NAKAKA PAGOD Ang araw araw na nag daan sakin. Lalo at ako ang manager ng cafe ni Tita Ella.
Buti ngayon ay naka leave muna ko. Nasa bahay lang ako. Si Boks ay may pasok, kaya mga katulong nito sa bahay ang kasama ko.
"Hi Ma'am." Bati sakin ni Bela ng makapasok ito sa kusina. Kumakain kase ako.
"Hi." Sabi ko.
"Musta po Ma'am." Tanong nito.
"Ok naman." Sabi ko.
"Ma'am, Girlfriend kayo ni Sir diba?" Inusenteng tanong nito.
Si Bela ay 17 years old palang, apo ito ni Manang, kaya na dito yan ay dahil dito sa manila nag aaral ang bata.
Sinenyasan ko itong lumapit sakin. Lumapit naman ito at bumulong ako ng " Gusto mo malaman ang totoo?" Tanong ko dito.
Tumango ito sakin. "Hindi pa talaga kami ni Boks, pero nang liligaw palang." Bigla akong nagulat na medyo tumili ito.
"Ay Ma'am. Sorry, kinilig lang hehe." Sabi nito.
"Wag na Ma'am tawag mo sakin. Ate Marga nalang." Sabi nito.
"Ok po Ate Marga, ay sarap sa feeling siguro ng may Ate noh." Sabi nito.
"Di ko alam feeling nun, kase ako ang Ate." Sabi ko.
"Ate Marga pwede ba kitang maging Ate din?" Tanong nito.
"Oo naman." Sabi ko.
"Yehey, thank you ate." Sabi nito.
"Ay Ate may kwento ako." Sabi nito.
"Ano yun?" Tanong ko at sumubo ng kinakain ko.
"Pero teka, Ate alam mo ba ikaw ang unang babae na dinala ni Sir dito." Sabi nito.
"Ano?"
"Sabi ko, ikaw ang unang babaeng dinala ni Sir dito, o binahay ba ganun. Di kase nag dadala ng kahit kaibigang babae yun dito. Kase sabi niya samin. Kapag nag dala daw siya ng babae dito ,ayun na ang papakasalan niya." Sabi nito. Bigla akong nasamid sa huling sinabi nito.
"Hala ate, ok kalang?" Tanong nito at hinimas ang likod ko.
"Ok na." Sabi ko.
"S-seryoso yang sinabi mo?" Tanong ko dito.
"Oo nga ate." Sabi nito.
"Alam mo ate nung unang kita ko sayo sabi ko asawa ka siguro ni Sir. Pero pag tingin ko sa darili niyo walang singsing tas pinakilala ka nyang Girlfriend." Sabi nito.
"Tapos ate alam mo ba nitong mga nakaraang buwan kase. Parating madaling araw na umuuwi si Sir dito. Mga pitong buwan na atang ganun yun, noon huh bago ka na punta dito sa bahay." Sabi nito.
"Pitong buwan?" Tanong ko.
"Oo ate, kase kapag tapos ng trabaho nun uuwi agad yun dito mga 10 o kaya 11 hindi gaya nung mga nakaraan na 3 o 4 na umuuwi yun tas aalis pa ng 7 ng umaga." Sabi pa nito. Tumango tango ako, alam ko naman ang dahilan nun kaya madaling araw kung umuwi yun noon.
"Hmm, ate kilala mo naman siguro si Kuya Isaac noh?" Tanong nito sakin.
"Oo, bakit?" Tanong ko naman.
"Ang pogi eh." Sabi nito at parang kinikilig pa.
"Crush mo si Isaac noh?" Tanong ko dito.
"Ate wag kang maingay marinig tayo ni Nanay." Sabi nito.
"Nako kang bata ka." Sabi ko. "Bata kapa mag aral ka muna at mag tapos bago ganyan huh." Sabi ko.
"Ate crush lang naman eh." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.