INABOT kami halos ng tatlong oras sa meeting ng saktong pag labas ko ay tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman yun kahit na number lang ang lumabas. Nakasunod sa likod ko si Garrett.
"Hello?" Patanong na sabi ko.
"Hello this is Teacher Mark. Ahm ako po teacher ni Cleo sa pagkakarate. Ah need niyo po pumunta dito agad." Sabi nito.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Ah nag karon po kase ng away bata dito at si Cleo po unang nanulak." Sabi nito.
Napahinto ako sa sinasabi nito. "Ok, papunta na." Mahinahong sabi ko. Binaba ko na ang tawag at nag mamadaling nag lakad palabas ng hospital. Bubuksan ko na sana ang pinto ng Driver seat ng kapitan din ni Garrett yun.
"Kung gusto mo sumama. Doon ka sa passenger seat. Ako na ang mag drive." Sabi ko dito.
This time nakinig naman ito. Pumasok nako ng driver seat ng pumasok ito sa passenger seat.
Pinaandar ko agad yun patungong school ni Cleo.
Nang makarating ay mabilis akong bumaba ng sasakyan. Hinayaan ko kung naroon pa si Garrett sa loob basta ako deretsyo papasok sa loob ng Dance at karate school ni Cleo.
Nakita ko agad kung nasaan sila. Nakaupo ang dalawang batang lalaki at ang isa ay ang anak ko. Hindi ko nakita ang magulang ng isang bata. Lumapit ako sa mga ito.
"Ma'am buti na dito na po kayo." Sabi nung Teacher Mark
"Ano po ba ng yare bakit nag away silang dalawa?" Tanong ko. Naramdaman kong huminto si Garrett sa Likod ko.
"Si Cleo po ang Tanungin niyo." Sabi nung Teacher.
Humarap ako sa anak ko. Nakatungo ito. Pinantayan ko ito at tinitigan sa mukha.
"Ano ng yare?" Tanong ko dito.
"Inaasar niya po kaseng panget si Chloe kahit hindi niya pa na kikita. Kapag inaasar ko po si Chloe ng ganun pabiro lang pero itong si JayJay inulit inulit kaya tinulak ko siya." Paliwanag nito.
Hindi naman ito umiyak kaya tumayo na rin ako agad.
"Nasan magulang nitong isang bata?"
"Wala pa po Ma'am." Sabi nito.
Nag usap usap muna kami. Kinakausap din ni Garrett si Cleo. Nang may narinig kaming nag sarili sa likod.
"Anung ng yare sa baby ko?" Tanong ng isang matinis na boses.
Lumingon ako doon.
Pinaliwanag naman dito ng teacher ang ng yare.
Tumingin sakin ang babae parang pamilyar nga ito sakin pero di ko matandaan kung saan ko siya nakita. Nag uusap parin sila Garrett at Cleo. Hinayaan ko lang sila doon.
"Hindi mo ba tinuruan ang anak mo?" Mataray na tanong nito.
"For your information tinuruan ko ang anak kong maging mabuting bata. Eh ang sayo tinuruan mo bang huwang mang lait ng ibang tao." Mataray na sabi ko dito.
"Tinuruan ko yan. Baka naman kase totoo ang sinabi ng anak ko." Nakangising sabi nito.
"Walang panget sa lahi namin. Tingnan mo ang anak mo sa anak ko. Sa tingin mo sino mas gwapo sa kanila pag lumaki. Diba ang anak ko. Tingnan mo yang anak mo parang kulang ng turnilyo sa utak gaya mo." Sabi ko dito.
"Aba sumusobra kana ah. Huwag mong laitin ang anak ko."
"Ah, sorry kalait lait ka rin kase." Sabi ko dito.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.