Chapter 23

76 0 1
                                    

CHAPTER 23

“ Drex?” Hindi makapaniwalang pagtawag ko sa kaniya. Naibaba ko na siya mula sa aking pagkakarga. Nakahawak ako sa kaniyang braso habang naguguluhang nakatingin sa kaniya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Ba't niya ako tinawag na mommy? Kakarating ko lang ngunit nabigla agad ako mula sa lumabas na salita sa kaniyang bibig. Ngunit hindi na siya nagsalita pa. Nakatingin lang siya sa akin nang malungkot hanggang sa may pumatak sa luha mula sa kaniyang mata.

Agad ko siyang niyakap at hinagod ang kaniyang likod. Sa aking braso siya nagpatuloy na umiyak. Parang sa bawat hikbi na aking naririnig ay patuloy akong nasasaktan. Hindi ko kayang makita na ganito si Drex. Malakas siya kahit bata pa siya ngunit sa ganitong sitwasyon ay para siyang ordinaryong mahinang bata.

“ Don’t leave again, please” he said while he’s crying.

“ Shhh stop crying” pagpapatahan ko sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang likod.

Napatingin ako kay Gina na kanina pa nakatingin sa amin. Nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti siya ng malungkot. Tumango siya sa akin bago umalis.

“ I will but promise me you will never leave again”

“ I will. I will never leave you again”

Dahil sa sinabi ko ay agad siyang umalis sa pagkakasubsob sa aking braso. Basa ang kaniyang mukha dahil sa iyak. Pinunasan ko ang luha niya sa kaniyang mukha gamit ang aking kamay. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin na para bang sa isang iglap ay mawawala ako bigla sa paningin niya.

“ Kumain ka na ba?” malambing kong tanong sa kaniya ngunit tumango lang siya sa akin. Hindi parin inaalis ang tingin.

“ Why did you leave?” he asked me.

“ May sakit kasi 'yong kapatid ko. Kailangan kong alagaan”

“ If I got sick too, you will take care of me?”

Umalis ako sa pagkakaluhod at hinawakan ko ang maliit niyang kamay. May ngiti sa aking labi habang nakatingin sa kaniya. Siya naman ay nakatingala sa akin dahil sa liit niya.

“ Of course. Pero 'wag mong pangarapin na magkasakit ka. Mag aalala ang daddy mo. Gusto mo ba 'yon?”

Umiling siya habang naka pout. “ No. I always saw dad crying if I will go to his room. I don’t want to be a burden for him”

Si Sir naiyak? Hindi man lang pumasok sa isipan ko na umiiyak si Sir. At doon ako natamaan. Kahit malakas ka sa paningin nila, may tinatago ka ding kahinaan. Kailangan mong magpakatatag para sa iba dahil ikaw lang iyong inaasahan. Ikaw lang 'yong kinukuhaan nila ng lakas. At si Sir, kailangan niyang magpakatatag para kay Drex. Tao lang din si Sir. May nararamdaman.

“ He always say my mom’s name. He was hugging a picture frame but I can’t saw the picture. I'm afraid that he will saw me and be mad at me”

“ Hindi kayang magalit ni Sir sa 'yo”

“ Do you want to play with me?”

Tumango ako sa sinabi niya. Inilagay ko muna ang bag ko sa kwarto na aking tinutuluyan dito bago ako tumungo sa kwarto niya. Kahit sa pagpunta ko sa kwarto ay hindi siya naalis sa tabi ko.

While I was looking at him playing with his toy I can’t help but to think what he said earlier. Masyadong apektado si Sir sa pag iwan sa kanila noong nanay ni Drex. Napangiti ako ng malungkot dahil doon palang wala na akong pag asa. Mahal parin niya. Wala akong laban sa taong wala na ngunit mahal parin niya.

“ Nanny” napalingon ako sa kaniya nang tawagin niya ako.

Kung kanina mommy ang tawag niya sa akin ngayon naman ay nanny. Guni guni ko lang yata ang narinig ko kanina. Epekto yata ito na gustong magka anak ngunit wala namang jowa.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon