Chapter 48

74 0 0
                                    

CHAPTER 48

Gustong gusto ko ng tumakbo ang oras para makapunta na kaming Taiwan. Hindi na ako mapakali at kahit maagap pa ay namimili na agad ako ng mga damit na aking dadalhin. Para na akong tanga na 'di mapakali habang nasa loob ng closet at naghahanap ng mga magagandang masusuot.

Parang kahapon lang nang sabihin ko kay na mom na sasama ako sa kanila sa Taiwan. At ngayon…Nababaliw na talaga ako.

Naigulo ko ang aking buhok dahil sa katangahan na aking ginagawa ngayon. Lumabas nalang ako sa walk in closet at binagsak ang katawan sa kama. Tumingin ako sa kisame habang inaalala ang post ni Aston. But I prefer to call him Adrian. Pero ayaw niya ng Adrian kahit ang ganda naman ng pangalan niya. What’s wrong with that? Kung ayaw niya ay 'di 'wag.

Nakagat ko ang aking labi nang pumasok sa aking isipan ang post niya sa Instagram. Why did he posted it by the way? Ba't hindi nalang i-myday? Mas lalaki lang ang pag asa na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. And his caption. Why did he want to see me? Aside from giving me the handkerchief.

Ano kayang gagawin nila sa Taiwan?

I was thinking about that question when my phone suddenly beep. Tinatamad ko itong kinuha at nanlaki ang mata nang makita kung sino 'yong nag text. How did he know my number?!

Unknown number:

I wash your handkerchief. I make sure that it was clean.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanlalaki ang mata habang iniisip kung paano niya nakuha ang number ko. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso at bigla nalang napaupo habang hindi inaalis ang paningin sa cellphone.

I typed a message but I erased it afterwards. Napahawak ako sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso.

“ My god. I think I'm going to die from heart attack”

Napapailing nalang ako habang binabasa ng paulit ulit ang text niya sa akin. At unti unting sumilay ang ngiti sa aking labi.

Napapadyak ako sa aking kama at nagpagulong gulong. Ang lakas rin ng aking irit at buti nalang ay umalis na sina mom. Kundi ay baka nandito na sila at nagtataka sa aking ginagawa.

When I'm tired of what am I doing, I looked again to his text and decided to type a message.

Me:

How did you know my number?

When I click the send button, I throw my phone on the bed and cover my face with the pillow and that’s when I scream again. Hingal na hingal ako nang tanggalin ko ang unan sa aking mukha dahil sa kakasigaw.

At saktong tumunog ulit ang cellphone ko.

Natataranta na kinuha ko ulit ang aking cellphone at nakagat ang pang ibabang labi nang makita ang reply niya.

Aston:

I asked your number from your mom.

Me:

You meet my mom?

Ano kaya ang iisipin nila mom nang may isang lalaki na nagtanong sa kanila kung ano ang number ng phone ko. And saan sila nagkakilala? Hindi naman mahirap makilala ang parents ko. Kilalang kilala sila dahil sa business namin.

My parents are the owner of the mall’s here in the Philippines. Hindi kaya nagkasalubong sila sa mall here in Manila kaya sila nagkakilala?

Sa kalagitnaan ng katanungan ko ay bigla ulit tumunog ang aking cellphone. Nahiga ulit ako sa aking kama habang binabasa ang reply niya sa akin.

Aston:

Yeah. In our meeting.

Napanguso ako nang makita ang tipid niyang reply. Hindi man lang i-evaluate kung bakit siya nasa meeting? Kahit alam ko na naman. Nagbabakasakali lang na mahaba ang irereply niya sa akin. I already save his number on my phone and memorize it.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon