Chapter 8

92 2 0
                                    

CHAPTER 8

Ilang linggo na ako na nandito at nagtatrabaho bilang nanny ni Drex. Ilang linggo na rin simula nang mangyari iyon. Naging malapit na ang loob sa akin ni Drex, siguro dahil ako lagi ang nasa tabi niya tuwing wala si Sir. Ang paglapit ng loob sa akin ni Drex ay syaka naman ang paglayo ng loob ko kay Sir.

Tuwing nagkakalapit kami ay ako na ang nalayo. Ramdam ko ang pagtataka niya, sobrang halata naman kasi na nalayo ako sa kaniya. Hindi imposible na maglalapit ang landas namin lalo na at nasa iisang bahay lang kami. Ngunit kapag nagkakasalubong kami ay binibilisan ko ang lakad ko. Hindi ako pamilyar sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito.

Si Drex lang naman ang dapat kong pagtuunan ng pansin. Tuwing umaga hindi ako nakikipag eye to eye contact sa kaniya. Pasalamat nalang ako na maghapon siyang wala sa bahay. At kapag sa gabi ay mini-make sure ko na hindi na ako lalabas ng kwarto ko upang hindi ko na siya makita.

“ Drex, gising na” sabi ko habang ginigising siya. Late na kasi siyang nakatulog kagabi dahil gusto niyang manood muna ng cartoons kasama ako.

“ Hmmm”

“ Drex, mag aalmusal na kayo ng papa mo”

Pero kahit anong gising ko ay hindi talaga siya nagigising. Masyado nga yata siyang napuyat kagabi. Pag labas ko rin ng kwarto niya ay hindi ko nakita si Sir, siguro nakauwi na siya noon at nasa kwarto niya lang o baka hindi pa.

Napabuntong hininga ako dahil kahit anong pilit ko yata sa kaniya na magising ay hindi siya magigising.

“ Why are you taking so long to wake him up?”

Napatalon ako sa gulat nang bigla nalang may magsalita sa likudan ko. Kilala ko ang boses na iyon, ang malamig na boses na iyon.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Ayan na naman iyong puso ko na ang bilis ng tibok. Bakit ba nagkakaganito ito? Tuwing nandiyan si Sir lagi nalang akong kinakabahan na parang may nakiliti sa aking tiyan.

“ Uhmm” wala akong masabi.

Hindi rin ako makalingon upang tingnan man lang siya. Dati naman hindi ako ganito ah, natitingnan ko pa siya sa kaniyang mga mata pero bakit naging ganito na? Bakit hindi ko na siya matingnan pa?

Parang isang araw lang paggising ko, ang lakas na ng tibok ng puso ko kapag nandiyan siya.

“ What?”

“ Napuyat kasi siya uhmm kagabi…kasi ano…nanood kami ng…tv..ano..kaya gano'n”

Napapikit ako ng mariin pagkatapos kong sabihin iyon. Grabe, ano ba talaga itong nangyayari sa akin?

“ Okay'

At narinig ko ulit ang kaniyang buntong hininga. Rinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Napapikit ako ng mariin at napahawak sa aking puso. Kahit wala na siya ganito parin kalakas ang tibok ng puso ko.

Sa tuwing kinakausap niya ako ay hindi ko siya tinitingnan. Tinatapos niya agad ang usapan namin at kapag aalis siya ay nabuntong hininga siya ng malalim. Nararamdaman niya yata na ayaw kong makipag usap sa kaniya.

Ang ingay ko at ang kulit ta's magiging tahimik nalang ako bigla? Dahil lang kay Sir.

Ilang minuto akong nakaupo sa kama ni Drex. Nanlamig bigla ang kamay ko. Ang tibok ng puso ko ay 'di agad natigil.

May nararamdaman din akong guilty dahil sa pag-iwas ko sa kaniya. Iniiwasan ko siya na 'di niya alam ang dahilan. Nakaka guilty.

Syaka si Drex lang naman dapat ang pagtuunan ko ng atensyon ah! Pero bakit ganoon nalang ang pakikitungo sa akin ni Sir? Parang may iba.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon