Chapter 67

71 2 1
                                    

CHAPTER 67

Masasabi ko sa sarili ko na ang swerte ko sa aking buhay. Walang problema sa financial, merong nagmamahal, I can get want I want, and at last. I'm always happy. Iyan ang mga bagay na gusto ng mga tao ngunit parang sa akin binuhos lahat.

Parang kinakampihan ako ng swerte. At wala na akong mahihiling pa. I'm contented in my life. On what is happening in my life.

A laughter from my child and husband can make me calm and feel like I was on the cloud nine. There’s something special while looking at them laughing. Habang ako dito ay nakaupo at pinagmamasdan sila. May maganda siguro akong nagawa noong nakaraang buhay ko para maging ganito ako kasaya.

Did I save the world? Did I save all the people from the world war 2? Para maging ganito kaswerte ang buhay ko?

May pamilya akong suportado at minamahal ako. May kaibigan akong tunay sa akin. At biniyayaaan ako ng isang taong lubusang nagmamahal sa akin. Aston. And god gave us a little cute boy who can make us smile by his smile.

Our baby. Our Aedan.

Narito kami sa sala habang nagsasaya. Sunday ngayon, and every Sunday we spend all our time to Aedan. We are both busy during weekdays so every weekends, it’s our time to take a rest and have a bonding to our son.

Simula nang mag one year’s old na si Aedan. Lumipat na kami rito sa aming bagong bahay. At katulad nga ng gusto ko. It’s a modern house. Gusto ko malinis tingnan kaya puti karamihan ang kulay. Simula sa sofa at pintura ng bahay. The carpet is red. The furniture is brown and gray. At may makukulay  din naman.

Nilagyan ko rin ng indoor plants ang sala. Para naman kahit papaano ay may designs ito. Hindi rin ako kumuha ng mga maids dahil gusto ko ako ang gagawa ng mga bagay na gawain ng isang ina. Pagluluto, paglilinis at pag aalaga sa kanila. I want to fulfill my responsibilities as a mother and wife to them.

Kahit gaano man kagusto ni Aston na magkaroon ng kasambahay para mabawasan ang gawain ko ay hindi ako napayag. Gaano man kalaki ang bahay na aking lilinisin, okay lang. May alam naman ako sa gawaing bahay. At alam kong mapagod man ako kakalinis, may lakas naman akong pinagkukunan. And that’s the two boy’s in front of me.

“ Baby! Come to daddy! Here!”

Aston was clapping his hands while encouraging Aedan to come near him. Maalam na namang maglakad si Aedan ngunit hindi pa masyadong balance. Kaya nga tinuturuan ni Aston.

Katapat ng dulo ng long sofa na aking inuupuan si Aston. While our baby was holding at the edge of the opposite side of this sofa.

Aedan was giggling while started to walk near Aston. Dahan dahan lang iyon at ako naman ay nakaalay sa kaniya kung sakaling ma out of balance. But thank god hindi naman siya natumba. He successfully walk towards his daddy who’s now hugging him.

Sa simpleng tanawin ko sa aking harapan ay libo libong saya na ang aking nararamdaman.

Tapos na akong maglinis ng bahay. Nagpapahinga lang ako rito. Nakaligo na rin ako dahil balak kong laruin si Aedan pero wala na yatang balak ibigay sa akin ni Aston ang bata.

Napailing nalang ako habang may bahid ng ngiti sa aking labi. Nagpasya nalang akong magluto nalang, magtatanghali narin kasi.

“ I'm going to cook our lunch now. Bantayan mo si Aedan ng mabuti” bilin ko.

“ Kahit hindi mo sabihin, babantayan ko ng mabuti ang ating anak. Gusto mo isama narin kita sa babantayan ko?”

Napairap ako nang makita ko ang ngisi niya. Puro kalokohan ang alam.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon