Chapter 2

121 3 0
                                    

CHAPTER 2

 Pababa na ako sa hagdanan nang makita ko si Gina na parang papaakyat. Buti naman at hindi ko na kailangang hanapin sa laki ba naman ng bahay na ito siguro mapapagod lang ako.

“Gina!” Tawag ko sa kaniya. Nabibigatan na din ako sa dala ko kaya kailangan ko ng malaman kung saan ba ang magiging kwarto ko.

“ Oh! Ikaw pala”

“ Sabi daw ni Sir itanong ko daw sa iyo kung saan iyong magiging kwarto ko”

“ Ah oo! Halika!” Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad. Ngayon ko napagmasdan ng tuluyan ang bahay. Ang ganda dito! Ang ganda ng design. Ito iyong design na bet na bet ko sa isang bahay. Ang mga gamit naman ay nakakatakot hawakan dahil mukhang mamahalin.

“ Dito pala ang magiging kwarto mo” napatingin ako sa pinto. Hindi ito iyong pinto na katulad sa mga pinasukan ko kanina. Simple lamang itong pinto. Pang mga katulong nga talaga.

Binuksan ko ang pintuan at ginala ang tingin ko sa loob. Hindi ito kalakihan ngunit parang napansin ko iisa lang ang kama. Ako lang bang mag isa? Pumunta ako sa cabinet na nakita ko at binuksan ito. Malaki para sa mga dala kong damit. Konti lang naman ang dala kong damit pero bakit ang laki naman yata ng cabinet? Ibinababa ko ang mga bag na dala ko sa kama at siyaka tumingin kay Gina.

“ Salamat sa paghatid sa akin” nakangiti kong pasasalamat. “ Pero ba't parang ang laki naman ng kwarto. Ganoon ba talaga kalaki ang kwarto ng mga maid dito?” mas malaki pa nga ito kesa sa totoo kong kwarto sa amin. Iyong kwarto namin iisa lang ta's mas maliit pa dito.

“ Ah hindi! Wala na kasing space doon sa maids quarter para matulugan mo”

“ Ah” patango tango kong sabi. “ Sige na baka may ginagawa ka pa pala naabala pa kita”

“ Sige. Mauna na ako”

Pagkasabi niya ay tumalikod na siya sa akin siyaka pinihit ang door knob upang makaalis na. Lumingon pa muna siya sa akin bago umalis.

Nagsimula na akong mag ayos ng mga gamit ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pag aayos nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isa iyong cellphone ko sa mga dipindot pa. Meron itong rubber band para hindi matanggal ang keyboard. Nakita ko na si Cathy pala iyong tumatawag.

“Bakit Cathy?”

“Wala ate. Kinakamusta lang kita”

“ Ayos lang naman ako. Kayo ba diyan?”

Iniwanan ko naman sila ng sapat na pera para sa pang araw araw nila. Buwanan pa ang padala ko sa kanila dahil buwanan din ang pasweldo dito.

“ Ayos din naman ate. Masungit ba amo mo?”

Natawa ako sa tanong ni Cathy. Masungit ba si Sir? Parang hindi naman eh sadyang nakakatakot lang talaga ang kaniyang awra. Pero hindi ko pa naman masasabing masungit dahil kakikilala ko pa naman sa kaniya.

“ Hindi naman masungit Cathy”

Pag sinabi kong masungit ang boss ko baka mag alala pa sila. Ayokong mag alala sila sa akin, ang gusto ko lang magfocus sila sa paparating na pasukan. Natapos ang tawagan namin at bumalik ako sa pagliligpit ng gamit ko. Hindi ko na kailangang ayusin ang kama dahil mukhang inayos na ito bago pa ako dumating.

Walang masyadong gamit dito kundi kama at cabinet lamang. Meron ding sariling cr ito. Pagkatapos kong mag ayos umakyat ako sa taas upang silipin si Drex kung gising na ba. Buti na lamang at tanda ko pa ang daan dahil sa sobrang lawak nitong bahay.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa daming pinto. Alin dito ang kwarto ni Drex? Ang tanga ko naman! bakit ba hindi ko natandaan kung alin ang kwarto ng batang iyon!

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon