Chapter 24

76 1 0
                                    

CHAPTER 24

“ Are you sure wala ng masakit sa'yo?” Paulit ulit niyang tanong ngunit heto ako at nakatingin lang sa kaniya.

Pagkatapos kong sabihin ang tatlong words na 'yon: I miss you, ay hindi na ako makapagsalita. Parang nawala na ang dila ko at tanging tingin lang ang nagagawa ko sa kaniya. Paulit ulit niya akong tinatanong ngunit tanging tango lang ang naisasagot ko. I nodded again and for the fifth time. He sighed again.

“ Can you speak Katarina? Please” he said with a sweet voice.

Kung dati walang epekto sa akin ang pagtawag niya sa pangalan ko ngayon naman ay nag iba. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso at hindi lang 'yon, parang pamilyar ang boses niya sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko.

“ Ethan. Where is he?” hindi ko mapigilang tanungin.

Pamilyar ang pangalan sa akin no'n. Parang iba ang pakiramdam ko kapag naalala ko ang pangalan na Ethan. Hindi ko mapangalanan ang aking nararamdaman basta pamilyar siya.

Kita ko ang pag igting ng kaniyang panga at pag iwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Kilala niya ba si Ethan? Then I remember, 'yong hardinero dito. Ethan ang pangalan niya. At sa pagtanong niya sa akin noong nasa hospital pa ako kung naalala ko daw ba siya. Alam kong part siya ng nakaraan ko. I should asked him. He knows. I want to know who I am. I want to know who I really am.

Sa tuwing tinatanong ko si Cathy ay hindi siya makatingin sa akin. Hindi niya sinasagot ang mga tanong ko. Iniiba lang niya ang usapan. Sa tuwi namang may nakikita akong part ng nakaraan ko, sinasabi lang niya na guni guni ko lang iyon.

Si Aedan, minsan din ay nasakit ang kaniyang ulo at katulad ko ay nahihimatay. Sinasabi niya sa akin ang mga naalala niya ngunit malabo ito. Bakit ayaw sabihin ni Cathy kung sino ba talaga kami ni Aedan? Kung pamilya namin siya. Bakit ayaw niya kaming tulungan na maalala ang nakaraan namin?

Si Ethan? Sino siya? Sino siya sa buhay ko? Si Sir. Bakit pamilyar siya sa akin?

“ I.. don’t know” he said in a low voice.

Kailan ko kaya maalala ang parte ng buhay ko? Ang naalala ko lang ay nagising ako na nasa puting kwarto ako.

“ Can you speak? Can you tell us your name? Tell us what do you feel right now” sunod sunod na tanong ng taong nasa harapan ko.

Winagayway niya ang kaniyang kamay at kalaunan ay tinigil rin ito. Hindi ako makapagsalita at nagtataka kung bakit nandito ako. Anong nangyari? Bakit nandito ako sa lugar na ito? Sino 'tong mga tao na ito? At higit sa lahat sino ako?

Kanina pa ako gising at kanina pa nila ako tinatanong. Wala akong ginawa kundi tumingin lang sa kanila. Sa pagmulat ng aking mata ay isang babae agad ang aking nakita. Kita ko pa kung paano siya matakot nang makita ako. Nakaupo siya sa may upuan sa tabi ng aking kamang pinaghihigaan.

Agad din naman siyang umalis at sa kaniyang pagbalik ay may kasama na siyang doctor at nurse.

“ Sino ako…sino kayo?” 'yan ang kauna unahang lumabas na salita sa aking bibig.

Pinagmasdan ko ang reaksyon nila at parehas lang ang mga ito. Gulat, ngunit agad ding nakabawi ang doctor at humarap doon sa babaeng una kong nakita.

“ We will do some test..” madami pa siyang sinabi ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

Nilibot ko ang tingin sa kwarto na aking kinabibilangan. Maliit lang 'to at puro puti ang makikita. Nang tumingin ako sa kanila ay ngumiti sila sa akin bago umalis. Tinapik muna ng babaeng doctor ang balikat noong babae na hindi ko kilala.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon