Chapter 71

49 2 0
                                    

CHAPTER 71

THE PRESENT

Tulala. Walang kibo. Iyan ang mababase ko ngayon sa akin. I woke up feeling like a solved puzzle. Na ang mga katanungan ko about sa pagkatao ko ay nasagot na. Ngunit hindi ko alam na ganoon pala nakakagulat ang aking mga nalaman. Ang aking naalala.

Hindi ako makagalaw hindi dahil sa sakit ng aking katawan. Ang totoo ay hindi ako makagalaw dahil sa mga nalaman ko. Maaari ko ngang maigalaw ang aking katawan ngunit masyado akong nagulat para gawin iyon. Pakiramdam ko pinagkait na sa akin ang buhay na para sa akin. Kahit ganoon na din iyon. Pinagkait sa amin ang buhay namin. Buti kung sana ako lang ngunit pati si Aedan. Ang anak ko.

Si Drex at Aedan ay anak ko. Hindi ko kapatid si Aedan kundi anak ko. At asawa ko si Adrian…ang amo ko. Si Aston, si Aston na akala ko ay tuluyan ng nagtaksil sa akin ngunit hindi pala. Kaya pala ganoon nalang ang galit sa akin ni Belle. At sa tuwing makikita ko si Belle, galit lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. She tried to steal my husband from me. She’s so desperate to do that na pati pagbaril sa akin ay kaniyang ginawa na.

Mayaman ako hindi mahirap. At lalong lalo na na wala akong kapatid. Hindi totoong patay na ang aking magulang. Buhay na buhay pa sila. Si mom, si dad. I feel bad for them when I always tried to push them away and say a bad words about to them.

Kaya kahit na galit ako sa kanila ay may iba akong nararamdaman para sa kanila. Kundi pagka miss. Na sa tuwing nakikita ko sila, wala akong ibang gustong gawin kundi yakapin sila.

They are my true family. The people who I always doubted about is my family. Hindi ko alam na pamilya ko na pala ang laging nasa paligid ko. Ang totoo kong pamilya.

Si Ethan, Phoebe at Vina ay mga kaibigan ko. Kaya pala si Vina ay ganoon nalang ang gulat na makita ako. Kaya pala pakiramdam ko masasagot niya lahat ng katanungan ko. Kasi parte siya ng nakaraan ko.

At ang totoo, wala akong kapatid. Hindi ko kapatid si Aedan at lalong lalo na…hindi ko kapatid si Cathy.

Anak siya ng nabangga noong tatay ni Aston. Si dad Leo. Tanda ko pa kung paano siya magalit kay dad Leo nang nakalaya ito. She was so mad while telling me about it. Ramdam na ramdam ko ang panggigigil at galit niya sa kaniyang boses. Dahil hanggang ngayon ay apektado parin siya.

Alam kong nabayaran na ni dad Leo ang kasalan niya noon. Nakulong siya ng ilang taon at pinagbayaran ang nangyari. Pero hindi sapat iyon kay Cathy. Dahil mahirap talagang mawalan ng magulang. Lalo na at bata ka pa.

She endure the pain all by herself because she don’t have a family and friends to lean on. Ngunit hindi iyon sapat na dahilan para itago sa amin ang totoo naming pagkatao.

Ngunit isa nalang ang katanungan sa akin. Kung bakit iyon ginawa ni Cathy. Kung bakit siya nagsinungaling. Is this for revenge? Alam kong hindi siya ang may dahilan kung bakit kami naaksidente. Ngunit siya ang may dahilan ng pagtatago sa amin ng totoo.

Ako lang mag isa sa kwarto na ito. Kaya wala akong mapagtanungan. Ugong ng aircon lang ang naririnig ko habang nakatingin sa ceiling. At ngayon ko lang napansin ang mga luha na nalalaglag sa aking pisngi galing sa aking mata.

Agad ko iyong pinunasan nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. I tried to seat down but a hand stop me to do it. Hindi ko pa nakikita kung sino iyong pumasok ngunit nang iangat ko ang aking ulo ay doon ko nakita si Aston.

Looking at me coldly while stoping me from seating.

“ Don’t move. I will call the doctor” he said.

Napatingin ako sa kaniya at 'di mapigilan na mangilid ang mga luha. I remember he said that he can’t let me go away. Na hindi niya ako kayang bitawan ngunit parang kanina lang nang pinagtabuyan niya ako.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon