Chapter 38

74 0 0
                                    

CHAPTER 38

Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Na baka nga ay kaniyang marinig ito. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso at ako naman ay nakatingin sa kaniya habang kinakabahan. Seryoso ba siya?

He was dead serious nang sabihin niya iyon. Namumula ang kaniyang magkabilang tenga ngunit hindi naman siya nahihiyang nakatingin sa akin. Kung kailan na ako titigil kakaasa sa kaniya ay syaka naman niya sinabi na gusto niya ako.

Namagitan na naman ang katahimikan sa aming dalawa. Ito yata ang guni guni na gusto kong maging totoo. Hindi agad pumasok sa aking isipan ang sinabi niya dahil sa bilis ng pangyayari. Napalunok ako at umiwas ng tingin. Hindi kayang tagalan ang kaniyang malalim na tingin sa akin.

“ Joke ba 'yan?” pilit akong tumawa upang pagain ang awkwardness sa aming dalawa. Ako lang nga yata ang nakakaramdam ng awkward.

“ Do you think I'm joking?” he asked.

Napatikhim ako nang tingnan ko siya. Seryosong seryoso siya kaya isang kalabit nalang sa akin ay maniniwala na talaga ako. Nakagat ko na naman ang aking pang ibabang labi dahil sa kaba na aking nararamdaman.

“ I said stop biting you lip” matigas niyang sabi.

Dahil sa pagkakasabi niyang 'yon ay agad kong tinigil ang pagkagat sa aking labi. Itinago ko na lamang ang aking dalawang kamay sa aking likod at kinuyom ang aking kamao. Ito ang aking way upang pakalmahin ang aking sarili sa tuwing ako'y kinikilig.

“ Totoo ba 'yong sinabi mo? Na gusto mo…” hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil sa hiya.

Kakagatin ko na sana ang aking labi nang mapatigil ako. Tumingin ako kay Adrian at seryoso talaga siyang nakatingin sa akin habang papula nang papula ang kaniyang magkabilang tenga. Sa kabila ng awkward na aking nararamdaman ay nakuha ko pang tingnan siya ng diretso sa kaniyang mata. Ang cute niya kasing magpigil ng kilig.

“ Kung gusto kita?” tanong niya sa akin nang hindi ko natuloy ang sinabi ko kanina. Bigla akong nahiya nang itanong niya 'yon. Hindi ko matapos ang sasabihin ko kanina dahil sa hiya ta's nang itanong niya ay dobleng hiya ang aking naramdaman.

Mas lalo akong kinilig nang sabihin niya ulit na gusto niya ako. Kung panaginip man ito. Huwag niyo na akong gisingin pa.

Tumango lang ako at ramdam ko ang pag init ng aking pisngi. Alam kong kitang kita na niya ngayon ang pamumula ng aking pisngi. Mukha na tuloy akong tomato.

“ I'm dead serious when I said that. Hindi ako magbibiro ng gano'n kung 'di kita gusto”

Sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa kaniyang daliri. Nando'n parin ang singsing niya. Ang wedding ring nila. Paano niya masasabi na gusto niya ako kung 'yong singsing nga nila nang dati niyang asawa ay hindi niya mabitaw bitawan?

Ang kilig na aking nararamdaman ay bigla nalang napalitan ng sakit. Kahit anong isip ko ng masasayang pangyayari ay sakit parin ang nangingibabaw. Kahit isipin ko ang sinabi niya kanina na gusto niya ako ay mas lumalala ang sakit na nararamdaman ko.

Bakit ba kasi kung kailan kinikilig na ako ay syaka naman ako napatingin sa singsing niya? Kailan niya ba huhubarin iyon?

Kailan niya ba malilimutan ang dati niyang asawa? Kasi gusto kong ako nalang. Ako nalang iyong mahalin niya, dahil alam kong sa sarili ko na 'di ko siya sasaktan. Hindi ko kayang saktan ang isang katulad niya. Masyado ko siyang mahal para gumawa ng bagay na ikasasakit niya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil ramdam ko na ang pangingilid ng aking luha. Huwag kang umiyak dito. Huwag mong ipakita sa kaniya na mahina ka. Kaya mo 'to.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon