Chapter 36

74 0 0
                                    

CHAPTER 36

Hindi maipaliwanag na pakiramdam ang aking naramdaman nang marinig ko 'yon mula kay Drex. Kaya pala gano'n nalang ang galit niya kay Belle nang sinabi niya na pangit iyong nametag. Dahil sa akin?

Andito parin ako sa likod ng malaking halaman at nagtatago. Nakatingin sa mag ama na nakaupo sa bench. Pilit kong hindi gumawa ng ingay upang hindi sila maistorbo. Pinunasan ko ang aking luhang kanina pa pumapatak. Napangiti ako nang maalala na naman iyong sinabi ni Drex. It was just a nametag, nothing’s special for me but when he said that I made it for him, kung paano niya ako ipagtanggol mula sa panlalait ni Belle sa nametag. Parang nagkaroon na ng meaning. Bata pa lamang si Drex pero ganito na siya magsalita. Hindi masama pero salitang kaya kang paiyakin dahil sa saya.

“ Mommy made it for you?” Adrian asked.

Nakita ko na kinuha niya ang nametag at hindi nakaligtas sa akin ang kaniyang pag ngiti. Umangat ang kaniyang tingin sa mukha ni Drex na nakatingin din sa kaniya.

Unti unting tumango si Drex habang nakatingin sa kaniya “ Yes, mommy made it for me. She said that she will help me doing my assignment and she help me doing that. Look daddy! Mommy’s handwriting is beautiful”

Tinuro ni Drex ang pangalan niya na aking sinulat. Lalo akong napangiti nang ipagmayabang iyon ni Drex kay Adrian. Bumaba ulit ang tingin ni Adrian sa nametag ni Drex at napangiti nang makita ang sulat ko.

“ Yes. It’s beautiful just like her”

I slightly open my mouth because of shock of what he said. Totoo kaya 'yon? O baka isa na namang guni guni ko? Hindi lang naman siya ang nagsabi na maganda ako pero bakit pag siya ang nagsabi ay iba ang impact sa akin? Bakit ngayon ko lang na appreciate na maganda ako?

“ My true mommy didn’t do this. She don’t want to see me. But mommy? She’s like my true mommy. I want her to be my mommy”

My heart sank when I heard his sad voice. Hindi ko kayang makita na malungkot siya kaya tumalikod na ako. Nagsimula akong humakbang papalayo sa kanila habang ang mga luha ko ay nagsisimulang magsipatakan ulit. Pilit kong inaalis ang luha sa aking pisngi pero may luha na naman na napatak.

Hindi kalayuan ang aking kwarto sa backdoor kaya nakapunta agad ako sa kwarto. Buti nalang at wala sa aking nakakita. Napasandal ako sa pinto habang malalim ang iniisip. Nakatingala ako sa kisame habang hinahayaan na pumatak ang aking mga luha.

Kung pwede lang na ako nalang ang maging totoo niyang mommy. Napamahal na sa akin ang bata, isang tunay na anak na ang turing ko sa kaniya. Si Aedan lang iyong hinahaplos ko ang buhok, pero ngayon, pati narin si Drex.

Masama na ba ako kung hihilingin ko na 'wag ng bumalik 'yong tunay niyang mommy? Na ako na lang ang ituring niyang tunay na ina at kalimutan na niya 'yong tunay niyang mommy. Gusto ko ako lang para 'di na siya maging malungkot. Upang hindi na umiyak si Adrian sa gabi. Upang ako nalang ang mamahalin niya at makalimutan na niya ang kaniyang asawa.

Pero alam kong imposible ang aking iniisip. Paano nila makakalimutan ang isang taong nagbigay sa kanila ng matinding sakit? Ang taong una nilang minahal? Pumasok lang naman ako bilang kasambahay. Hindi ko naman akalain na hahantong ako sa ganitong sitwasyon. Na ang dalawang taong hindi ko pag mamay-ari ay aking mamahalin. Kung alam ko lang, wala na sana ako sa ganitong sitwasyon.

Hindi sana ako masasaktan ng ganito. Hindi sana sila masasaktan sa isang taong wala na. Sa taong iniwan sila.

Sana ako nalang 'yong babaeng kanilang nami-miss. Ngunit hanggang sana nalang ako.

Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi at umalis sa pagkakasandal sa pintuan. Kinuha ko sa likod ng bulsa ng aking pantalon ang phone ko. Bumuntong hininga ako at pinikit ang mata upang pakalmahin ang sarili.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon