Chapter 47

90 0 0
                                    

CHAPTER 47

“ Uhm…salamat rin at congrats din sa 'yo”

I looked at his medal before look at his face then smiled. Napatingin ako sa wrist ko na hanggang ngayon ay hawak hawak niya parin. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang ako ay kabang kaba na. Can he let go of my hand already? Mamatay na ako sa kaba.

I tried to released his hand on mine but it feels like he don’t want me to let go. Kahit ano kasing tanggal ko at alis ng kamay niya sa akin ay hindi 'yon matanggal. Hindi naman masakit ang pagkakapit niya sa akin ngunit mahirap parin tanggalin ang kamay niyang nakakapit sa akin. The smiled that I gave him replace by an awkward smile.

Gosh! My heart is beating so fast and loudly. Natatakot ako na baka naririnig niya pala ang tibok ng aking puso. Nakakahiya 'yon.

Para ngang nakalimutan ko na nasa likod niya si Britney. Na parang kaming dalawa lang ang nandito. At ang takot na nararamdaman ko kanina ay bigla nalang nawala when he hold my hand.

Nakatingin siya sa aking mga mata at gano'n din ako. Ngunit magkaiba ang emosyon na pinapakita namin. Seryoso siya habang ako ay parang matatae sa nervous. Nang hindi ko na makayanan ang titig niya sa akin ay agad akong umiwas ng tingin.

Para akong hinihigop dahil sa titig niya. Ngayon lang kami nagkausap ulit pagkatapos ng limang taon. Kaya siguro ganito nalang ang kaba ko o dahil gusto ko siya? Ewan! Basta ang gusto ko ay makalayo nalang sa kaniya. Hindi ko kayang makausap siya at tumingin sa kaniyang labi na may lipstick.

Alam ko naman noon pa na babaero siya. At ang lagi niyang target na babae ay puro magaganda na matalino. At ako? Wala lang. Isang ordinaryong estudyante na gusto siya ngunit 'di niya alam. Hindi katalinuhan at hindi rin kagandahan. Kaya pala hindi din niya ako magustuhan.

“ Sige na…una na ako” hinigit ko ang kamay ko sa kaniya ngunit ayaw niya parin talagang bitawan.

Gusto niya ba akong himatayin sa harap niya? Bakit ba siya gana'n makatingin sa akin? I bit my lower lip and lower my gaze. Napatingin ako sa sapatos ko at sapatos niya.

Nang maramdaman ko ang unti unti niyang pagbitaw sa aking kamay ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Unti unti akong tumingin sa kaniya at pilit na ngumiti. Ganito ba talaga kahirap pag tinatago mo ang nararamdaman mo para sa isang tao?

“ Congrats ulit” pinilit ko ang sarili ko na 'di mautal nang sabihin ko iyon.

Hindi parin siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin. Agad kong iniwas ang tingin sa kaniya at tumingin sa likod niya. Doon ko nakita si Britney na may nagtatakang tingin sa aming dalawa. Humakbang ako paatras at tumango kay Britney.

“ Sige Britney una na ako”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Agad na akong tumalikod sa kanilang dalawa. Kahit kita sa mukha niya na marami siyang katanungan ay gusto ko 'tong takasan. Hindi niya alam na close kami noon ni Aston. Lumipat dito si Britney noong Grade 11 siya.

At naging kaklase ko siya noong Grade 12 na kami. Close kami pero 'di ko masasabi na kaibigan ko siya. At alam kong gano'n rin siya sa akin. Wala akong tinuring na isang kaibigan sa mga kaklase ko noon. Close kami, oo. Pero isang taon lang iyon. At pag nagtapos na ang school year at hindi na kami naging magkaklase. Alam kong hindi na ako nila papansinin. Lalampasan nalang.

Kaya nga wala akong tinuturing na kaibigan. Iba kasi ang pananaw ko ng isang kaibigan. Oo madami akong ka-close pero hindi kaibigan. Mabubuhay naman siguro ako na walang kaibigan. Maybe.

Kahit isang lingon sa kanilang dalawa ay hindi ko ginawa. I'm walking like someone was chasing me. Kahit wala naman. Hindi nga ako sinundan ni Aston. At syaka ba't ba ako nag eexpect na susundan niya ako? Hindi niya iyon gawain. Ang maghabol.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon