Chapter 32

68 1 0
                                    

CHAPTER 32

“ Daddy. Did you just kissed mommy?”

Agad akong napaalis sa pagkakahiga sa dibdib ni Adrian nang marinig ko ang boses ni Drex. Lumuwag rin naman ang pagkakahawak niya sa akin dahil siguro narin sa bigla bigla nalang nagsasalita si Drex. Ang akala ko ay tulog pa siya pero nagising yata nang umirit ako dahil sa biglang paghigit sa akin kanina ni Adrian.

Tumikhim muna ako bago tumingin kay Drex na nakatingin sa amin na merong nagtataka. Papalit palit ang tingin n’ya sa amin ni Adrian na lalong nagpakaba sa akin.

When I looked at Adrian he's now seating on the bed like Drex. He’s looking at me then to Drex. Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri niya.

Ang unfair lang kasi ang gwapo niya kahit bagong gising siya. Mukhang fresh parin. Nang magtama ang katawan namin kanina ay ang bango parin. I don’t know what am I going to react because of he’s look, alam ko namang gwapo siya ngunit mas lalo siyang gwapo ngayong bagong gising siya.

“ Drex, guni guni mo lang 'yon” may pagkadautal utal kong sabi.

“ But I saw it with my eyes! Daddy kissed you” he said while pouting.

I bit my lips while looking at him. Sobrang bilis ng puso ko dahil sa nakita kanina ni Drex. Mabilis lang naman ang halik na ginawa ni Adrian pero dahil sobrang lapit n’ya sa amin kanina ay hindi imposible na hindi n’ya makita 'yon.

“ Baby. You’re hallucinating. I didn’t kissed your mom” kalmado na sabi ni Adrian.

I slightly feel so guilty. Nagsisinungaling kami sa harap ng bata kahit alam naman namin na nakita n’ya talaga. Bata pa s’ya upang makita ang gano'ng bagay. Kasalanan din naman namin dahil sa harap n’ya pa kami naghalikan.

“ Am I? But—”

“ No more but's kiddo. Go with your mom at papaliguan ka pa n’ya. It’s your first day of class”

Tinitigan muna kami ni Drex ng matagal bago siya bumaba na sa kama at lumapit sa akin. Hinawakan n’ya ang kamay ko dahilan upang matanggal ko ang tingin kay Adrian. Drex was looking at me with his innocent eye. Hinihintay na mapaliguan ko na siya.

Sinulyapan ko muna ng isang beses si Adrian bago tuluyang pumasok sa banyo. Nakatingin lang sa amin si Adrian at hinihintay na tumalikod sa kan’ya at pumuntang banyo.

Tuluyan na kaming pumasok sa banyo at hinubaran na ng damit si Drex. Kung dati ay ayaw n’ya pa na ako ang magpapaligo sa kaniya pero heto siya at hinahayaan na ako na ang gumawa ng ayaw n’yang ipagawa sa akin noon.

Habang pinapaliguan ko si Drex ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina. Kung paano ako halikan ni Adrian, parang sanay na siya na ginagawa n’ya 'yon. It’s feels like he was used to it.

Hindi ako nahirapan na mapaliguan si Drex. Hindi naman kasi s’ya malikot habang pinapaliguan ko siya. Kinuha ko ang towel na nakasampay sa isang gilid at pinangpunas na sa basa niyang kakatawan. Pinulupot ko ito sa kaniyang katawan at pumunta na sa may lababo upang makapag toothbrush na s’ya.

“ You’re going to brush your teeth now” I said.

Inisod ko ang bangko sa tapat ng lababo upang matapakan niya. Inalalayan ko s’ya sa pag akyat at inayos na ang toothbrush niya. I gave it to him and he started to brush his teeth. Nanonood lang ako sa ginagawa niya at minsan ay sinasabi kung alin ang hindi niya pa nato-toothbrushan.

“ I'm done” he joyfully said and he gave back the toothbrush that he used.

“ Good job!”

I make a high five to him before I messed his hair. After we’re finished ay lumabas na kami. Wala na si Adrian. Siguro ay nasa kwarto na niya at naliligo.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon