Chapter 4

97 3 0
                                    

CHAPTER 4

Wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa harap. Nakatingin lang ako sa bintana at walang balak tumingin sa kanila, hindi ko pa kaya na tumingin sa kanila pagkatapos ng nakakahiya na pangyayari. Nakakainis! ba't ba ito ang napili kong damit? Sa dami ng damit bakit ito pa ang nasuot ko? Kokonti lang ang dala kong damit pero magaganda naman pero ba't ito pa ang napili ko? Ba't hindi ko inisip na magkakatulad kami ng suot? Iba talaga ang nagagawa ng taranta kasunod ay pahiya na.

“ We are here” pagtingin ko nandito na nga kami sa mall. Parang gusto ko nalang umatras, pwede naman yatang dito nalang ako. Okay lang na nasa kotse ako at hihintayin ko nalang sila. “ Why are you there? Let’s go”

Napatingin ako kay Sir pero bigla ko naring binawi. Nandito pala sila sa harapan ko, umatras sila para mabuksan ko iyong pinto at nang makababa ako ay siyang lakad naman nila. Sa bawat lakad ay nasa hulihan lang ako, I make sure na malayo ang agwat namin dahil nakakahiya kung sasabay pa ako sa kanila. Nanny lang ako dito, okay lang na nasa hulihan.

Hanggang sa loob ay nagpapahuli talaga ako. Ayaw ko na pagtitinginan kami, lalo na at baka pagkamalan kaming pamilya dahil sa suot namin. Mula sa likod pinagmamasdan ko silang dalawa. Napaka ganda nilang tingnan, ang sarap nilang pagmasdan na mag ama kaya ayaw kong guluhin sila kung tatabi pa ako. Hindi nakaligtas sa akin iyong mga taong laging tumitingin sa kanila dahil nakaka agaw sila ng atensyon dahil sa itsura nila. Pag tumabi ako sa kanila baka masira iyong view ng mga tao kaya huwag nalang.

Napatigil ako nang biglang tumigil sa paglalakad sila Sir. Napatingin ako sa tinigilan nila, store ito ng damit na pangbabae. Bakit sila tumigil dito? Akala ko papasok sila pero nagkamali pala ako dahil bigla silang humarap sa akin, iyong mukha ni Sir nakakunot iyong noo habang si Drex naman as usual walang pakialam sa akin.

“Ba’t nandiyan ka? Ang bagal mong maglakad.” Tila parang naiinis na sabi ni Sir. “ Dito ka sa tabi namin”

Sa tabi nila? Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa kanila. Iyong salita talaga ni Sir nakakagulat nalang.

“ Dito nalang Sir! Okay lang ako dito” mabilis na agap ko. Ayaw kong tumabi sa kanila. Hindi ba siya nababahala na baka pagchismisan kami? Dapat nga hindi na niya ako sinama dito eh.

“ If I say sa tabi ka namin sa tabi ka namin” He said seriously. Napatingin ako sa paligid at natatakot para sa kanila na baka madungisan ang kanilang image. “ Huwag ka nalang magbigay ng malisya para hindi ka mailang besides nanny ka lang naman”

Nanny lang ako! Self huwag kasing magbibigay ng ibang meaning para ka kasing tanga. Gawain ng nanny na bantayan ang alaga mo. Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanila at nang nasa tabi na ako ni Drex ay napatingin ako kay Sir. Nakita ko na may ngiti sa labi niya pero nawala agad ito at napalitan ng serious face. Itinuloy namin ang paglalakad at dinala kami ni Drex sa palaruan ng mga bata. Umupo kami sa upuan na para talaga sa mga bantay ng bata. Nakikita ko si Drex na nag eenjoy sa paglalaro.

Hindi ba siya nag eenjoy sa bahay nila? Sa pagkakaalam ko kalahati ng kwarto niya ay puro palaruan na. Ginawa na ngang playground.

Nakamasid lang ako kay Drex dahil natatakot na baka mawala siya sa paningin ko at baka mapahamak pa, yari ako sa tatay niya baka sabihin na 'di ko binabantayan ay gampanin ko iyon dahil nanny ako. Iyong atensyon ko kay Drex ay napunta kay Sir nang bigla siyang tumayo. Tatanungin ko sana siya kung saan siya pupunta pero inunahan na niya ako.

“ I'm going to buy us a drink” He said then left me here. Sinundan ko siya ng tingin hanggang mawala siya sa paningin ko. Nilipat ko ang tingin ko kay Drex at nagsimulang kabahan nang hindi ko man lang siya makita. Hahanapin ko na sana siya pero nakita ko siya na may kaaway na batang babae.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon