Chapter 37

64 0 0
                                    

CHAPTER 37

Hindi ako makaimik nang sabihin niya ang mga salita na 'yon. At nasisigurado ko ngayon na hindi ko na guni guni iyon. Malinaw na malinaw sa akin ang mga salita na binitawan niya. Na natatakot siya na iwanan ko sila. Hindi ba dapat na ako ang matakot na balikan nila ang unang babaeng minahal nila? At saan niya nakukuha ang ideya na iwanan ko sila? Wala sa isip at plano ko na iwanan silang dalawa.

“ Bakit?” Iyan ang tanong ko sa kaniya.

Nagtataka akong nakatingin sa kaniya habang pabilis nang pabilis na naman ang tibok ng aking puso. Tuwing kaharap ko lagi siya ay hindi na normal ang tibok ng puso ko. Wala akong sakit sa puso pero dahil sa ginagawa niya ay baka magkaroon na.

“ Because…” Hindi niya matapos ang sasabihin niya sa hindi ko malaman na dahilan.

Umiwas siya ng tingin sa akin kaya lalo akong nagtaka. Pilit kong sinasalubong ang kaniyang tingin ngunit siya na ang naiwas. Anong nangyayari sa kaniya? May hindi ba kaaya ayang bagay ang makikita sa aking mukha upang 'di siya makatingin ng diretso sa akin?

“ Because?” naghihintay akong magsalita siya ulit. Hindi ko ipagtatanggi na may nararamdaman na naman akong pag asa sa aking puso.

Pag asa na sana ay 'wag na ulit gumuho pa. Na eto na naman ako sa punto na naasa lang sa wala. Na akala mo ay gusto niya ako ngunit 'di naman pala. Nagsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin ko na guni guni ko lang ang galaw na nagbibigay pag asa sa akin, ang halik niya sa akin at ang ibang matatamis na salita na kaniyang binabato sa akin. Dahil alam ko na totoo iyon. Kung panaginip man iyon ay gusto kong matulog nalang at huwag ng magising pa.

“ Nothing. Get into the car, malalim na ang gabi at hinihintay ka na ni Drex. Ayaw niyang matulog na hindi ka niya nakikita”

Tumingin ako ng malalim sa kaniya at sa huli ay bumuntong hininga nalang. Tumango ako at sumakay na sa passenger seat. Habang sinusuot ang seatbelt ay doon ulit nadurog ang aking puso. Ano na naman ito? Pag asa na naguho ulit? Aasa na naman ba ako na gusto niya ako? Kailan ba ako titigil kakaasa?

Napatingin ako kay Adrian nang buksan niya ang passenger seat at sumakay na. Ano ba talaga 'tong mga kilos at salita mo? Bakit pinapaasa mo ako? Sa galaw at salita mo ay parang gusto mo ako kahit 'di naman. Ang maliit na pag asa na aking nararamdaman habang nakatingin sa iyo ay aking binura. Tanggap ko na naman na hindi mo talaga ako gusto.

Paano mo ako magugustuhan kung may minamahal ka pa?

Umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya dahil baka mamaya ay tumulo nalang bigla ang aking luha. Sa sinabi ko nga kanina, ayaw kong may nakakakita sa akin na ako'y naiyak. Mas gugustuhin ko pang umiyak na ako lang mag isa kesa may kasamang iba. Kaya kong sarilihin ang sakit.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang nabyahe. Parehas kaming nakatingin sa kalsada ngunit magkaiba ng tinitinginan. Wala masyadong tao na makikita sa daan. Lalo akong nailang dahil sa tahimik na namamagitan sa amin sa loob ng kotse. Gusto kong bumilis ang oras at agad na kaming makarating sa bahay. Hindi ko kayang tagalan ang ganitong tahimik lalo na ngayon na ako'y nasasaktan.

“ Kumain ka na ba?”

Napabaling ako kay Adrian nang itanong niya 'yon. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa kalsada habang nagdadrive. Magtataka sana ako kung sino iyong tinatanong niya nang malaman ko na kaming dalawa nga lang pala ang nandito.

“ Oo, sa bahay”

Hindi na siya nagtanong pa kaya tumingin nalang ulit ako sa bintana. Malayo layo pa ang tatahakin namin para makarating sa bahay nila. At ibig sabihin no'n ay matagal tagal ko pang titiisin ang katahimikan sa loob ng kotse.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon