Chapter 72

49 0 0
                                    

CHAPTER 72

Sinong mag aakala na babalik pa ako rito sa bahay na 'to? Kung saan ko natunghayan ang paglaki ng aking mga anak. Na sa bahay na ito, marami ng nangyari. Nasaksihan niya ang bawat tawa, bawat iyak at pighati namin. Buong akala ko noon ay hindi na ako makakarating pa rito. Hindi na ako makakaapak pang muli simula ng ipagtabuyan ako ni Aston.

Hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataon na makapag usap about doon sa pangyayari na 'yon. At kung mag uusap man kami. Itatanong niya lang kung may masakit sa akin, kung may kailangan ako at hanggang doon nalang iyon. Napapansin ko na pilit siyang umiiwas sa akin kahit kita sa mata na madami siyang gustong sabihin. Gusto kong magtanong sa kaniya, na pabahabain pa ang pag uusap namin ngunit siya na itong naiwas.

I don't know what's up on him. Naiwas sa akin ngunit nag aalala naman. Siya itong pinapalayo ako sa kaniya ngunit siya naman itong hindi ako maiwan sa kwarto.

I remember when I found out that he has a mistress. Well wala naman talaga, nagkamali ako sa part na iyan. Masyado akong naging paranoid na hindi ko muna inalam lahat bago ako magbigay ng opinyon sa kaniya.

Kung kailan gusto ko na siyang makausap noon, syaka naman nangyari ang aksidente. Kung kailan makikipag ayos na ako sa kaniya. Hihingi ng sorry, doon pa kami mawawalay sa kanila. Pati anak ko, nadamay.

" Salamat po" I said to the maid that bring my backpack.

Kukunin ko na sa kaniya dahil nakalahiya ngunit hindi niya iyon binibigay sa akin. Para bang natatakot siya na mahawakan ko 'yon. Kahit akin naman itong gamit. Natatakot rin siyang makipag eye contact sa akin. Na para bang mamatay siya kapag tiningnan niya ako. Kaya naman todo nalang ang pagkakunot ng noo ko habang nakatingin sa kaniya.

At mas lalo lang akong nagtaka nang dumiresto siya sa taas imbes na roon sa kwarto na tinutuluyan ko rito.

" Uhm..hindi po riyan ang kwarto ko. Doon po" turo ko sa hallway papunta sa aking kwarto.

Napatigil siya sa paglakakad at tumungo. Nasa pangalawang baitang na siya ng hagdanan nang pigilan ko siya.

" Kabilin bilinan ho ni Sir na roon daw po sa kaniyang kwarto ko ilagay ang gamit nyo"

Kwarto niya? At bakit doon? Yes, I get it that we are married already. May mga anak na nga. But it was awkward kung doon ako matutulog. Dahil walang kaalam alam ang mga kasambahay na may ari rin ako ng bahay na ito. Baka mabigla sila. Gusto ko dahan dahanin muna.

Katulong noon, asawa pala ng boss nila. How weird is that, right?

" Ha? Kailan pa?" naguguluhan kong tanong.

" Kahapon po."

And they never always add "po and ho" sa tuwing kinakausap nila ako. Ngayon kasi ay parang napakataas ko para igalang nila and I don't like it. Nasanay na ako sa kapag kinakausap nila ako, casual lang. Parang mag tropa lang ba. And I hate how they talk to me. Hindi dahil ang bastos kundi dahil masyadong mataas ang respeto nila sa akin.

" Paki sabi nalang sa kaniya na 'di ako tutulog sa kwarto niya. Doon ako sa kwarto ko matutulog"

I don't want to sleep with him after he shouted at my face, after he forced me to leave at my house too. After he make me cry. Yes, I love him, I have a feelings for him. But I also have a feelings of anger to him. Because of what he did to me. Hinigit niya pa ako. May pa sabi pa na hindi na kami muling magkikita pa, na ayaw na niya akong makita. Tapos ngayon, gusto niya akong makatabi? Ayos rin siya ano?

" Pero..."

" Kasambahay rin ako rito"

" Hindi ho. Nai-kwento na sa amin ni Gina este Phoebe lahat. Hindi kayo katulong. Asawa kayo ni Sir. Kaya lang naman kayo naging katulong dahil nawalan kayo ng memorya at nawalay kayo sa kanila"

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon