Chapter 44

67 0 0
                                    

CHAPTER 44

“ Anak” ulit niya habang namamasa ang kaniyang mata.

Alam kong hindi lang ako ang naguguluhan kung bakit siya nandito. Mga kasambahay rin, ngunit iba ang dahilan. Naguguluhan sila kung bakit niya ako tinawag na anak.

Umatras ako patalikod at natatakot na baka mahawakan niya ako. Tanda ko pa ang sinabi ni Cathy sa akin noon. Galit at takot ang nararamdaman ko sa kanila.

“ Sila ate iyong pumatay ka'y na Nay at tay”

Saan siya kumukuha ng lakas ng loob upang tawagin akong anak? In the first place ay hindi nila ako anak! Anak ako ng pinatay nila. Na binangga nila. Because of their money, hindi sila nakulong. Kaya ngayon ay hirap na hirap kami. Ako.

Malamig lamang ang tingin na binibigay ko sa kaniya. Ngunit siya ay pangungulilala ang nakikita sa kaniyang mata. Napatigil siya sa paglapit sa akin nang makita ang pag atras ko.

“ Pasensya na po, nagkakamali siguro kayo” malamig kong sabi. Kahit parang gusto kong sumabog ay kinalma ko ang aking sarili.

Humarap ako kay Drex na naguguluhan na nakatingin sa amin. Nakauniporme pa siya at nakakahiya na ihaharap ko siya sa bisita na hindi ko man lang bihisan.

Naglakad ako sa direksyon kung nasaan si Drex at hinawakan ang kaniyang kamay. Tumingin ako kay Lucille, ang tumawag sa akin na anak. Ang pumatay sa aming magulang.

Nakatingin siya sa amin nang may saya sa mata ngunit mababakasan rin doon ang lungkot. Dumapo ang tingin niya sa magkahawak kamay namin ni Drex. I saw that she smiled but it disappeared when I spoke.

“ Bibihisan ko lang po Drex” pilit kong nilalagyan ng galang ang boses ko kahit parang ayaw makisama ng nararamdaman ko.

“ Can I come?”

Kahit matanda na siya at may wrinkles ay kita parin ang kagandahan niya. May kamukha siya ngunit ayaw kong malaman kung sino. Binalik niya ang ngiti sa kaniyang labi ngunit hindi ko man lang ito sinuklian.

Lumingon ako sa ibang kasambahay na narito sa living room. Gulat na gulat sila ngunit si Gina o Phoebe lamang ang hindi nagbago ng ekspresyon. Seryoso siya ngunit makikita sa kaniyang mata ang saya.

Agad kong binalik ang tingin kay Lucille. Hindi ko kaya na tawagin siyang may galang. Hindi naman niya iyon deserve.

“ Huwag na po. Maghintay na lamang kayo rito”

Hindi ko na hinintay na umimik siya. Agad akong umalis kasama si Drex upang makapunta na sa kwarto niya. Tahimik lang kami na naglalakad papunta sa kwarto ngunit habang namimili na ako ng susuotin niya ay hindi niya napigilan na magtanong.

“ Mommy why lola called you anak? Is she your mommy?”

Napatigil ako sa paghahalungkat sa kaniyang closet nang itanong niya iyon. Iniwan ko siya sa may kama niya ngunit narito na siya sa aking likod.

Kuryoso siyang nakatingin sa akin at naghihintay na magsalita ako. Pilit akong ngumiti at lumuhod para magpantay kami. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso habang nag iisip ng masasabi.

“ Nagkamali lamang siguro ang lola mo. Na miss yata ang mommy mo”

Alam ko naman na hindi siya ang nanay ni Adrian. Hindi niya kamukha at ramdam ko talaga na hindi niya anak si Adrian.

“ Mommy, when I go to daddy's room kanina. I saw mommy’s picture, she looks like you! I thought in the first place that it’s you but daddy said it was my real mommy”

Nanlamig ako sa sinabi niya. Napigilan ko rin ang paghinga at unti unting natanggal ang pagkakapit sa kaniyang braso. Narinig ko nga kanina na kamukha at kapangalan ko ang asawa ni Adrian. Pero ang marinig ito kay Drex ay iba ang dala dala nito sa akin. Nakakagulat na hindi ko mawari ang nararamdaman

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon