo na siyang umuwi para pumasok rin siya. May pasok yan bukas." Sabi ko sa kaniya.
"Yes, boss." Sabi ni Alden pero halatang sarcastic.
"Ilang araw nang hindi pumapasok yan."
"Wow, stalker?"
"Basta, papasukin mo yan bukas."
"Stalker nga?"
"Oo na! Stalker na kung stalker. Inaabangan ko siya minsan sa kanto nung sakayan niya papunta sa college nila. Pero hindi ko siya nakikita dun." Sagot ko kahit medyo naiinis na ko sa batang 'to.
"Allowed ka pa bang gawin yun?" 

Tumingin ako sa rearview ulit. "Bakit naman hindi?"
"Eh, walang hiya. Iniwan mo na tapos gugustuhin mo pang updated ka? Wala ka na dapat karapatan na--"
"Alden, hindi mo alam kung ano ang buong storya."
"So, tell me. Para hindi ako biased kay Damsel."

Napabuntong hininga na lang ako. Tama naman siya. Hindi niya ako maiintindihan kapag hindi ko kinuwento. Kaya buong byahe ay nag-kwento lang ako.

"Martyr ka pala, bro? Hindi halata." Sagot niya pagkatapos kong mag-kwento.
"Martyr ba yun? O tanga?"
"Minsan, parehas lang yun."

Ah, matalino rin pala minsan ang batang 'to. Siguro nga, kamag-anak ko.

"O, basta bukas, iuwi mo na si Cassie." Sabi ko nung nag-park ako sa tapat ng condo ni Alden. Nilingon ko ang babaeng natutulog sa likod. Sana...sana ako na lang yung katabi niya. Ako na lang yung humahawi ng buhok niya. Ako yung may hawak ng kamay niya.

Pero ako rin yung duwag. At nang-iwan.

"O, tama na. Baka matunaw." Sabi ni Alden at binuksan yung pinto ng sasakyan. Bumaba naman ako. Ako na ang nag-karga kay Cassie papunta sa unit ni Alden. Nag-request ako nun. O nagmakaawa. Yun man lang magawa ko.

"Alden, yung mga paalala ko ha." Sabi ko kay Alden nung nahiga na namin si Cassie sa kama.
"Oo, bro. Okay na."
"Bro ka nang bro. Dapat nga kuya tawag mo sa akin."
"Gusto mo ba i-kuya ka rin ni Damsel? Halos di magkalayo ang edad namin."
"Babatukan na talaga kita."

Tumawa lang siya. Kinumutan ko si Cassie at nilabanan ko ang sarili ko na halikan siya sa noo. Sa state niya ngayon, para siyang anghel na walang inaway kanina sa Bash. Naalala ko pa yung mga masasakit na salita na sinabi niya. Totoo kasi kaya masakit.

"Sige na, bro. Baka maiyak pa diyan. Hindi na talaga kita rerespetuhin kapag umiyak ka bigla diyan." Sabi ni Alden at sumunod naman ako. 

Akala ko, mas masakit na mahalin si Cassie sa malayuan. Mas lalo lang akong nasasaktan pag ganito ako kalapit sa kaniya pero wala akong magawa.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon