Chapter 43

67 0 0
                                    

CHAPTER 43

Warning: R-18

“ Are you crazy?! How can she be your wife Adrian? Kamukha lang niya 'yon. She’s not your wife!”

Nandito lang ako sa loob ng kwarto ni Adrian at nakahawak sa door knob. Hindi pa nila ako nakikita kaya patuloy lang sila sa pagtatalo. Sinara ko ng konti ang pinto ngunit nag iwan ako ng siwang upang marinig at makita sila.

“ She’s my wife” nanghihinang sabi ni Adrian.

“ Ang akala ko din noon Adrian siya si Katarina! Ang asawa mo. But I was wrong! Kamukha at kapangalan lang siya ni Kat! 2 years ago Adrian. Nakita ang bangkay niya, nandoon ako noong ilibing siya”

Parang biglang tumigil ang oras sa aking nalaman. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. His wife, patay na. Ang akala ko ba ay may ibang asawa ang nanay ni Drex? I judged her without knowing the real story.

At ang mas nakakatakot ay kamukha at kapangalan ko pa ang asawa niya. Kakaibang sakit ang aking naramdaman ngayon dahil sa aking mga iniisip.

Siguro ay hindi niya talaga ako mahal. Nakikita niya lang sa akin ang kaniyang asawa. Ako lang talaga dito ang nagmamahal sa aming dalawa. Pero bakit kahit gano'n ang nangyayari ay willing parin akong mag-stay? Kahit masaktan ako ay wala akong pake basta 'wag lang siyang mawalay sa akin.

Okay lang na gamitin niya ako, na makita niya ako bilang asawa niya. Basta huwag lang siyang mawala sa akin. Naiisip ko palang iyon ay nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag nagkatotoo na?

Nakakatawang isipin na parang kanina lang. Na hinihiling ko na sana ay makalimutan na niya ang asawa niya. Pero heto ako ngayon at gustong magpagamit sa kaniya bilang isang asawa niya.

Para na akong tanga sa gusto kong mangyari. Pero ito lang kasi ang naiisip kong paraan para mag-stay siya sa akin.

Natatakot akong mawala siya.

Hindi nakaimik si Adrian. Isang katahimikan ang bumalot sa hallway. Kita ko na taas baba ang dibdib ni Belle dahil sa galit na kaniyang nararamdaman.

“ She’s not your wife. And she will never come back. She’s dead, tanggapin mo na. Why can’t you just love me Adrian? I'm willing to be your wife” desperadang sabi ni Belle.

Mas lalo lamang akong nasaktan sa aking naririnig. Hindi ako nagkamali sa aking iniisip na gusto niya si Adrian. Desperada kaming dalawa na maging sa amin siya habang ang pinaglalaban namin ay may mahal paring iba.

Hindi ko na kayang makinig pa. Sinarado ko ang pintuan at tinakpan ang aking bibig habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha. Napasandal ako sa pader sa panghihina at doon patuloy na umiyak.

Sumisikip ang aking dibdib sa tuwing naiisip ko ang mga narinig ko kanina. Napapikit ako nang marinig ko sa aking isipan kung paano niya ako napagkamalan na kaniyang asawa. Akala ko kaya niya ako gusto dahil ako 'to. Nakikita niya ako bilang ako pero hindi pala. Mahal niya ako kasi kamukha ko ang asawa niya.

Kaya pala 'di niya matanggal tanggal ang singsing niya. Dahil hanggang ngayon siya parin ang nasa puso't isipan niya.

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay agad akong tumalikod upang mapunasan ang aking mga luha. I cleared my throat first before I looked at him. I plastered my smile even though I looked miserable because of crying.

Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang itsura ko. Alam kong kagigising ko lang at 'di pa nakakapag ayos. Pero sana naman ay hindi niya mapansin na galing lang ako sa kakaiyak.

“ Did you sleep well?” He asked after a long silence.

Hindi muna agad ako nakasagot at nakatingin lang sa kaniya. Paano ko sasabihin na maayos naman ang tulog ko? Sobrang ganda ng aking panaginip ngunit nang magising ako para akong sinaksak ng ilang beses.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon