Chapter 50

76 1 0
                                    

CHAPTER 50

“ Oh? Really?” Dad asked with a smile on his face.

Hindi ako makaimik at napatingin nalang sa kamay namin na magkahawak ngayon. Nasa ilalim ito ng lamesa kaya hindi alam ni mom and dad iyon. Ang lambot ng kaniyang kamay sa akin. At ang gandang tingnan. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Na hawakan ng isang lalaki ang kamay ko. Pwera kay daddy.

Ito ba ang nararamdaman ng mga babae niya kapag nahahawakan ni Aston ang kamay nila? Na parang may kung ano sa iyong tiyan. Nakakaba at masaya at the same time. Dahil sa gulat sa aking narinig ay hindi na ako nakapagsalita pa. Gano'n din si mom.

Si dad at Aston lang ang nag uusap ngayon sa hapag. At hanggang ngayon ay hindi niya parin binibitawan ang aking kamay. Nakapatong lamang ang kamay niya sa kamay ko na nasa aking hita.

“ Yes po. I…I want your consent po” humina ang boses niya sa huling words. Maybe hindi sanay.

Tumingin ako sa kaniya at saktong napatingin naman siya sa akin. At bigla ko nalang nahigit ang aking hininga nang ipagsiklop niya ang aming mga kamay. Hindi na nga ako mapakali sa pagpatong niya ng kaniyang kamay sa ibabaw ng aking kamay. Paano pa kaya ngayong magkasiklop na ito?

Pilit kong pinapaalala sa aking sarili na huwag masyadong kiligin. Dahil baka magtaka sila sa inaakto ko.

I cleared my throat and looked away from him. Kailan ko kaya siya matitigan ng matagal? Iyong tipo na siya ang unang iiwas. At wala na akong ilang na nararamdaman.

“ Drop the formality hijo. You talk like a real businessman” dad said.

“ And if your asking for our consent. Payag kami” it was mom.

Sabay kaming napatingin kay mom nang sabihin niya iyon. She smiled at us and sip a glass of water.

I bit my lower lip when Aston hold my hand tighter. Dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. He nodded to mom and dad with a smile on his lips.

“ Thank you po”

Panaginip ko ba ito o guni guni ko? Para kasing napaka impossible na mangyari ito. Na pinagpapaalam ako ni Aston kay na mom upang makipag date sa kaniya. Pero baka…napipilitan lang siya.

Masyadong na pressure kay dad. Sa dami ba kasing tanong ni dad ay baka gano’n na nga. Upang makawala na sa tanong ni dad ay sinabi nalang niya na idadate niya ako. Para lang naman sa handkerchief kaya ako makikipagkita sa kaniya. Ngunit kung dahil doon…bakit sa may parke pa kung pupunta din naman pala siya dito sa hotel na tinutuluyan namin?

Totoo kaya iyong sinabi niya? Sana nga…sana hindi siya napipilitan.

“ Can I clarify something?” dad butt in.

“ What is it po?”

Palihim akong napangiti nang marinig ko kung ano iyong sinabi niya. Ang cute. Siya talaga iyong tao na hindi sanay na gumamit ng po. Wala rin naman kasi sa mukha niya. At ugali narin.

Pero kahit gana'n siya. Family oriented naman. Hardworking, persevering, and a man who will do anything for his family. And a man who can stand by his own feet. A matured one and sometimes kind. Pero hindi niya pinapakita sa iba.

Alam ko lahat iyan. Dahil sa tagal kong may gusto sa kaniya, subaybay ko na siya. Lahat ng kilos niya ay alam ko. Scarry, crazy or what. Pero ganiyan ako mabaliw para kay Aston.

Kaya ganito nalang ang gulat ko sa mga nangyayari ngayon.

“ Are you courting my daughter? Or the two of you are in a relationship?”

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon