Chapter 75

68 3 2
                                    

CHAPTER 75

Ang isang kabaong noon na tinitingnan ko lang ay naging dalawa na. Ang isa kong anak na nawala ay naging dalawa. Ang isang tao na iniiyakan ko noon ay nadagdagan pa. At ang mas masakit. Ang yakap yakap ko noon na mga anak ko, ngayon ay nakahiga na at walang buhay.

Mabilis nga ang panahon ngunit hindi ko naman pinangarap na maging ganito ang pangyayari. Bakit dalawang anak ko pa ang kinuha? Ang babata pa nila. Marami pa silang dapat gawin. Marami pa dapat silang makita. Pero bakit kinuha agad sila sa akin?

Parang kahapon lang noong nagtatawanan kami. Nagsasaya at ngayon ay nag iiyakan na. Mas lalo lang dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Mas lalo lang akong nagkaroon ng pag asa na huwag ng ipagpatuloy pa 'tong buhay ko.

At sa tuwing napapatingin ako sa kabaong. Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Ako ang may gawa ng lahat ng 'to.

“ Condolence”

“ Condolence”

Iyan lagi ang naririnig ko. Ngingiti lang ako sa kanila at babalik na sa unahan ang tingin. Sobrang tipid lang lagi ng sinasabi ko. Mas pipiliin ko nalang na manahimik kesa umimik. At mas gugustuhin ko pang mapag isa kesa kaawaan nila.

Bakit sa lahat ng tao bakit mga anak ko pa? Bakit sila pa? Alam kong hindi ko hawak ang buhay ng isang tao kasama na ang mahal ko sa buhay. Pero gusto ko na bumalik ang lahat. Gusto ko na huwag silang mamatay at magpatuloy pa sila sa kanilang buhay. Pero ang unfair kasi eh. Ang bata pa nila.

Kung nanatili nalang ba kami sa aming bahay hindi na magkakaganito? Baka sakali sigurong buhay pa sila. At kung nagfocus ba ako sa pagda-drive, hindi sila nakalagay sa kabaong?

Kasalanan ko talaga 'to. Wala na akong maihaharap na mukha sa aking asawa dahil dalawang anak na namin ang kinuha.

“ Kat…kain ka na muna” It was mom.

Kahit magulang at kaibigan ko ay hindi ko na sila magawang tingnan. Miski pagkain ay nakakayanan ko ng tanggihan. Dahil ano pang silbi ng buhay ko kung iyong mga anak ko ay wala na? Habang buhay kong sisisihin ang aking sarili. Habang buhay kong dadalhin ang sakit at bigat sa aking puso dahil sa pagkawala ng pinakamamahal ko.

“ Busog pa ako”

“ But you didn’t eat breakfast! Kahapon ay sobrang unti lang ng kinain mo”

Lack of sleep, don’t want to eat and stay silent all day. Pinapatay ko na talaga ang sarili ko. Ano pa bang purpose ko dito sa mundo? Wala na naman yatang dahilan para magpatuloy pa kung iyong kinukuhaan ko ng lakas ay naglaho na.

“ Busog pa po ako”

“ Kat naman! Papatayin mo ba ang sarili mo ha?! Matutuwa kaya na'n ang mga anak mo? Na makita ang nanay nilang unti unting pinapatay ang sarili? Andito pa si Aston…nagpapakatatag iyon para sa iyo. Dahil ikaw nalang ang natitira”

May panibagong luha na naman ang nagsisimulang magsituluan. Napatingin ako kung nasaan si Aston. He was there sitting alone while looking in front. May kumakausap naman siya sa kaniya ngunit tinatanguan niya lang ito. Agad ulit siyang yumuko habang nakaparte ang mga binti. Halatang halata sa mukha niya na pagod na talaga siya. At katulad ko, wala parin siyang tulog.

Pagkatapos nang ideklara ng doctor na wala na si Aedan, parehas kaming tahimik habang walang patawad ang mga luha. Agad rin naming inasikaso ang libing ni Aedan and it feels like. Hindi na ako 'to. Dalawang anak ko na ang nawala dahil sa kapabayaan ko.

Nang maramdaman niya ang titig ko sa kaniya ay agad akong umiwas ng tingin. I looked at mom and nodded. Agaran akong tumayo at sumunod na sa kaniya sa kusina na narito upang makakain na.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon