Chapter 70

53 0 2
                                    

CHAPTER 70

“ Can you speak? Can you tell us your name? Tell us what do you feel right now” sunod sunod na tanong ng taong nasa harapan ko.

Winagayway niya ang kaniyang kamay at kalaunan ay tinigil rin ito. Hindi ako makapagsalita at nagtataka kung bakit nandito ako. Anong nangyari? Bakit nandito ako sa lugar na ito? Sino 'tong mga tao na ito? At higit sa lahat sino ako?

Kanina pa ako gising at kanina pa nila ako tinatanong. Wala akong ginawa kundi tumingin lang sa kanila. Sa pagmulat ng aking mata ay isang babae agad ang aking nakita. Kita ko pa kung paano siya matakot nang makita ako. Nakaupo siya sa may upuan sa tabi ng aking kamang pinaghihigaan ko.

Agad din naman siyang umalis at sa kaniyang pagbalik ay may kasama na siyang doctor at nurse.

“ Sino ako…sino kayo?” 'yan ang kauna unahang lumabas na salita sa aking bibig.

Pinagmasdan ko ang reaksyon nila at parehas lang ang mga ito. Gulat, ngunit agad ding nakabawi ang doctor at humarap doon sa babaeng una kong nakita.

“ We will do some test..” madami pa siyang sinabi ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

Nilibot ko ang tingin sa kwarto na aking kinabibilangan. Maliit lang 'to at puro puti ang makikita. Nang tumingin ako sa kanila ay ngumiti sila sa akin bago umalis. Tinapik muna ng babaeng doctor ang balikat noong babae na hindi ko kilala.

Narinig ko ang pagsara ng pinto at andito lang ako at nakatingin lang sa babae na ito. Nagtama ang aming mga mata ngunit agad din siyang bumawi ng tingin. Hindi parin maalis ang gulat sa kaniyang mata. Kita ko rin ang panginginig ng kaniyang kamay. Bata lang ito ng konti sa akin ayon sa kaniyang itsura.

“ Sino ka?” namamaos kong tanong sa kaniya.

“ Ahh..” hindi siya mapakali habang nakatingin sa akin. Kita ko ang panginginig niya.

Nagsimula akong mataranta dahil hindi ko siya kilala. Hindi ko din kilala ang sarili ko. I try to seat down pero hindi ko kaya. Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa aking katawan. Pinilit ko talagang umupo ngunit agad akong pinigilan nitong babae na kasama ko.

“ 'W-wag mong pilitin ang sarili mo na makaupo” nanginginig paring sabi niya.

“ Sino ka ba?!” hindi ko na mapigilang sumigaw sa kaniya dahil sa pagkataranta ko.

“ Ahh..makakasama—” natigil ang dapat niyang sasabihin nang may pumasok na nurse.

“ Ma'am the kid was awake. Katulad din po niya ay wala rin po siyang maalala”

Kung kanina ay hindi siya mapakali lalo na naman ngayon. Kita ko sa bawat galaw at panginginig ng kaniyang kamay ang kaba. Tumingin muna siya sa akin na para bang maiiyak na at pagkatapos ay sumunod na siya doon sa nurse.

Sinong bata?

Napatingin nalang ako sa kisame at inaalala kung sino ba ako. Kung bakit ako nandito ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko maalala. Gusto kong maiyak dahil sa frustation na aking nararamdaman. I want to get out of here. Who am I? Bakit mismong pangalan ko ay hindi ko matandaan? Anong nangyari?

Sino 'yong babae kanina?

Kahit masakit ang aking katawan ay pilit akong umupo. Tiningnan ko ang kamay ko na may nakasabit. Kanina ay may oxygen pa na nakalagay sa akin ngunit agad din itong tinanggal. Ilang oras na akong gising ngunit hindi ko parin maalala kung sino ako. Wala akong pinagkakatiwalaan dito.

Pilit kong tinatanggal ang nakadikit dito sa aking kamay. Kahit masakit ay tiniis ko ito basta ang akin lang ay makatakas ako dito. Nakita kong nagdugo ito ngunit wala akong pakialam. Nang mailapat ko na ang paa sa sahig ay agad ko ding tinaas dahil sa lamig ng tiles. Wala man lang akong nakitang tsinelas dito.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon