Chapter 53

96 1 2
                                    

CHAPTER 53

Pagkababang pagkababa ng eroplano ay amoy ko kaagad ang hangin na nanggagaling sa Pilipinas. Our dad and mom decided to go home after the meeting to Mr. Chen. May dapat rin kasi silang asikasuhin dito sa Pilipanas.

At ako naman ay kailangan ng mag pa enroll sa papasukan kong paaralan.

After the day with Aston, hindi na kami nagkita pang muli. Through text nalang kami nagkakausap, at masaya na ako doon. He also know na pauwi na kami ng Pilipinas. At sila ay bukas pa ang lipad.

Pagkapasok ng college ay hindi ko na siya makikita pa. Magkaiba na kami ng paaralan na pinapasukan. Pangarap ko na makapasok sa college at ngayon na malapit ng matupad ang pangarap ko. Bakit parang malungkot ako?

Dahil ba hindi ko na siya makikita pa? Hindi ba nga iyon ang dahilan kung bakit gusto kong lumipat ng paaralan. Upang iwasan siya.

Pero nang magkausap, magkalapit ulit kami sa Taiwan. Parang naging mali ang desisyon ko sa buhay. Na sana pala ay hindi nalang ako lumipat ng paaralan.

Naging close ulit kami eh. Pero magiging malabo ulit yata ang pagsasamahan namin kung sakaling lumipat talaga ako. Ngunit hindi ko na kailangan na baguhin ang naging gusto ko. Kung saang paaralan ako papasok. Final decision ko na 'yon at iyon ang alam ng parents ko. They are happy na sa dati nilang paaralan ako papasok. At baka mawala iyon kapag sinabi kong 'di na ako doon mag aaral.

And beside may mas matutunan ako sa school na 'yon. It’s all about business. International academy of management and economics. Kilala siya sa pagtuturo about sa business. I hope matututo ako.

Gagawin kong inspiration ang magulang ko.

“ Sa restaurant nalang tayo kumain” dad said.

Sumang ayon naman kami ni mom sa gusto ni dad. Tanghalian narin kasi nang lumapag ang eroplano dito sa Pilipanas.

We walked going to the restaurant here in the airport. At habang naglalakad ay nakayuko lamang ako. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa maling akusasyon na binibintang sa akin. At hindi ko man lang magawang itama iyon. Tama nga si Aston, ba't ba naduduwag akong ipaglaban ang sarili ko? Ay sarili ko ito.

Hindi pwedeng hintayin ko lang na humupaw ang isyu na iyon. Hangga’t hindi ako naimik ay hindi magiging tama ang pangyayari. Ang boses ko lamang ang aking pag asa para hindi ako mamuhay sa kahihiyan.

Ramdam ko ang pagtitig sa akin nina mom and dad. And when I looked at them, they shaked their head and looked away. I smiled sadly, I know that they want me to speak about that issue. Para hindi masiraan ang pangalan ko. Dahil kahit gawin nila ang lahat para matigil ang video na kumalat ay mahirap iyong aksyunan.

Dahil once na na-ipost na iyon sa social media. Kakalat nang kakalat na 'yon. At madami ng tao na nakakakita, I know that because when I log in on my social media accounts, ako lagi ang laman. Iyong photo na ginawang memes, iyong photo ko na sinisiraan. Kaya nga nagpasya ako na i-deactivate iyong mga accounts ko. Kasi mas lalo lang madadagdagan ang kahihiyan kapag nagpatuloy lang akong magtingin tingin.

Bakit kasi hindi muna nila alamin ang totoo? And the people who upload the video, they don’t know the truth. Basta makakita lang gano'n, they upload it quickly for a fame.

Nang nakarating na sa resto na aming pagkakainan ay syaka ko lang doon inayos ang aking sarili. Buti nalamang at sa may dulo kami naka pwesto. Ngunit may mga tao na napapatingin sa akin. At sa tuwing mangyayari iyon ay agad akong naiwas ng tingin. Parang gusto kong maiyak.

Dapat pala hindi muna ako umuwi ng Pilipinas. Where judgemental live.

Nang may nag approach sa amin na waitress ay agad siyang napatingin sa akin. Nakakunot ang noo at parang inaalala ako kung saan niya ba ako nakita. Did she saw the video? Maybe she saw, hindi magiging ganito ang reaction niya kung hindi.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon