Chapter 7

87 2 2
                                    

CHAPTER 7

“ What are you doing there” napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Napahawak ako sa kanang dibdib ko bago lumingon sa likudan ko.

“ Oh andyan ka? May kailangan ka ba?” Tanong ko sa kaniya. Akala ko busy sa paglalaro si Drex, kaya nga ako lumabas dahil ang boring niyang kasama. Wala akong magawa kundi panoorin siyang maglaro ng mga laruan niya.

Naisipan kong lumabas at saktong pagkababa ko at pupunta sana sa kusina upang uminom nang makita ko si Sir na nagluluto. Kakakain lang nila pero bakit nagluluto siya? Imbis na tumuloy na pumasok sa kusina ay naisipan ko magtago dito sa may pader. Nakasilip kay Sir habang nagluluto siya. Ang hot ni Sir tingnan kapag nagluluto siya.

Siguro kapag pinagluluto niya ako hindi iyong pagkain ang kakainin ko kundi siya. Pero napaka imposible naman ng iniisip ko. Napaka imposible na lutuan niya ako.

Wait nga lang! Bakit ba ganito ang iniisip ko? May gusto ba ako sa amo ko?! Ilang araw palang ako dito tapos ganito na agad ang iniisip ko?!

“ Nothing. You suddenly go out of my room without saying a word. So I followed you”

Nakatanga lang ako sa kaniya. Hindi dahil english ang sinabi niya kundi naguguluhan ako kung ba't niya ako sinundan agad. Miss niya na ba ako?

“ Ay ganoon ba. Tara na ulit sa kwarto mo. Laro ka ulit” sabi ko at hinawakan siya sa kaniyang kamay ngunit agad niya itong binitawan.

“ Don’t touch me and what are you doing there? Sinong tinitingnan mo?”

“ Wala. Tara na” aya ko ulit sa kaniya. Hinawakan ko ulit siya sa kaniyang kamay ngunit agad niya ulit itong binitawan.

“ No I want to see what’s in there in the kitchen” sabi niya at akmang hahakbang na siya papasok nang lumabas si Sir na may dala dalang plato.

Pasta. Ang niluto pala ni Sir ay pasta, gutom ulit siya?

“ Daddy?” Drex innocently called his daddy.

“ Yes baby?” nakangiti na tanong ni Sir. Hindi ko alam kung kay Drex niya ba 'yon sinabi o sa akin. Nakatingin kasi siya sa akin habang sinasabi iyon.

“ What are doing in the kitchen?”

“ I cooked pasta. You want?”

“ I don’t want” naka pout na sabi ni Drex. Humawak siya sa kamay ni Sir kung saan wala siyang hawak.

“ Oh. Then what do you want?” Sir asked in a soft voice. I can’t hide my smile. Sir is soft to Drex. He’s a good daddy.

“ Nothing”

Nagsimula silang maglakad papaakyat kaya sumunod ako. Nag uusap sila habang naglalakad kami. I can’t help but to smile. Ang boses ni Sir ibang iba kapag kausap niya si Drex. Ang sweet, I want to have a husband like him.

“ Daddy! I played a lots of toys! Do you want to play with me?”

“ I'm sorry baby but daddy have a lots of things to do” maririnig mo talaga sa boses ni Sir na nagsisi siya. Ano ba ang trabaho ni Sir para maging ganoon ang trabaho niya?

“ It’s okay naman po daddy! Nag play naman po tayo kanina” masiglang sabi ni Drex. Hindi mo mababakas sa kaniyang boses ang pagtatampo. Naiintindihan niya yata na busy ang daddy niya.

This kid. He amazed me.

Tumigil kami sa harap ng kwarto ni Sir. Lumuhod si Sir upang magpantay sila ng tingin ni Drex. Sa tanawin kong iyon ay napapangiti nalang ako.

“ Next time baby, when daddy is not busy anymore”

“ Okay po”

Binuksan ni Sir ang pintuan ng kwarto niya. Sumunod si Drex sa pagpasok niya habang ako ay nandito sa labas at nakatingin lang sa kanila sa loob ng kwarto.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon