Chapter 15

78 0 0
                                    

CHAPTER 15

“ Saan ka pupunta?”

Nakapajama na ako at pupunta sanang kusina ngunit nakita ko si Gina na binubuksan ang main door. Nakapangtulog narin ito pero nagtataka pa ako kung bakit nandito siya. Patay na ang ilaw at akala ko tulog na silang lahat.

“ Ah, aayusin ko lang iyong basura doon sa may gate at nagulo daw”

Tumingin ako sa pinto na nasa likudan niya kaya napalingon din siya doon. Tumingin ako sa kaniya at tumango, ngumiti ako sa kaniya na agad din naman niyang sinuklian.

“ Ikaw? Bakit hindi ka pa tulog?”

“ Ah, iinom sana ako kaso nakita kita”

Tumango na ako bilang paalam at pumunta na sa kusina. Hindi ko na siyang hinintay na magsalita at wala na naman yata siyang balak magsalita. Nang makarating sa kusina ay binuksan ko kaagad ang ref upang kunin ang pitsel. Kumuha narin ako ng baso at nagsalin na ng tubig.

Nang matapos ng uminom ay agad na akong pumuntang sink upang hugasan ito. Hindi pa ako nakakarating ay agad na akong napatigil. Naalala ko ang nangyari kanina. Napatingin ako sa daliri ko na nasugatan, may takip na itong band-aid.

Napahawak ako sa kanang tainga ko kung saan siya bumulong. Ramdam ko parin ang mabango at malamig niyang hininga. Napakurap kurap ako sa aking naalala at agad na umiling. Hindi ko na dapat inaalala iyon.

Kung gusto kong umahon, ayusin ko ang sarili ko. Huwag ko siyang masyadong alalahanin at kung maaari ay iiwasan ko siya.

Lagi ko nalang sinasabi na iiwasan ko siya ngunit heto ako at hindi parin kaya. Paano ko ba kasi siya iiwasan kung lagi siyang nalapit sa akin?

Hinugasan ko nalang ang baso at pilit na inaalis sa aking isipan ang nangyari kanina. I should stop myself from loving him. I know that this is not good.

Iniisip ko rin naman kahit papaano iyong mararamdaman noong bata.

Agad ko ng nilagay ang baso sa lalagyan pagkatapos itong hugasan. Nilibot ko pa ulit ang paningin sa loob ng kusina bago lumabas, malay mo nandiyan pala si Sir.

Hanggang sa bukana ng kusina ay palinga linga talaga ako. Ayaw ko munang makasabay si Sir. Hindi pa sa ngayon.

“ Anong ginagawa mo?”

“ Ay puta!” dahil sa gulat ay agad akong napahawak sa bibig ko.

Paglingon ko ay iyong lalaki na maganda ang boses ang nagsalita. Nagulat din siya dahil sa pagsigaw ko ngunit agad din namang napalitan ng pagkakakunot ang noo. Nilibot niya ang tingin sa buong bahay na parang ginagaya ang ginagawa ko kanina.

“ Anong hinahanap mo?” tanong niya ngunit hindi ako nakapagsalita.

Anong sasabihin ko? Na hinahanap ko si Sir? Pag sinabi ko iyon ay baka mas lalo pa siyang magtaka. Magtatanong tanong hanggang sa masabi ko na gusto ko si Sir.

Hangga’t maaari ay ayaw kong ipagsabi na may gusto ako kay Sir. Akin lang muna iyon, hindi ko nga masabi kay Sir, sa kanila pa kaya?

“ W-wala!” natataranta kong sabi, iwinasiwas ko din ang kamay ko upang iparating na wala iyon.

“ Ha? Ba't parang may hinahanap ka?”

“ Wala iyon, huwag kang chismoso” huling kong sabi at umalis na agad sa harapan niya.

Rinig ko pa na tinawag niya ako ngunit hindi ko na siya nilingon. Natatakot ako na baka mabuking niya ako. Habang naglalakad pabalik sa kwarto ay ang lakas ng tibok ng puso ko. Masyado akong kinakabahan.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon