Chapter 19

68 1 2
                                    

CHAPTER 19

Napag iiwan na ako ni Sir ngunit hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa likod niya na ang tikas tingnan. Kahit likod niya ang gwapo. Nakakainis.

“ What now? Are you just going to stand there? Akala ko ba ihahatid mo ako? Wala pa tayo sa sasakyan ko” naiinis niyang sabi.

Dahil sa sinabi niya ay doon lang ako nagising sa pagkatulala sa kaniya. Napakurap kurap ako bago nagsimulang maglakad papunta sa kaniya. Papalapit sa kaniya.

Habang hinahakbang ko ang aking mga paa ay lalong paulit ulit na pumapasok sa aking isipan ang sinabi niya kanina.

Tara na misis

Hindi ko ipagkakaila na lumakas ang tibok ng puso ko nang sabihin niya iyon. Sobrang lakas na animo’y gusto niyang makalabas. Lalong papula nang papula ang pisngi ko habang papalapit nang papalapit ako sa kaniya. Ako dito na naiilang sa tingin niya ngunit siya parang wala lang.

“ Are you a turtle? You’re so slow.” Naiinis niya talagang sabi.

Nakakunot ang noo at ang kilay ay malapit ng magsalubong. Kung babagalan ko pa talagang maglakad ay parang sa itsura niya ay hihigitin niya na ako dahil sa bagal kong maglakad. Binilisan ko na ang paglapit sa kaniya at nang makarating na ako sa harap niya ay malaki ang agwat sa gitna namin.

Hindi ko na talaga kayang lumapit sa kaniya simula nang makumpirma ko na may nararamdaman ako para sa kaniya. Nagising nalang ako na gusto ko siya. At sa nagdaang araw lalong lumalalim ang pagkagusto ko sa kaniya. Ang bilis ko namang mahulog.

“ What?” ayan na naman ang itsura niya na naiinip at parang galit.

“ Po?” balik kong tanong sa kaniya.

Ayan na naman siya. Nagagalit sa akin ngunit wala naman akong ginagawa. May sakit na ba siya? Ano? Nabagok ang ulo?

“ Tsk. Let’s go” napakunot ang noo ko dahil sa inasta niya. Problema nya?

‘Di ko akalain na magkakagusto ako dito sa amo ko. Ang lakas ng saltik eh. Para siyang babae na meron. Daig niya pa ako kapag meron ako.

Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad akong tumigil sa 'di kalayuan sa kaniya. Pinanood ko lang siyang buksan ang pinto ng kaniyang sasakyan dito sa aking kinatatayuan. Ang akala ko ay sasakay na siya ngunit nagulat ako nang lumingon siya sa gawi ko.

Walang emosyon siyang nakatingin sa akin at kahit malayo ako sa kaniya ay narinig ko parin ang buntong hininga niya. Parang frustrated sa isang bagay na 'di ko matanto.

Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango bilang paalam. Kahit ang rude kung hindi ako magpapaalam ng malapitan ay mas gugustuhin ko pa ito. Mas gugustuhin kong magpaalam sa kaniya na malayo ako sa tabi niya. Hindi iyong malapit ako sa kaniya na parang malapit ng mamatay.

“ You’re not closer enough to me to say goodbye” bigla niyang sabi.

“Po?”

“ What? Anong gusto mo ako pa lalapit sa 'yo?”

Tumikhim ako bago ako umayos ng tayo. Parang sa sinabi niya ay matutumba ako. Ako na nga itong nalayo sa kaniya ngunit siya lapit nang lapit. Gusto niya ba ako?

“ Hindi na naman po kailangan na lumapit kayo. Aalis na naman po kayo kaya okay na ganito kalayo tayo” magkakandabulol bulol pa ako habang sinabi ko iyon.

Ang kunot niyang noo kanina ay lalong nangunot. Huwag niyang sabihin na may mali na naman sa sinabi ko kaya ganito ang pagkakakunot ng noo niya? Tama naman ang sinabi ko ah. Ba't pa lalapit kung aalis din naman siya?

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon