Chapter 28

72 1 0
                                    

CHAPTER 28

Andito ako ngayon sa kwarto ni Drex at inaayos ang mga gamit niya para bukas. Pasukan na kasi at ngayon na ako naghahanda. Nandoon naman siya sa kama niya at may binabasa. Ang sabi niya sa akin ay nag reready na para bukas. Mahihibang ako kasi encyclopedia ang binabasa niya! Pre-school palang siya.

Inilagay ko na sa bag niya ang notebook, mga lapis na nakalagay sa pencil case, papel, pambura at iba pa na kakailanganin niya. Nang natapos na ako ay inilagay ko ang bag sa study table niya upang bukas ay kukunin nalang doon. Kailangan kong gumising ng maaga pero dapat masanay na ako na iba na ang ginigising ko. Si Cathy at Aedan kasi ang lagi kong ginigising tuwing may pasok pero ngayon ay iba na. Kailangan ko ding mag-stay sa school ni Drex dahil baka kung anong gawin niya, bata palang naman siya.

Pumunta ako sa gawi niya at umupo sa may kama. Nang basahin ko ang binabasa niya ay agad na rin akong umiwas. Wala talaga akong interes sa ganiyan. Nagmana siguro si Drex sa kaniyang tatay. Halata naman dahil sa sobrang daming libro sa opisina ni Adrian.

“ May gusto ka bang puntahan?” tanong ko.

Ito na iyong huli niyang bakasyon dahil bukas ay pasukan na. Gusto ko na sa huling pagkakataon ay isulit niya muna ang bakasyon. Sasamahan ko siya kahit saan niya gustuhing pumunta.

“ No. I want to read books all day”

“ Don’t you want to enjoy? Pasukan na bukas. Ito na ang huling bakasyon mo”

Ang kaniyang atensyon na nasa libro ay nilipat sa akin. Tumititig siya sa akin at nakita ko ang pagtiklop niya ng libro. Dahil doon ay napangiti ako. Hindi talaga siya nakakahindi sa akin.

“ Okay. I want to go to mall, arcade. It’s been a long time since I play there”

“ Okay. But we will ask your daddy’s permission first. Kapag pumayag siya ay pupunta tayo doon”

Tumango lang siya sa akin at umalis na sa kama upang ilagay ang libro sa may shelf. Lumabas naman muna ako upang humingi ng number ni Adrian. Dalawang araw na simula ng mangyari na hinalikan niya ako. Natitingnan ko naman siya sa mata ngunit hindi na matagal. Tuwing kami nalang dalawa ay agad na akong naalis. Baka kasi mangyari ulit iyon, wala na akong tiwala kapag siya ang kasama ko. Dalawang beses na niya akong nahahalikan na walang permiso ko. Hinahalikan niya ako ay 'di ko nga alam ang status naming dalawa.

Kung bakit niya ako pinapakilig. Kung bakit niya ako hinahalikan. May gusto ba siya sa akin?

“ Gina, alam mo ba ang number ni Sir?” siya kasi ang una kong nakita.

Pagkababa ko sa hagdanan ay nakita ko siyang nagpupunas ng mga muwebles. Kaya pala siya nawala noong isang araw ay dahil may kinausap siyang kamag anak sa labas. Tinanong ko nga kung bakit hindi niya pinapasok at ang sabi niya ay dumaan lang daw iyon upang may sabihin sa kaniya.

“ Improving ah. Pati number tinatanong na” nakakaloko niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin. Sa tuwing tinatanong ko si Adrian dahil hinahanap siya ni Drex ay lagi niya akong niloloko. Masama talaga na sabihin sa kaniya iyon. Nakakapagsisi.

“ Itatanong ko lang kasi kung papayag siya na lumabas kami ni Drex. Gusto ko muna siyang iuli dahil pasukan na bukas” pagpapaliwanag ko.

“ Maghintay ka dito” sabi niya at basta nalang akong iniwan dito.

Kunot ang aking noo na sinundan siya ng tingin. Sumunod ako sa kaniya at pumunta siya sa may maids quarter.

“ Ang sabi ko maghintay ka doon sa may hagdanan. Hindi ko sinabi na sundan mo ako” hindi niya ako nilingon nang sabihin niya iyon. Nagpatuloy siyang maglakad at gano'n din ako.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon