Chapter 57

69 1 2
                                    

CHAPTER 57

“ Saan ka kakain ng lunch?”

Nailang ako nang bigla nalang ipulupot ni Phoebe ang kaniyang kamay sa aking siko. Kakatapos lang ng morning class namin at tanghalian na. Dahil nga hindi pa masyadong hectic ang klase, lagi niya lang akong dinadaldal. Ngunit tipid lagi ang mga sagot ko sa kaniya.

“ Ah may kasabay kasi ako 'di ko alam kung saan kami kakain” mahina kong tinig.

“ Pwedeng pasabay sa inyo? Wala rin naman kasi akong kasabay eh”

Agad akong napatingin sa kaniya nang sabihin niya iyon. Habang papalakad kami papalabas ng room ay para bang matagal na kaming close. Sobrang lapit ng kaniyang katawan sa akin at ang ulo ay nakasandal sa aking shoulder. Kaya nahihirapan pa akong maglakad ngunit 'di ako nag complain.

Hindi ko lang alam kung papayag si Aston. Okay lang naman na kasama namin si Phoebe. Ewan nga lang kay Aston.

“ Itatanong ko nalang doon sa kasama ko”

I'm not comfortable with her. I admit that. Siguro ay dahil kakakilala lang namin. O dahil sa pagkikita namin doon sa bookstore. Palaisipan parin sa akin hanggang ngayon kung bakit ang bait niya sa akin. Mabait ba talaga o nagbabait baitan lang?

“ Sino ba iyong kasama mo?”

Sasagutin ko na agad sana siya nang makita ko si Aston na nasa may pinto ng room namin. Nakasandal sa may pader at nakatingin ng diretso dito sa aking katabi. Hindi maipinta ang mukha.

“ Uhm..Aston si Phoebe pala ano..”

“ Kaibigan niya”

Inilahad ni Phoebe ang kaniyang kamay kay Aston upang makipagkamayan. Ngunit tiningnan lamang iyon ni Aston, not wanting to hold it. He looks so confused while looking at me. Dahil siguro doon sa bookstore. Maraming katanungan sa kaniyang mata na mamaya niya pa malalaman ang sagot.

Kahit nagtataka ang tingin ay tinanggap niya parin ang pakikipagkamay kay Phoebe. Hindi nagtagal ang kamayan nila dahil agad niya itong tinanggal. He never looked at Phoebe again. He directly looked at me.

“ Where do you want to eat?” He asked me.

Sa cafeteria nalang kaya? Masyadong malayo layo ang mga kainan dito. At kung may malapit man. Kerenderya lang iyon.

“ Cafeteria nalang tayo guys?” sabay kaming napatingin kay Phoebe nang sabihin niya iyon.

She was smiling while looking at the both of us. Siya iyong tipo ng tao na madaling makisama. Iyong tao na nagta trust agad sa isang tao. Kung hindi lang kami agad ang nakilala niya. At masamang tao. Baka masaktan agad siya.

“ Uhm…doon nalang Aston”

Iyon naman talaga dapat ang sasabihin kaso naunahan na ako ni Phoebe. Unang araw palang naman ito ng pasukan kaya sa cafeteria na muna kami kakain. Ita try kung masarap ba ang pagkain doon. At kung hindi ay baka humanap kami ng masarap na kainan diyan sa labas.

Tiningnan ako ni Aston ng mabuti bago inilipat kay Phoebe. Nag aalinlangan pa siya kung totoo ba iyong sinabi ko kaya ngumiti ako upang ipakita na sure ako doon sa aking sinabi.

“ Is she joining us?” bulong niya malapit sa aking tainga.

Tumingin ako kay Phoebe and her smile never fade. Ngunit ang mata ay nagtataka nang nagpapalipat lipat ng tingin sa aming dalawa. Nakakahalata na ba siya? Wala naman dapat akong ikatakot. Si Aston lang yata ang may ayaw sa kaniya at ako ay okay na sumama siya sa amin.

“ Yes” I whispered back.

“ Ethan! Tara na at gutom na ako. Pasaan ka ba?” sabay kaming napalingong tatlo sa aming likod.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon