Chapter 33

74 0 0
                                    

CHAPTER 33

“ At kailan pa kita naging boyfriend?” I whisper at him.

Nagtatakang nakatingin sa aming dalawa si Raven. Hindi inaasahan na sasabihin 'yon ni Adrian. Sa pagkakaalam n’ya kasi na wala akong boyfriend. Sinabi ko 'yon sa kaniya kahapon ta's ngayon ay biglang meron na.

“ Just be quiet. Let me handle this” he whispered back na lalong nagpakunot ng aking noo.

Ano bang sinasabi n’ya? Nakatingin lang ako sa kaniya na naguguluhan na ngayon ay nakatingin na siya kay Raven.

“ Do you like her?” He suddenly asked to Raven that makes me shocked.

Ano bang lumalabas sa bibig ni Adrian? Bakit ba s’ya nagtatanong ng gano’n bigla? Ang angas pa ng tingin kay Raven. God! Nasa harap lang kami ng classroom ni Drex!

“ What?” halata na gulat na gulat si Raven nang itanong n’ya 'yon.

Sino ba naman ang hindi 'di ba? Kung ako nga ay gulat na gulat nang itanong 'yon ni Adrian, paano pa kaya si Raven?

“ I'm asking if you like my girlfriend?” napapikit nalang ako dahil ako talaga ang nahihiya dahil sa pinagsasabi n’ya.

Bakit ba n’ya tinatanong 'yon? Basta basta nalang s’yang nagtatanong ng gano’ng tanong. I can’t believe him. Tao pa ba s’ya? May hiya pa ba s’yang nararamdaman?

“ I'm sorry Raven. May saltik lang talaga 'tong boss ko” hindi ko na mapigilang sabihin.

Hindi ko kaya na manahimik lang dito. Ako na ang hihingi ng sorry para naman makaalis na s’ya. Mukhang nagmamadali narin siya dahil sa suot niya. He's wearing a white dress and coat partner with black slacks. Parehas sila ni Adrian.

“ Boss? Are you…?” Hindi niya natuloy ang sasabihin n’ya kaya ako na ang nagdugsong.

“ Nanny ako nitong anak n’ya. Kaklase din ng kapatid mo” I explained.

He looked so shocked because of what I said. I’m just giving him a smile and not minding the glare that Adrian giving me. Tinanggal ko narin ang pagkaka-akbay niya sa akin, hindi naman siya nagprotesta sa ginawa ko.

“ You’re a nanny? Wala sa itsura mo” he said while shocked was written on his face.

I don’t know if that was a compliment or what. Basta nahiya ako sa sinabi niya. Wala ba talaga sa itsura ko na maging nanny? Itsura ko lang ay maging isang nanay ng anak ni Adrian.

I just giggle of what he said. I can feel the tension here so I end up my conversation with Raven.

“ Sige na Raven. May trabaho ka pa yata na pupuntahan”

Nawala ang tingin n’ya sa akin at napatingin siya sa wristwatch n’ya. Ang mukha niyang calm kanina ay napalitan ng pagmamadali.

“ Oh! You’re right! I need to go. See you again” he said.

“ Sige ingat ka”

“ Salamat” he gave me a sweet smile before he leave.

Sinundan ko s’ya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Aalis na sana ako papunta sa hintayan ng mga mag aalaga nang hawakan ni Adrian ang kamay ko.

Hindi na ako nagugulat kapag ginagawa n’ya 'yon. Nasanay narin siguro ako. Ang hindi lang mawawala ay ang mabilis na tibok ng puso ko kapag hinahawakan n’ya ang kamay ko.

“ Bakit?” nagtataka kong tanong.

Hindi siya sumagot sa tanong ko at binigyan n’ya lang ako ng masamang tingin. Ano na naman ang ginawa ko at ba't s’ya galit?

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon