Prologue

339 5 0
                                    

PROLOGUE:

“ Go away! Wag ka nang babalik dito!” Pagkasabi n'ya ng mga salita na 'yan magkakasunod na bumagsak ang mga luha sa 'king mga mata.

Ganun nalang 'yon? Papaalisin n'ya nalang ako?

“ Wag namang ganito oh” nagmamakaawa na tinig ko. Wala na 'kong pakielam kung nagmumukha na 'kong desperada basta ang importante hindi mawala nalang basta siya sa 'kin.

“ I don’t need you anymore”

Tang ina may mas isasakit pa pala! Ang sakit sakit na!

“ Adrian…… a-akala ko b-ba m-mahal mo a-ako?”  Sana naman sabihin mo na mahal mo ako. Wag mo naman akong ibasura.

Wag mong ibasura ang pinagsamahan natin.

Sinubukan kong tingnan siya sa mga mata kahit na alam kong masasaktan lang ako. Ayan na naman ang mga mata n'yang parang yelo, ang lamig kung makatingin.

Hindi ganyan 'yan dati eh. Ang nakikita ko dati d'yan tuwing tumitingin ako sa mga mata n'ya pagmamahal na sa 'kin n'ya lang tinutuon. Pero nag iba na s'ya.

Hindi na 'yan ang mata ng mahal ko. Ang lamig kung makatingin.

“ Mahal kita” nabuhayan ako ng lakas ng loob ng marinig ko ang salita na iyan mula sa kanya. Pero ang saya na nararamdaman ko panandaliang nawala. “ Pero nagbago na 'yon ngayon”.

Bakit ngayon pa nawala? O mas tamang sabihin ba't nawala pa?

Kailangan kita eh. Pero 'yong taong kailangan ko iiwan din pala ako.

“ A-ayaw mo n-na ba t-talaga?” pati ang mga sinasabi ko 'di ko na maintindihan dahil sa panginginig.

“ Ayaw ko na… You're just hurting yourself because of your questions.”

Napangiti ako ng mapait. Siguro nga sinasaktan ko ang sarili ko. Ang tanga ko naman kasi nagtatanong pa 'ko alam ko na naman ang sagot, pero masama bang umasa na baka mali pala ang akala ko?

“ S-salamat sa lahat” pilit kong tinatagan ang loob ko kahit alam kong matutumba ako. Matutumba ako pero ngayon wala ng sasalo.

“ Just go woman”

Aalis na 'ko. Aalis na ako sa lugar kung saan tayo nagmahalan. Kung saan nagsimula ang ating pag iibigan at kung saan doon din pala matatapos ang ating masayang pinagsamahan.

Ang sakit na ng mga sinabi mo pero mas masakit noong 'di mo man lang sinabi ang pangalan ko. Woman talaga?

“ Paalam Adrian.” Nakangiting kong sinabi pero alam kung ngiti lamang iyong peke. Wala na akong pakealam kung magagalit sya sa gagawin kong ito basta ang mahalaga magawa ko 'to bago ko sya iwan.

Unti unti kong inilapit ang labi ko sa kan'ya hanggang sa maglapat muli ang aming labi. Mami-miss ko ito, mami-miss ko ang malalambot n'yang labi.

Agad n'ya akong tinulak at bigla pinunasan ang kan'yang labi. Sa ganung tanawin bigla nalang akong nasaktan. Para bang may mikrobyo ang aking labi dahil sa pagpunas n'ya sa sarili n'ya mismong labi.

“The fuck! You have no rights to do it! Umalis ka nalang!” sigaw n'ya sa 'kin na parang nandidiri sya na makita ako sa harapan n'ya.

“S-sorry” akala ko tapos ng bumagsak ang mga luha ko meron pa pala.

“ Wala ng magagawa ang sorry mo” nangagalaiti n'yang sinabi. “ Umalis ka nalang!! Alis!!”

“ Sige. Magkita tayong muli” sinimulan ko nang tumalikod ng magsalita s'ya na lalong nagpadurog sa 'kin.

“ Hindi na tayo magkikita pa. I don’t wanna see you anymore”

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon