Chapter 52

94 0 0
                                    

CHAPTER 52

“ Let’s try that!” I pointed the one that looks like a bike. Well you need to pedal so you can water the plants. It’s a plant watering work out machine.

You must need to pedal so you can water the plants. It don't look like a bike because of the curve of the metal. Pero ang pagpadyak ay katulad ng bike.

Para kasing ang gandang i-try. It looks so much fun. Nag exercise ka na, nakatulong ka pa sa mga halaman.

Kakaalis lang ng dalawang babae doon at kami na ang kasunod. At least nakapaglaro kami 'di ba? Pagpapawisan.

“ Yeah. Let’s try that” napipilitan niyang sagot.

Hindi ko nalang pinansin iyon at agad ko na siyang hinila papunta doon. Some people there look at us when we walk near the plant watering work out machine.

I am so excited to try it that I didn’t realize that I was running while I'm holding his wrist. Nang makalapit na doon ay agad akong umupo na sa upuan habang natatawang tumingin sa kaniya.

Para siyang pinagsakluban ng lupa habang nakatingin sa akin at sa machine. Lumingon siya sa mga tao na nakatingin sa amin at hinihintay kaming magsimula na pumadyak.

“ Come on! It's fun” pilit ko sa kaniya.

“ Where is the fun in that thing?” nakabusangot ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.

What? Akala ko ba ba pumayag na siya? Narinig ko pa iyon nang sabihin ko na subukan namin ito. Ta's ngayon na nakalapit na kami ay parang gusto na niyang bumack out. Is that because some people are looking at us? Nahihiya ba siya?

“ It’s fun kaya! Ang kj mo lang talaga”

Nakatingin lang siya sa akin at parang wala pang balak na sumakay. Dahil sa pagkainip ko na hintayin siya ay nagsimula na akong pumadyak. Ilang oras pa yata ang kakailanganin kong ubusin bago ko siya mapapayag.

Tuwang tuwa ako sa tuwing may tubig na nalabas sa bawat pagpadyak na nagagawa ko. I feel so happy while doing it. Because I'm helping the plant to grow?

Natatalsikan na ako ng tubig ngunit binabalewala ko iyon. Tumigil lang ako sa pagpadyak nang mahirapan ako dahil sa skirt na suot ko. Nataas ito at nakikita ang hita ko. Katabi ko pa man din si Aston. Nakakahiya.

“ You’re wearing a skirt. Many people are watching” he coldly said while looking at the people.

“ So?”

Pinagpatuloy ko ang pagpadyak at ramdam ko ang pagtaas ng skirt ko. Now, pinagsisihan ko kung bakit ito ang sinuot ko. Nahihirapan ako. Dapat pala nag suot ako ng pantalon.

Titigil na sana ako sa pagpadyak upang ayusin ang skirt ko nang may maramdam akong daliri sa may hita ko.

Napatingin ako kay Aston na seryosong binaba ang skirt ko. Kunot  ang noo at malapit nang magtama ang kaniyang kilay.

“ You should stop pedaling. Some boys are looking at your legs”

“ But..but I want to try it”

Hindi ako makaimik ng maayos dahil sa pagtama ng kamay niya sa aking hita. Para rin akong aatakihin sa puso dahil sa pinaparamdam niya sa akin. Hanggang hawak kamay lang kami. At doon palang parang mawawalan na ako ng hininga. Paano pa kaya ngayon na nararamdaman ko ang daliri niya sa hita ko? Mamatay na siguro ako.

Cause of death. Aston Adrian Hernandez.

“ Try it next time when you are wearing pants. I already know that it was a bad idea”

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon