Chapter 29

78 0 2
                                    

CHAPTER 29

Nanlalamig ang aking katawan habang na order kami dito sa Jollibee. Nakapila pa kami at I insist na ako nalang ang oorder ngunit hindi siya pumayag. Ang gusto niya ay sasamahan niya pa ako kaya para akong estatwa dito sa tabi niya. Pinagtitinginan naman siya ng mga tao dahil sa suot niyang pang office attire at dahil sa gwapo niyang mukha.

Nang turn na namin na umorder ay nagsimula ko nang sabihin ang order namin. Napag isipan ko na ito habang nasa pila palang kami.

I was about to gave to the cashier the money when Adrian stop me.

“ Ako na ang magbabayad” pigil niya sa akin.

“ No. Ako na po” dahil nakalabas na ang pera ko ay agad ko na itong binigay sa cashier.

He gave me a number at naghanap na ako ng lamesa para doon maghintay. I said na take out dahil alam kong madaming tao ngayon dito sa fastfood. Dalawang upuan nga lang sa isang lamesa ang bakante ngayon at iyon ang inupuan ko. Madami kami para sa dalawang upuan.

“ Dapat hinayaan mo nalang na ako ang magbayad” sabi ni Adrian pagkaupo niya sa harapan ko.

Umirap ako nang palahim at ngumisi sa kaniya “ Anong magagawa mo? Nabayadan ko na eh”

Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako. Bigla niyang nilabas ang kaniyang pitaka at may kinuha doon na pera.

“ Here. Bayad ko sa binayaran mo kanina”

Kumunot ang aking noo dahil sa ginawa niya. Tumingin ako sa pera na hawak hawak niya at hindi ito kinuha. Wala akong balak kunin. Mukhang nainis siya sa ginawa ko kaya nagulat ako nang bigla nalang niyang kunin ang aking kamay at ilagay doon ang pera. Napatunganga ako sa pera na hawak ko at nang matauhan na ay agad kong binalik sa kaniya ito.

“ Hindi ko kailangan iyan. Nagbayad ako dahil gusto ko. Syaka may pera akong nireserba para talaga dito”

“ Just accept my money. Ayaw kong may magbabayad ng kahit ano para kay Drex” seryoso niyang sabi.

“ Pero gusto ko na ako ang magbabayad ng kakainin ni Drex. Itabi mo nalang iyan”

Inisod ko ang pera papunta sa kaniya at hindi siya pinapansin kahit anong tawag niya sa akin. Hindi ko rin siya binibigyan ng atensyon at pilit na tinutoon ang aking mata sa mga tao na nakain.

“ Katarina. Accept the money and keep it”

“ Ayoko” Matigas kong sabi.

Magsasalita pa sana siya nang biglang dumating ang waiter at pinatong na ang paper bag sa lamesa. Dalawang malaking paper bag ito dahil nag order na ako para sa amin.

“ Salamat” ngiti kong sabi sa waiter bago ito umalis.

Habang tinitingnan ko ang mga pagkain na nasa paper bag upang i-check kung tama ba ang binigay ay narinig ko naman ang buntong hininga ni Sir. Napatingin ako sa kaniya at suko na ang kaniyang mukha. Kinuha niya ang pera at inilagay ulit sa bulsa niya. Dahil doon ay lihim akong napangiti.

Ibinalik ko na ulit ang aking atensyon sa pagche-check at nang makita na tama lahat ng nakalagay ay kinuha ko na iyon.

“ I will carry the two paper bags and you’re going to carry the paper cup holder” tukoy niya sa mga softdrinks.

Napatingin ako sa softdrinks at binigay na sa kaniya ang dalawang paper bag. Hindi na ako nakipag argue pa at tama naman na siya ang dapat magdala noong paper bag. Sa bigat ba naman niyon.

Kinuha ko na ang mga softdrinks at sabay na kaming lumabas. Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa may elevator. Nasa third floor kasi sila.

“ Where are they?” tanong niya.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon