Chapter 62

55 0 0
                                    

CHAPTER 62

WARNING: R-18

“ Bakit ka nandito?” I asked when I step outside of our house. Pamilyar na kotse niya agad ang aking nakita.

Nakasandal siya kaniyang Mercedes Benz habang matiim na nakatingin sa akin. Habang ako ay naguguluhan kung bakit siya narito. It is the first day of school. Tapos na agad ang summer. Sanay na ako na ako lang mag isa ang napunta sa school. Dahil may sarili akong sasakyan. At hindi ko na siya pinapayagan na sunduin pa ako rito.

At ang makita siya na narito ay nakakagulat. Lalo na at papaalis na ako. Sa aming dalawa, ako lagi ang maagap. Nasunod nalang siya sa school. And when we saw each other there. We spend the remaining time we had before the class start.

“ Masama ba na pumarito na ako?"

“ Hindi naman! Ngunit hindi ka naman lagi narito kapag may pasok”

He smirked and stand straight. Umalis siya sa pagkakasandal at humakbang papalapit sa akin. Aliw na aliw ang mga mata. Hindi ko nga alam kung anong nakakaaliw.

He's wearing a jeans and sweater. At ang susi ay nasa mga daliri niya. Ang gwapo niyang tingnan sa suot niya. Ang pagka mestizo ay lumalabas. Chinese na Chinese talaga siya.

Ba't ako nainlab sa singkit?

“ E 'di lagi na ako paparito, everyday. To fetch you”

May sasakyan naman ako. Minsan sa aking isipan na isip ko, kung ano iyong feeling na kasama ko siya sa isang sasakyan habang patungo kami sa aming paaralan. Ang una kong beses na sumakay ako sa kaniyang sasakyan ay iyong sabay kaming bumili ng gamit. At hindi na iyon nasundan pa. Pinayagan na kasi ako nina mom na mag-drive on my own. Ngayon lang ulit iyon mauulit.

“ But I have a car. Ayaw mo ng convoy tayo?”

His eyes became serious. Tinaas niya ang kaniyang kilay at mas lalo pang lumapit sa akin. Naka ready na ako. Bihis na bihis na. Simpleng jeans at white button down shirt ang suot ko. Ang buhok ko ay tinali ko na. Dahil alam ko na magiging hectic ang pagiging fourth year college namin.

“ I like you being in my car. Nakakasawa na nakasunod lang ako sa 'yo kung pwede naman na sa iisang sasakyan lang tayo”

I like that too. Pero paano ang sasakyan ko? At paano kung hindi kami magkasabay sa pag uwi? Kung may kailangang gawin ang isa sa amin. Ta's matagalan pa. I am willing to wait him, pero paano kung ako iyong matagalan? Ayoko na pinaghihintay ko siya.

“ I have my car” turo ko doon sa sasakyan ko na nasa garahe.

“ I have a car too. Dito ka na sumabay sa akin”

“ Pero paano kung matagalan ako?” nag aalala kong tanong.

“ E 'di hihintayin kita” walang pag aalinlangan niyang sabi.

May pag aalinlangan pa sa aking mata nang pumayag ako sa gusto niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at siya narin ang nagkabit ng seatbelt ko. Hindi pa siya umalis muna roon. Ang isang kamay ay nakasandal sa backrest ng inuupuan ko. At ang isang kamay ay nakahawak sa pintuan ng kotse.

“ What?”

He just smiled at me and close the distance of our head to gave me a deep kiss. Isang malalim at madaling halik lang iyon. At nang tanggalin na niya ang kaniyang labi sa akin ay satisfied na satisfied siya sa kaniyang ginawa. Habang ako ay hindi makapaniwala. Kailangan ko pang lumingon sa bahay namin kung nakita ba kami ni mom. Hindi pa sila nakakaalis ng bahay.

“ Andito pa sa bahay sina mom!” I hissed at him.

Ngunit imbis na matakot siya ay nagawa niya pang tumawa. Napalingon ako sa aming bahay nang marinig ko ang pagbukas ng aming pinto. I saw mom and dad walking to their car. Pinagbuksan ni dad si mom ng pinto at akmang papasok na sana nang tawagin sila ni Aston.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon