Chapter 21

75 2 1
                                    

CHAPTER 21

“ Anong pinagsasabi mo?” Naguguluhan kong tanong. Bigla bigla nalang siyang magsasabi kung natatandaan ko na ba siya ay syempre oo. Siya lang naman iyong hardinero doon sa bahay ni Sir.

“ Nothing” umiling siya at nakikita ko sa mata niya ang lungkot. Lungkot na hindi ko maipahiwatig kung ano.

Nagpaalam siya na aalis muna siya dahil may kailangan pa siyang gawin. Siguro doon sa bahay, alam kong may gawain siya doon na kailangan niyang tapusin. May dinalaw lang dito sa hospital, kamag anak niya yata.

“ Ate, okay ka lang ba?” Napatingin ako kay Cathy nang magsalita siya sa gilid ko.

“ Okay na ako” sabi ko bago dahang dahan na umupo.

Tumingin ulit ako sa kaniya at nakita ko na parang namumutla ang kaniyang mukha. Hindi din siya mapakali, siguro masyado talagang natakot sa nangyari sa akin kanina. Napatingin ako sa suot ko at naka hospital gown na ako. Ngumiti ako kay Cathy upang ipahiwatig na okay na talaga ako ngunit hindi siya makasukli ng ngiti sa akin. I sighed because of that.

“ Okay na ako Cathy. Huwag nang mag alala” sabi ko habang nakatingin sa kaniya ng seryoso.

Tumango lang siya bago umiwas ng tingin sa akin at umupo sa upuan malapit sa kama na kinahihigan ko.

Nilibot ko ang tingin upang hanapin si Aedan ngunit hindi ko siya makita. Nagsimula akong kabahan nang malaman na nasa ibang kwarto ako. Nandito si Cathy, ngunit sinong nagbabantay kay Aedan? Mag isa lang iyon do'n!

“ Cathy” pagtawag ko kay Cathy na hindi parin natingin sa akin.

Nililibot ko ang tingin sa kwarto na aking kinapaparoonan. Katulad din ito ng kwarto ni Aedan, magkasing laki at magkatulad ng kagamitan. Sure akong mahal din ito, dagdag pa sa bayarin sa hospital. Saan na ako kukuha ng pera?

Nag aalala na ako sa babayaran namin nang magsalita si Cathy.

“ Ate huwag mong i-stress ang sarili mo. Kabilin bilinan ng doctor. Kumain ka rin ng maayos at matulog ng sapat. Iyan ang bilin ng doctor”

“ Paano ako hindi maiistress ay dagdag na naman 'to sa babayaran natin sa hospital?” nag aalala kong sabi.

“ Gastusin nalang natin iyong ipon ko. May natabi naman ako, pangdagdag sa babayaran natin” suggest niya.

“ Huwag na. Alam kong may pinag iipunan ka na gusto mong bilhin. Itabi mo lang ang ipon mo at sa 'yo naman iyon. Ako na ang bahala”

Akmang aalis na ako sa kama nang pigilan niya ulit ako. Gusto kong puntahan si Aedan. Baka mag isa lang iyon doon. Hindi pa man din kaya noon na mag isa. Bata pa siya. Kailangan na nando'n ako, okay na naman ang pakiramdam ko.

“ Cathy, si Aedan walang kasama doon sa kwarto niya. Paano kung sumakit iyong tiyan no'n ulit? Sinong magpapatahan sa kaniya pag umiyak siya? At iyong gamot! Hindi pa ako nakakabili ng gamot”

Tarantang taranta na ako dito at nagmamadaling umalis ng kwarto. Paglabas ko ay doon ko nalaman na nasa iisang floor lang ang kwarto namin ni Aedan. Hinanap ko kaagad ang room number ng kapatid at hindi pinansin ang pagtawag sa akin ni Cathy.

“ Ate! Sandali!” rinig kong pagtawag sa akin ni Cathy ngunit hindi ko na siyang magawang lingunin dahil sa pagmamadali.

Nang mahanap ko kaagad ang kwarto ni Aedan ay agad ko itong binuksan. Walang pag aalinlangan na binuksan ang pinto dahil sa pagmamadali.

“ Aedan—” ngunit naputol ang dapat kong sasabihin nang may makita ako sa loob ng kwarto.

Ang akala ko ay walang kasama si Aedan ngunit meron pala. May isang lalaki na nakaupo sa tabi niya habang may hawak siyang libro. Napatingin sila sa akin nang pumasok ako. Naistorbo ko yata ang ginagawa nila.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon