Chapter 31

64 1 0
                                    

CHAPTER 31

“ Bakit ko naman gagawin 'yon?” Hindi ako makatingin sa kaniya nang sabihin ko iyon.

Hindi parin niya inaalis ang tingin sa akin. Ramdam ko iyon. Ang mukha niya ay hindi n’ya parin nilalayo sa akin. Sobrang lapit parin. Gusto kong itulak siya ngunit nanghihina ako para magawa iyon. Tumingin nalang ako sa pader dahil hindi ko kayang suklian ang tingin niya sa akin.

“ At bakit naman hindi?” Ramdam ko ang pag ngisi niya nang sabihin niya 'yon.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ang aking dalawang kamay ay nailagay ko sa aking likod at tiniklop ko ito ng mariin. Kinokontrol ang sarili dahil sa kilig. Bakit ba ganito nalang ang epekto niya sa akin?

“ Ba't ko gagawin 'yon? You’re not my boyfriend after all. I don’t want to lie to him” I said and now I'm facing him.

Pilit kong pinapatatag ang sarili ko kahit gusto ko ng matumba dahil sa panghihina sa lapit ng aming mukha. Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mata niya ngunit agad din itong napalitan ng ngisi.

“ Then, tayo na” seryoso niyang sabi.

Napamaang ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Seryoso ba siya? Lalo ko pang naikuyom ang aking kamay at ang puso ko ay lalong bumilis ang tibok. He was looking at me with seriousness in his eyes. Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Para bang nalunok ko ang aking dila kaya ako nagkakaganito.

Nakagat ko ang aking labi at umiwas ng tingin. Kami na? May naramdaman akong sakit dahil kahit papaano ay gusto ko namang maka experience na nililigawan at ako ang magdedesisyon kung kailan magiging kami. Gusto ko nang gano'n ngunit ang konting sakit na aking nararamdaman ay natatakluban ng kilig na kaniyang pinaparamdam sa akin.

“ Paano magiging tayo? Parehas ba tayo ng nararamdaman sa isa't isa?” Dahil baka ako lang itong may nararamdaman at ikaw ay laro lang 'to sa'yo.

Tinatagan ko ang sarili ko upang matingnan siya. Bigla siyang napatigil at naibuka ng maliit ang bibig dahil sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin at umiwas ng tingin.

Lumayo siya sa akin at hinilamos ang palad sa mukha. Hindi parin inaalis ang hindi makapaniwalang tingin. Natakot ako dahil baka totoo nga itong hinuha ko. Na hindi niya talaga ako gusto kaya siya lumayo sa akin.

“ Wag mong sabihin na wala kang nararamdaman sa akin?” bigla n’yang sabi.

I was taken a back when he said those words. Nahahalata ba niya na may gusto ako sa kaniya? Napigilan ko ang paghinga at ramdam ko ang pagpula ng aking pisngi. Siguro masyado nga’ng halata ang mga kilos ko upang malaman niya na may gusto ako sa kaniya. Ngunit bakit 'yong mga kasambahay naman ay walang napapansin?

“Po?”

Tumaas ang kaniyang kilay at humakbang ng isang beses. Isang beses upang maging malapit ulit siya sa akin. Hindi tulad kanina na malapit ang mukha niya sa akin, ngayon naman ay malapit siya sa akin ngunit hindi nagdidikit ang aming katawan.

“ What? Don’t tell me that you don’t like me?” he said sarcastically.

“ Po? Wala naman akong sinasabi”

“ So, you like me?” nakangisi niyang tanong at nag isang hakbang na naman papalapit sa akin.

“ Ha?”

Wala talaga akong mabuong matinong words sa ngayon. Sabay kaming napalingon sa higaan ni Drex nang bigla siyang umungot.

“Mom” he groaned.

Dali dali akong pumunta papalapit sa kaniya. Nilampasan si Adrian at pag aalala lang ang nararamdaman ko ngayon.

“ Drex, andito ako” bulong ko sa kaniya nang makaupo na ako sa kama. Namamawis ang noo n’ya at nataranta ako nang bigla nalang siyang umiyak. Kahit anong paggising ko sa kaniya ay hindi siya nagigising.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon