Chapter 1

198 5 0
                                    

CHAPTER 1

“Eto na!” Sabi ko sa sarili ko pagkakita ko sa malaking bahay na nasa harapan ko. Sa wakas may trabaho na din ako! Mapag aaral ko na ang dalawa kong kapatid!

“ Good afternoon po ma'am… ano po ang kailangan n'yo?” Tanong sa 'kin ng gwardya. Nandito ako sa labas ng malaking gate, nakatayo habang hindi parin makapaniwala na dito ako sa malaking bahay na 'to magtatrabaho.

“Ma'am?” kuha ulit ng gwardya sa atensyon ko. Hindi talaga ako maka get over sa laki ng bahay na 'to!

“ Ah! Opo! Ako po 'yong bagong yaya” nakangiti kong sabi. Shocks! May trabaho na 'ko! Masaya ako kahit yaya lang ang trabaho ko basta ang importante mapag aral ko na si Cathy, 'yong kapatid ko na magco-collage at si Aedan na pa-higschool na. Ayaw kong matulad sila sa 'kin na high school lang ang natapos dahil gipit sa pera.

Gusto ko para sa mga kapatid ko na makapag tapos ng pag aaral para naman may maganda silang trabaho na makuha. Ako nalang ang bumubuhay sa 'min dahil wala na ang nanay at tatay namin dahil sa aksidente. Nagbebenta lang sila sa tabi nang biglang may sasakyan na nakabangga sa kanila. Hindi nahuli kung sino man 'yong nakabangga pero sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nawala 'yong mahal namin sa buhay ko. Ako kasi ang pumilit na sa pwesto na 'yon kami magtinda. Bata palang kami noon pero ako na ang nagtaguyod sa 'min.

“ Ah! Ikaw ba 'yong yaya noong anak ni Sir?” Tanong muli sa 'kin nung gwardya.

“ Ah opo! Ito po 'yong dokumento” kabilin bilinan kasi sa 'min ng aming agency na ipakita ito para malaman na tunay na kami nga 'yong pinadala noong agency para maging yaya.

“ Ay pasok ka! Kanina ka pa hinihintay ni Sir”

Binuksan n'ya ang gate at bago mo marating ang bahay ay may dadaanan ka munang 'di kahabaan na daan para marating mo iyong bahay.

Ang ganda ng mga halaman na nakatanim. Mahilig siguro sa halaman ang asawa ni Sir.

“Sino ka?” nagulat ako nang may marinig akong boses mula sa likod ko kaya nilingon ko ito upang makita. Nakita ko ang kasing edad ko lang yata na babae. Nasisiguro ko na katulong din siya dito base sa kaniyang damit.

Ngumiti ako sa kaniya at sinabi kung sino talaga ako.

“ Ako nga pala si Katarina Razon…. Ang yaya noong anak ni Sir. Ako 'yong pinadala para mag alaga”

“ Ay halika dito! Kanina ka pa hinihintay!” natataranta n'yang sinabi. Ganoon nalang ang kaba ko ng malaman na kanina pa pala ako hinihintay noong amo ko! Ganito rin 'yong sinabi noong gwardya! Baka wala pang isang araw na 'di ako nagtatrabaho eh matanggal na agad ako.

Hindi naman sana..

“ Bakit ngayon ka lang ba?” Muling tanong nito. Base sa mukha n'ya problemado talaga siya.

“ Na traffic kasi ako” totoo naman kasi na traffic. Kung alam ko lang na ganoon kalala ang traffic eh sana inagahan ko na! Kahapon pa sana ako umalis sa amin! Hindi sana magiging gan'to! Bad trip na agad sa 'kin 'yong amo ko!

Binuksan ng babae 'yong napakalaking pinto. Umakyat kami sa hagdanan, dahil sa pagmamadali ay hindi ko na masyadong napagmasdan ang bahay.

Tumigil kami sa may pinto at kumatok 'yong babae na nagdala sa 'kin.

“ Come in!” sigaw ng boses na lalaki. Ang ganda naman ng boses na 'yon.

“ S-sir nandito na po 'yong bagong yaya ni Drex” nakayuko na sabi n'ya kaya yumuko narin ako. Baka 'di ko alam may ganito palang rules e 'di patay na.

Dahil nakayuko ako hindi ko makita 'yong itsura noong amo ko pero nakikita ko ang papalapit nitong paa sa 'min.

“So you’re the nanny of my son?” paninigurado niya sa 'kin. Kaya sa pagpapanatag ng loob n'ya binigay ko ang dokumento na naglalaman na ako nga 'yong bagong yaya noong anak nya. Binigay ko ito habang nakayuko parin

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon