Chapter 69

40 1 0
                                    

CHAPTER 69

“ Where are you going?” Isang baritonong boses ang nakasunod sa akin.

Nakapang bihis na ako at narito ako sa aming closet upang makapag ayos ng buhok at maglagay ng jeweleries sa tainga, leeg at kamay. Ang pinagkakaabalahan ko nalang ngayon ay ang pag aayos sa buhok nang bigla siyang pumasok. Kagigising lang at halatang nagulat nang makita na ganito ang ayos ko.

I looked at his reflection on the mirror. I remained expressionless while looking at him. Bakit siya lang ba ang may karapatan na gumising ng pagka aga aga? Na maunang magising sa aming dalawa? At umalis ng maaga?! I gritted my teeth and continue brushing my hair.

Wala akong nararamdaman na iba habang nakatingin sa kaniya kung 'di poot at galit. Ang pagmamahal ko sa kaniya ay natatakluban na ng dalawang emosyon na 'yon.

And every time I looked at him. The memory of him and Belle always flashed in my mind. Kung paano niya pag buksan ng pinto si Belle. Kung paano niya ito ngitian. At sa tuwing may natawag sa kaniya, he always go to the terrace and close the sliding door. Ayaw iparinig sa akin iyong mga sinasabi niya sa babae niya.

Kung kailan may anak at kasal kami syaka naman siya nagloko. Masaya na eh. But he suddenly changed. I want to ask him if he want to continue this marriage, kung masaya pa ba siya o kung mahal niya pa ba ako. At kung bakit siya nagloko.

I know that lots of family experience this. Na may nagloloko sa isang pamilya. Na nangangabit. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit siya nakiuso? Kung bakit siya nambabae! Binibigay ko naman sa kaniya lahat ah? Binibigay ko hanggang sa wala ng matira para sa sarili ko. Dahil mahal ko siya. Ngunit siya ba? Mahal pa ba ako?

Lumunok ako ng malalim bago sagutin ang kaniyang tanong.

“ Enrollment ngayon ni Aedan. Magpapa enroll kami”

He was looking at me intently but I didn’t dare looking at him again. Hanggang sa matapos ako sa pagsusuklay ay hindi siya naalis sa kaniyang pwesto. Sa pinto ng walk in closet. Nakahilig siya sa hamba habang pinapanood ang mga galaw ko.

Bakit hindi ka pa umalis? Maligo at magbihis? Baka hinihintay ka na ng kabit mo. Tutal mas importante naman siya kesa sa amin ng mga anak mo.

We are looking forward for Aedan’s enrollment but now. You forgot it. Because all you think is your mistress! Na pati anak mo nakakalimutan mo!

“ Ngayon na ba 'yon?”

Bullshit! Bakit ka ba naging ama ni Aedan? I don’t want to hurt my son’s feeling because his dad forgot it. Because their dad have another woman kaya hindi siya nakakasabay sa amin sa pagkain. Kaya lagi nalang gabi itong nakakauwi. Pati mga anak namin ay hinahanap na na siya palagi dahil hindi na nila ito makita rito sa bahay.

Maagang aalis na tulog pa sila Aedan at Drex. At uuwi naman kung kailan tulog na ang mga bata. Hinahanap na siya ng mga anak namin. They want their dad presence in this house but he choose his mistress than his children.

Tiim bagang akong sumagot “ Oo. Ngayon 'yon”

Bumuntong hininga siya at umalis sa pagkakasandal sa hamba. Lumapit siya sa akin ngunit umalis agad ako sa pwesto ko para mag pretend na may hinahanap na hindi makita. Para lang hindi siya madikit sa akin.

Mula gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagtigil niya. At ang pagbuntong hininga.

“ I'm sorry if I forgot. Ihahatid ko nalang kayo sa school”

I rolled my eyes secretly at lumapit sa lagayan ng mga jewelries ko sa may vanity mirror. Habang naglalagay ng hikaw ay humarap ako sa kaniya.

“ I have my own car. And why are you here? Wala ka bang kliyente na ime-meet?” subukan ko man na hindi maging mapait ang boses ay naging tunog mapait iyon.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon