Chapter 26

68 0 0
                                    

CHAPTER 26

Hindi ko alam kung ilang beses na niya akong nahalikan. Hindi ko rin nabilang kung gaano katagal ang aming halikan. Basta ngayon kami ay parehas na naghahabol ng hininga. Ang kaniyang noo ay nakasandal sa aking noo habang parehas na hingalo. Nakatingin lang ako sa kaniyang dibdib at wala na akong mukha na ihaharap sa kaniya. Paano ako naging marupok sa sitwasyon na ganito?

Ramdam ko ang matinding init ng aking pisngi. Pilit kasing bumabalik sa aking alaala ang pangyayari kung paano kami maghalikan. Hindi ako makapaniwala sa aking sarili na nagawa ko siyang halikan pabalik, masyado tuloy akong nag o-overthink kung tama ba iyong ginawa ko. So, ito pala ang parusa ko? Ang ganda namang parusa kung gano'n.

“ Can’t look now huh? Paano pa kaya kapag iyong baba na iyong nahalikan ko” nakakaloko niyang sabi kaya agad akong napatingin sa kaniya.

Ayan na naman ang ngisi niya sa akin. Hindi lang iyong labi niya ang nakakaloko kundi pati ang mata niya. Hindi parin niya inaalis ang dalawang kamay niya sa aking ulo kaya gano'n nalang kalapit ang aming mukha. Kung inalis man niya ang pagkakasandal ng kaniyang noo sa aking noo ay kaaunti lamang iyong agwat. Ramdam ko ang mabangong hininga niya na tumatama sa aking mukha.

“ Ha?”

“ Pretending to be innocent?”

Nang malaman ko ang pinapahiwatig niya sa sinabi niya kanina ay agad kong iniwas ang aking tingin sa kaniya. Bakit ba sinasabi niya ang ganoong salita? Napaka bulgar naman. Hindi ako inosente upang hindi malaman kung ano iyong tinutukoy niyang baba. Naitiklop ko tuloy ang dalawa kong hita. Ang mapula kong pisngi ay sigurado akong buong mukha na ang mapula.

“ Ano…aalis na ako” akma na akong lulusot sa butas nang agad niyang harangin iyon gamit ang kaniyang kamay. Ang bilis niya.

Hindi ko matatagalan ang ganito. Wala pa akong balak umalis kanina ngunit nang sabihin niya ang napaka bulgar na salita kanina ay hindi ko kayang tumagal kasama siya. Parang mawawalan ako ng hininga dahil sa kaba.

I fist my knuckles because of nervous. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko at lahat ng nangyari kanina ay paulit ulit na pumapasok sa aking isipan.

“ Kailangan na po ako sa kusina” nagkakanda utal utal na ako sa pagsasalita.

Parang gustong lumabas ng puso ko sa ribcage. Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sa lamesa na nasa likod niya. Gusto kong maluha dahil sobrang nakakahiya na talaga. Ano nalang ang iniisip niya ngayong gumanti ako ng halik sa kaniya?

“ I'm the boss. And you will do what I will say. If I said stay, stay”

Ano ako aso? Parang sa ginagawa niya ay isa akong aso. Sinusunod lahat ng sasabihin ng kaniyang amo. Nag angat ako ng tingin sa kaniya na may galit sa aking mata. Ito na naman ako, hindi ko alam kung saan ako nakuha ng lakas upang magalit sa kaniya. Sa katunayan nga ay dapat matakot ako sa kaniya dahil siya 'yong amo ko.

“ Aso ako? Aso ha?” naiinis kong sabi.

Ang malambot niyang ekspresyon kanina ay bigla nabago. Napalitan ito ng gulat, ang kaninang malapit niyang mukha sa akin ay nailayo niya. Napahakbang siya paatras habang nakataas ang dalawang kamay na parang suko na.

Kitang kita ang gulat sa kaniyang mata dahil sa biglaan kong pagsabog ng galit. Oo amo ko siya ngunit dapat ba hinahalikan ng amo ang kasambahay? Dapat ba naganti ng halik ang katulong? Sarap lamunin ng lupa ngayon.

“ Chill. I didn’t say that. I just want you to stay” mahinahon niyang sabi.

“ Pero gano'n ang pagkakaintindi ko!”

Dapat ako itong natatakot ngunit siya pa itong takot na takot. Para siyang pusa habang ako ay isang leon na galit. Nabaliktad na yata ang lamesa. Ako na itong amo na pinapagalitan ang katulong dahil sa hindi pagsunod sa utos.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon