Chapter 3

99 3 0
                                    

CHAPTER 3

Kahit naman hindi niya sabihin kukunin ko talaga ang loob ni Drex! Ganoon naman talaga ang isang nanny 'di ba? Kukunin mo ang loob ng inaalagaan mo.

“ Drex juice mo” sabi ko bago ilapag ang juice niya dito sa lamesa. Maliit lang itong lamesa na para talaga sa isang bata na katulad ni Drex.

“How did you know what’s my favorite flavor of juice?”

“ Ah! Sinabi ng daddy mo sa akin” pag ka sabi ko niyon ay binigyan niya ako ng nakakadiring tingin. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Sa pagkaka-alam ko wala naman.

“ Do you like my dad?” ano bang klaseng tanong itong pinagtatanong nitong batang ito! Nakakagulat ang mga sinasabi. Dapat nilalagyan ito ng tape.

“ Wala ah!” Agad na tanggi ko. Kahit  gwapo at may abs ang tatay mo ay hindi ako papatol doon. May anak na nga iyon syaka baka bumalik iyong nanay mo at kunin kayo e 'di nasaktan ako? Nasaktan ako kung nahulog ako sa tatay mo na may mahal na iba.

“ Why did you asked him of what’s the favorite flavor of my juice if you can asked me?”

“ Nakasalubong ko kasi iyong daddy mo sa kusina. Dapat ay pupuntahan kita at tatanungin kung anong flavor ng juice na gusto mo pero sinabi na sa akin ng daddy mo” totoo ang sinabi ko dahil totoo namang nangyari iyon. Baka maisip pa niya na gusto ko tatay niya e wala naman akong gusto sa may anak na.

“Stupid” napapantig ang tenga ko sa sinabi ni Drex. Bakit ito natutong magmura? Sa tatay ba?!

Kalma self kailangan kunin mo ang loob ng bata dahil kinabukasan ng kapatid mo ang nakasalalay dito. Pag nagalit ang bata sayo papalayasin ka at mawawalan ka ng trabaho. Kaya self kalma! Breath!

“ Drex. Don’t say bad words, it’s not appropriate to say bad words to the people who are much older than you” napapaenglish tuloy ako ng wala sa oras. Buti nalamang at maalam akong mag english at baka sakaling makinig sa akin iyong alaga ko.

“ Who are you to say that?” putek! Mali pala ako ng inaakala ko. Kahit mag english ako ng ilang oras dito hindi parin makikinig sa akin itong bata na ito.

“ I'm your nanny” nakangiti kong sinabi at baka madala sa ngiti ang bata na ito pero kahit anong gawin ko walang talab sa bata na ito.

“ You’re just my nanny not my mommy” napangiti ako ng mapait. Sa nanay niya lang ito makikinig at hindi sa akin. Pero lalong lumalakas ang loob ko para kunin ang loob ni Drex. Marami pang araw para kunin ang loob ng batang ito. Isang araw palang naman ako dito.

“ I’m not your mommy but it’s not good to say bad words. I’m sure your mom will get mad if you said bad words”

“Really?” buti nalang at bata palang ito at madaling mauto. E 'di hindi ako mahihirapan.

“Yes. Your mommy will get mad, do you want that?” nalabas na ang galing ko sa page-english dahil sa bata na ito. English lang pala katapat.

“ No. I love my mom” he said cutely so I hug Drex pagkasabi niya noon. Ang hirap pag walang nanay lalo na at bata ka palang at 'di mo na nakilala. “ Don’t hug me!”

Aba't tinulak pa ako nito? Unang ituturo ko talaga dito ay good manners eh. Hindi yata natuturuan ng tatay dahil sa pagka busy kaya ayan nagrebelde! Bata palang nakikita na ang future.

“ I'm sorry” paulit ulit nalang akong nahingi ng tawad dito sa bata na ito ah. Nakakapagod ding humingi ng tawad.

“Tsk” inubos niya iyong juice na hindi pa nagtatagal. Hindi naman napaghahalataan siyang mahilig talaga sa strawberry.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon