Chapter 49

63 0 0
                                    

CHAPTER 49

“ Adrian…I mean Aston” I said after I realized na hindi ako nanaginip. Nasa harapan ko talaga siya.

“ Yes?”

Nakabuka ang aking bibig dahil sa gulat na makita siyang nakangiti ngayon. Unti unting kumunot ang aking noo at nang mailang sa kaniyang titig ay agad akong umiwas ng tingin. Hindi ako sanay na nakangiti siya, lagi siyang nakasimangot at nakakunot ang noo. Ngayon lang talaga…at masasabi ko na lalo lang siyang gumwapo.

Ang selfish ko siguro kung sasabihin ko na sana ako lang ang nakakita niyang ngiti niyang 'yan. Ngunit sa dami niyang naging babae, imposible na ngayon lang siya ngumiti. Malay mo habang sila lang ay nangiti siya sa bawat nagiging girlfriend niya.

Bumuga ako ng hininga at tumingin nalang ulit sa kalangitan. Ang liwanag nga ng mga bituin pero heto ako at ang lungkot.

“ Ba't ka nandito?” pinilit ko ang aking sarili na huwag mautal. At nagtagumpay naman ako.

Tinanong ko iyon sa kaniya na hindi natingin sa kaniyang mukha. Pero ramdam ko parin ang matiim niyang titig sa akin. Isang malaking karangalan sa akin na hindi ako natumba sa aking kinatatayuan kahit nanginginig ang aking mga paa. Hindi dahil sa lamig ng simoy ng hangin ngayong gabi kundi dahil sa titig niya sa akin.

“ Last month, I said that I will see you here in Taiwan. But I didn’t expect na mapapaaga ang pagkikita natin”

Naitiklop ko ang aking kamay dahil sa kagagahan ko. Ba't ba nakalimutan ko na kaya ako sumama ngayon dahil sa handkerchief? Gano'n nalang siguro ang aking kaba para makalimutan ko ang dahilan ng aming pagkikita.

Pati ang aking isipan ay nablangko na ngayon, lalo na't kaharap ko siya. At malapitan pa.

“ Ah oo nga pala” I chuckled awkwardly to hide the embarrassment.

Nang sumulyap ako sa kaniya ay nakatingin na siya sa akin ng seryoso. He tilted his head like he was examining my face.

Agad na namula ang aking pisngi dahil sa klase ng kaniyang pagtingin. I looked away and stamp my foot because of nervousness. Gosh, ba't ganito ang epekto niya sa akin? Para na talaga akong hihimatayin ngayon.

“ Are you okay?”

“ Ha?” agad akong napatingin sa kaniya nang itanong niya iyon.

Seryosong nakatingin sa akin at hinihintay ang isasagot ko. While me? Naguguluhan kung bakit niya tinatanong iyon. Expected ko na puro masasama ang sasabihin niya sa akin lalo na at dahil doon sa kumalat na video. Ngunit ang itanong sa akin na kung okay lang ako. Wala iyon sa isipan ko.

“ I watched the video. So, I'm asking you right now. Are you okay?”

Hindi ako makaimik sa gulat. Bakit niya ako tinatanong kung okay lang ako? Hindi ba niya ako i-jujudge? Sa dami ng tao na nakapanood noon. Iisa lang ang comment nila. Mang aagaw ako. Ako iyong masama kahit wala naman akong ginagawa.

Mas lalo lang pinagtibay noon na tama nga si Britney dahil hindi ako makaimik. Iyan lagi ang nababasa ko. At dahil masyado na akong nasasaktan, tinigil ko na.

“ Okay lang naman”

Umiwas ulit ako ng tingin at tinuon nalang iyon sa mga bituin. Baka mahalata niya ang totoo kong emosyon.

“ No. You’re not” ay hindi naman pala ba't mo pa tinatanong?

“ Okay lang ako!”

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ngunit agad ding nawala iyon nang makita ang itsura niya. He scoffed and looked away.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon