Chapter 18

78 0 0
                                    

CHAPTER 18

“ Sorry hindi ako nakabalik dito kahapon. May emergency kasi.”

Bungad ng doctor ni Aedan pagkapasok nito. Saktong kagigising ko lang nang pumasok siya. Nagising ako kanina nang merong pumasok na medtech upang kuhaan ng dugo si Aedan. Pagkatapos noon ay natulog ulit ako.

Gising na si Aedan kanina pa. Natulog ako noon na nanonood na siya ng tv. Si Cathy naman, tulog pa doon sa sofa. Hindi ko na siya ginising at kahit papikit pikit pa dahil kagigising lang ay humarap na ako sa doctor.

“ I'm sorry did I wake you up?” she asked worriedly.

Umiling lang ako upang ipahiwatig na hindi niya ako nagising. Tumayo na ako at sa pagtayo ko na iyon ay sumakit ang likod ko. Alam ko naman na mangyayari ito pero iba parin talaga kapag mangyari na. Napangiwi ako at bigla ko iyong pinalitan ng ngiti nang tumitig sa akin ang doctor na may halong pagtataka.

“ Is your back hurts?” she asked again.

“ Opo” napapaos kong sabi dahil kagigising ko lang.

“ Oh. Next time, huwag mong hahayaang matulog ka ulit na nakayuko ka lang. Masama iyon sa likod”

Tumango lang ako bago siya lumapit ng tuluyan sa akin. Sinuklay ko gamit ang aking kamay ang aking buhok. Kahit sa buhok lang magmukha naman akong presentable.

“ So, andito iyong result noong ultrasound ni Aedan. Nakita ko na ito kanina bago pa ako pumunta dito”

“ Ano po iyong resulta?” kinakabahan na sabi ko.

Wala akong maayos na tulog dahil laging dumadaing at naiyak si Aedan dahil sa pananakit ng tiyan niya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa pagkataranta. Namimilipit na siya sa sakit. Kahit nagreseta naman ng ibang gamot ang doctor para sa sakit ng tiyan ay hindi parin ito natalab. Ano ba ang nangyayari kay Aedan?

Bumuntong hininga siya bago binuksan ang brown envelope na naglalaman noong resulta.

Pinakita niya sa akin iyong resulta ngunit wala akong maintindihan. Ang alam ko lang may binulugan sila doon at nang titigan ko iyon. Iyong kidney ni Aedan 'yon.

“ His kidney” turo niya doon sa kidney ni Aedan. “ His kidneys are swollen”

Tumingin siya sa akin ngunit nakatingin lang ako doon sa result noong ultrasound ni Aedan.

“ Don’t worry. Mawawala din ito if he will take his meds that I will prescribe. Kaya din namaga ang kaniyang bato ay dahil sa dengue. The virus production inside the body is greatly increased and many more organs in the body can be affected.” Paliwanag sa akin ng doctor.

Tumango nalang ako sa kaniya kahit wala akong naintindihan doon sa may pinaka dulo niyang sinabi. Ang alam ko lang ay dahil sa dengue kaya namaga ang bato ni Aedan.

Bago siya umalis ay niresetahan muna niya kami ng bagong gamot para sa pamamaga ng bato. Sure akong mahal ito. Nakatingin lang ako sa papel kung saan doon nakasulat ang gamot ni Aedan. Konti nalang ang pera namin diyan. Kasya kaya iyon para dito sa gamot ni Aedan?

“ Ate” natigil ang pagtitig ko sa papel nang tinawag ako ni Aedan.

Nakaupo siya doon sa kama habang nakatingin sa akin. Pitong taon palang si Aedan pero pabalik balik na kami sa hospital.

“ Bakit? Gutom ka ba?” tanong ko sa kaniya.

Umiling siya bago may tinuro sa likod ko. Kunot noong sinundan ko ng tingin ang daliri niya. Nang makita ko kung ano o dapat sabihin na sino ang tinuturo niya ay para akong tanga.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon