Chapter 22

77 0 0
                                    

CHAPTER 22

“ Sir ako na po iyong magbabayad” pagpiprisinta ko ngunit hindi niya ako pinapakinggan.

Ilang ulit na kaming nagtatalo dito sa may cashier kung sino iyong magbabayad ng hospital bills. Ilang araw na kaming nandito sa hospital at ngayong araw ang labas na ni Aedan. Inaasiko nalang namin ay iyong babayaran ngunit hindi matuloy dahil sa pagtatalo namin ni Sir. Tuwing napapatingin nga ako sa babae na nasa harapan namin ay parang bagot na bagot na siya kahihintay.

“ No. I'm the one who will pay the bills” giit niya pa.

Hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga na ang nagawa ko dahil sa kakulitan ni Sir. Hindi ba siya masaya na hindi mababawasan ang pera niya? Alam kong mayaman siya at madaming pera ngunit ayaw kong abusuhin iyon. Nakuha ko na ang sweldo at dinagdag ko na iyon doon sa inipon kong pera, kaya sakto na iyong pambayad ko. May sobra pa nga eh.

“ Sir, may pera naman po ako. Itabi n'yo nalang po iyong pera nyo” nagmamakaawa na ako.

“ Iyong pera mo ang itabi mo. Ako ang magbabayad Katarina” seryoso niyang sabi.

“ Ma'am, Sir sino po ba talaga ang magbabayad? Nagmamakaawa na po ako madaming nakapila pa” biglang sabi noong babae.

Napatigil ang titigan namin ni Sir dahil sa sinabi noong babae.

“ Ako”

“ Ako”

Sabay naming sabi ni Sir kaya napatitig ulit kami sa isa't isa. Seryoso siya at ako dito ay nagmamakaawa. Para hindi na tumagal ay sumuko na siya. Ako naman talaga ang dapat magbayad. Ayaw kong magka utang na loob.

“ Klaruhin nyo po kung sino. Kung gusto nyo ay pumunta kayo sa likod ng pila at doon kayo magtalo. Nakakaabala po kayo sa ibang magbabayad” saad pa noong babae.

“ Ako na kasi Sir” madiin kong sabi ngunit may respeto na maririnig sa aking boses.

“ Here. Take my card. Ako ang magbabayad kaya huwag mong kunin iyong pera niya”

Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya at sinundan ang kamay niya na may hawak na card. Magsasalita na sana ako upang pigilan ang babae nang tanggapin na niya 'to.

“ Ma'am” hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya. She swipe it and that’s the end of our argument.

Tinanggal ko ang tingin ko kay Sir na nasa babae lang ang tingin. Tinanggap niya iyong card at tumingin sa akin. He gave me a confused look while looking at me.

“ What are you looking at?”

“ Sir! Ako dapat ang magbabayad!”

“ Then? Wala ka nang magagawa. Nakabayad na ako” iyan ang huli niyang sinabi bago siya umalis.

Sinusundan ko siya habang nagsasabi na babayaran ko nalang siya. Ngunit hindi man lang niya ako nilingon at binigyan ng pansin. Mukha akong tanga sa kakatawag sa kaniya kaya tinigil ko na. Pag kaming dalawa nalang siguro syaka ko siya babayaran.

Nakarating na kami sa kwarto ni Aedan at nakita na bihis na siya. Ready na talagang umalis. Hindi man lang ako binigyan ng tingin at basta nalang tumakbo papunta kay Sir. Agad siyang binuhat ni Sir at parang ako pa iyong nahiya dahil sa inasta ni Aedan. Nakakahiya.

“ Aedan! Baba!” madiin kong sabi sa kaniya.

“ It’s okay” that’s what Sir said.

Sa nagdaang araw ay masyado na agad silang close. Hindi nakakalimutan ni Sir na dumalaw dito at nakakahiya na baka ay naabala pa namin siya. Hindi naman niya obligasyon na pumunta dito araw araw.

Be Mine, Again? (Again Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon