Chapter 56

75 0 0
                                    

CHAPTER 56

“ Ito nga pala iyong bayad ko doon sa aking gamit” abot ko sa kaniya ng pera.

Nakalimutan ko kasi na bigyan siya ng pera kanina. Siya pa iyong nagbayad ng gamit ko. Hindi kasi agad ako nakagalaw dahil doon sa matiim na titig sa akin noong cashier. Kaya habang hinihintay namin ang aming order ay agad na akong kumuha ng pera at inabot sa kaniya. But to my surprise he didn’t take it. He remained emotionless.

“ Hindi ko iyan tatanggapin” malamig niyang sabi habang nakatingin sa perang inaabot ko sa kaniya.

“ What? But! Ang mahal noong pinamili natin. Take it”

Kinuha ko ang kaniyang kamay at binuka ang kanyang palad. At doon pinatong ang pera na hindi niya kinukuha. I closed it and seat straight after kong nilapag ang pera sa kaniyang palad. Like nothing happened.

“ You don’t need to pay me. Think that as my treat”

What? Are he serious? Gamit ko iyon kaya dapat ako iyong magbabayad. Hindi siya. I don’t need his money. Kung alam ko lang na sumama siya para bayaran ang gastusin ko ay hindi ko na dapat siyang pinayagan.

“ That’s my things. And are you serious? Nilibre mo ako thousands ang halaga?” hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

“ Yes and what about that? Is that a crime?”

Naibuka ko ang aking bibig dahil sa matinding amazement. As what I said hindi ako nagpapalibre. Lalo na at sobrang laking halaga niyon. Hindi yata ako makakatulog sa gabi kapag hindi ko siya nabayaran.

At katulad ng ginawa ko sa kaniya kanina. Kinuha niya ang kamay ko at doon pinatong sa aking palad ang aking pera. Napatitig ako doon at matalim na tumingin sa kaniya.

“ Hindi ko matatanggap ang libre mo kung gano'n. Babayaran kita”

Inisod ko ang pera papalapit sa kaniya. At katulad ko. Nakatingin din siya sa akin ng masama. Isang malamig at masamang tingin ang pinukol niya sa akin. At kahit nakakapanghina ang kaniyang tingin. Hindi ako nagpatalo.

Pinilit kong patatagin ang aking loob at pinantayan ang kaniyang tingin.

Parang sa pera lang, ayaw niya pang tanggapin. Iyong iba ay ayaw na manlibre kahit piso. Ta's siya? Libo ang nililibre? Ako na nga iyong nagkukusang loob na mangbayad. Hindi katulad ng iba na taon na ang lumipas. Hindi parin nagbabayad ng utang. Well, itong kaso namin. Pansamatala lang na utang. Dahil binabayaran ko na siya ngayon.

“ I'm not comfortable when the girl giving me money”

Pinalampas ko iyong panlilibre niya sa akin doon sa Taiwan. Nang siya iyong nagbayad noong hospital bills ko. Kahit pumayag siya na hati kami sa pambayad sa bills, siya parin ang nagbayad. Nang ibigay ko sa kaniya ang aking debit card, hindi niya ginamit. Nalaman ko iyon nang  i-check ko ang pera sa aking bank account. Walang kabawas bawas. Ibig sabihin hindi siya ang nagbayad noong buo.

Wala na akong panahon para i-complain iyon. Dahil hindi na kami nagkita noong araw na 'yon. At nang magkita kami, nawala na iyon sa aking isip. Dahil sa matinding kilig na pinaparamdam niya lagi sa akin.

“ Sa tingin mo ba hindi ko malalaman na hindi mo binawasan ang pera ko? Para ipambayad doon sa hospital bills ko. Akala ko ba we agreed na hati tayo sa pambayad?”

He stilled but agad na naka recover. Na para bang inaasahan na niya ito.

“ Well it’s my obligation to pay for your bills. Ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganoon”

Here we go again. Sinisi ang kaniyang sarili kahit wala naman siyang kasalanan. Ilang ulit ko ba dapat sabihin na ako nga iyong may kasalanan rito? Na kung hindi ko iyon kinain. Iyong shao mai. Hindi ako madadala sa hospital. Bakit pa kasi ako allergy sa shrimp?

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon