Chapter 6

94 4 0
                                    

CHAPTER 6

“ Where’s dad?” tanong sa akin ni Drex. Ilang minuto akong nakatingin lang sa kaniya nang simula ng sabihin niya ang mga salita na iyon.

I cleared my throat para kasing may nakabara. “ Nasa office niya”

“ Okay” sabi niya at nilagpasan nalang ako. Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi magawag ihakbang ang mga paa. Bakit ganoon siya?

Napabuga ako ng malakas pagkasara niya ng pinto. Bata palang maalam ng manakit. Mana sa tatay ito, wala ng pag asa pa.

Nagpasya narin akong lumabas at sundan si Drex sa office noong tatay niya. Should I knock first? Or opened it without knocking? Huminga muna ako ng malalim, bakit ba kinakabahan akong pumasok sa loob?!

Nandito na ako sa harap ng pintuan pero hindi ko pa magawang pumasok. Idinikit ko ang tainga ko sa may pinto upang marinig ang kanilang pinaguusapan kaso wala akong naririnig. Mas lalo ko pang idinikit na iyong katawan ko ay kasama narin sa dikit na dikit. Bakit wala akong marinig? Anong ginagawa nila sa loob?

Muntik na akong mahulog nang bumukas ang pinto kung hindi lang ako napahawak sa dibdib ng nasa unahan ko.

“ What are you doing?” nang biglang magsalita si Sir ay napatanggal ang pagkakahawak ko kaniyang dibdib. Nakita ko si Drex sa tabi niya at masama ang tingin sa akin. Anong ginawa ko?

Napabaling ang tingin ko kay Sir na merong nagtatakang tingin. Dahil sa intesidad ng tingin niya sa akin ay umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang tingin niya.

“ Are you eavesdropping on us?” ang tingin ko ay napabaling kay Drex nang magsalita siya.

Luh? Ang galing mangbintang.

“ Hindi ah!” dali dali kong sinabi. Bakit ko naman gagawin iyon? 'Di ba self ba't mo gagawin? Kahit ginawa ko na naman talaga. Basta hindi ako aamin na nakikinig ako sa kanila. Magkamatayan na.

“ Are you sure?” Si Sir naman ngayon ang nagsalita. Ama nga siya ng bata.

“ Opo Sir! Bakit ko naman po gagawin iyon 'di ba? Wala po akong intensyon na makinig sa pinag uusapan n'yo ng anak n'yo! Father and son talking! No. Listening.”

Nakita ko na may multo ng ngiti sa labi ni Sir kaso umiwas siya at tinabunan ito ng ngisi. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Si Drex naman ang binalingan ko ngayon. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

“ Are you a Chinese or what?” biglang tanong sa akin ni Drex. Chinese? Gaga! ‘Di ako Chinese!

“ Hindi ah! Ayaw kong maging kalahi iyong umagaw sa West Philippines sea.” Tanggi ko agad. Laki ng galit ko diyan sa mga tsino dahil inagaw nila ang dapat ay para sa amin. Grabe sila.

“ Why do you spoke like a Chinese?” curious niyang tanong.

Nagsalita ba ako na katulad ng isang tsino? Luh 'di nga? Ni recall ko ang sinabi ko kaso wala talaga. Pinagloloko lang yata ako ng bata na 'to eh.

“ Ha? Di ah! Pero maalam akong mag- Mandarin. Konti lang” sabi ko.

“ Really? Can you speak Mandarin?” mangha sabi ni Drex, dito ko yata makakasundo ang bata na ito. Salamat sa Mandarin.

“ Oo naman!”

“ Can you speak now?” excited na sabi niya. Huminga ako ng malalim bago magsalita ng alam kong Mandarin.

“nǐ hǎo” sabi ko habang may pag bow. Lalong namangha si Drex ng imikin ko iyon.

“ What does that mean?” he asked.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon